12- How's Marki?

1.6K 26 2
                                        

12: How's Marki?

-NI-

"Sige sige. Papunta na ko."

Naputol na yung tawag, kaya naman binaba ko na yung celphone ko. Sobra akong nanginginig to the point na kamuntikan ko nang malaglag itong celphone ko kanina.

Hindi ako mapalagay simula pa kanina. Kanina pa ako paikot-ikot sa pasilyo nitong ospital. Hinding hindi ko naman inaaasahan na mapupunta kami rito. Hinding hindi ko inaasahan yung nangyari kanina sa anak ko.

Magtatanghalian na kanina kaya abala kami Thek sa paghahanda ng ipapakain sa kambal. Okay naman silang naglalaro sa playpen nila, kagaya lang ng lagi nilang ginagawa kaya kampante kami. Maya-maya, narinig ko nalang na umiyak si Theana. Mabuti talaga at pinuntahan ko sila kaagad. Halos hindi ako makahinga sa naabutan ko. Nakahiga na sa playpen si Marki, nakapikit, at putlang putla. Halos naging violet o itim na nga ang kulay niya kanina. Ang mas kinatakot ko e hindi na siya gumagalaw. Sobrang bagal nalang ng paghinga niya. Umiiyak na ako kanina nang tawagin ko si Thek. Nagmadali kaming umalis at nagpahatid dito sa ospital.

Simula nang dalhin sa emergency room si Marki, hindi ko pa siya nakikita o nakakamusta. Mga tatlumpung minuto o higit na rin 'yon simula kanina. Sa bawat pagtakbo ng oras, mas lalo akong nahihirapan at kinakabahan. Naninikip na rin ang dibdib ko na para bang pakiramdam ko ay ikamamatay ko na rin ang nerbyos.

Ang tagal naman nila. Ang tagal din ni Trey.

Kinakabahan na talaga ako. Sobrang natatakot ako. Ayokong makarinig ng hindi maganda mamaya. Hindi ko kakayanin.

Dasal nalang ang kinakapitan ko ngayon. Kung kailangan, lahat ng santo tatawagin ko maging ligtas lang ang anak ko.

"Ni!" Humahangos pa si Trey nang salubungin ako sa may pasilyo. Pawisan siya at namumutla rin, siguro kagaya ko. "S-si Marki? Kamusta?"

Napaiyak na ako nang tuluyan at yumakap nalang sa kanya nang mahigpit. Kanina pa kasi ako nagpapakatatag dito kahit lumung lumo na ako. Hindi naman sa hindi na ako umaasang gagaling ang anak ko, pero syemprr normal namang matakot ako sa pwedeng mangyari

"Ni, huy, bakit? Nasan na si Marki?" Paputol-putol na ang boses ni Trey. Mas nahahalata ko na ang takot niya. "Ni naman."

Humiwalay ako sa yakap at magkibit-balikat. Sinabayan ko pa 'yon ng pagtingin sa direksyon ng ER kung saan kasalukuyang ginagamot ang anak ko.

"Wala pa bang sinasabi?" tanong pa ni Trey.

Wala na akong lakas oara magsalita kaya naman umiling nalang ako. Napayakap ulit ako sa kanya. Ang isa't isa lang talaga ang masasandalan namin sa panahong ganito.

"Si Theana?" tanong ulit ni Trey.

Nanlalata akong magsalita. "Kasama ni Thek. Hinihintay si Mama na dumating."

Tumango nalang siya. Inakay niya ako paupo sa may isang sofa sa tapat mismo ng pintuan ng ER. Nakikiramdam ako. Nakakabaliw ang magkahalong katahimikan at mga yabag ng mga nurse at doktor na nagkukumahog sa pagtatrabaho.

Mga limang minuto yata ang nakalipas nang bumukas sa wakas ang pinto ng ER at isang nurse ang lumabas. Hinanap niya kaming magulang ng pasyente raw na si Marki at pinapasok sa loob.

Ayoko sana kasi sobrang natatakot ako, pero alam kong kailangan kong pumunta. Nakakapit nalang ako kay Trey na siyang umaalalay sa'kin at pinagkukunan ko ng literal na lakas.

Pakiramdam ko, lumuwag ang paghinga ko at nabunutan ako ng tinik nang masilayan ko ang anak namin na nakaswero nang nakahiga sa kama. Payapa siyang natutulog at di gaya kanina ay bumalik sa normal ang kulay at itsura niya, at maging ang pagtaas-baba ng dibdib niya na senyales na ayos na ang paghinga niya.

Hinalikan ako ni Trey sa tuktok ng ulo ko na pagpapabatid niya na wala na kaming dapat ipag-alala.

"He had a syncopal attack," pagsisimula nung doktor kaya naman na-divert sa kanya ang atensyon naming mag-asawa. "According to your statement, Mrs. Salves, ay naglalaro lang siya sa playpen niya kanina, and then it happened. Usually, syncope or commonly known as fainting happens when there's malfunction in the brain's electricity wherein kapag nag-short circuit, it will lead to loss of consciousness. Pwede rin namang dahil sa pagma-malfunction naman ng heart. And lastly, the most common cause, is thr vasovagal syncope na according to our observations and tests ay siyang dahilan ng sa anak niyo."

Nagkatinginan kami no Trey. Alam kong pareho kaming nag-iisip at umaasang hindi malalang sakit 'yon o ano.

Nagpatuloy si doktora Sanchez, "I guess kanina ay nakaupo si baby at biglang tumayo. Or maybe the other way around. Ang tendency nun, yung blood ay mapu-pull from the brain down to the legs. Kapag ang brain ay hindi mag-respond properly through sending signals on the blood vessels sa legs which causes them to constrict or narrow, maiipon yung excess blood sa legs at magde-decrease ang sa utak, which leads to dizziness. Kapag hindi naayos ng utak, then fainting will happen."

Walang nagsalita sa'min ni Trey. Naiintindihan namin pero parang ang hirap lang iproseso.

"Don't worry. Your son is stable now. Siguro mamaya, magiging conscious na rin siya."

"W-wala naman na pong problema? Talaga naman pong nangyayari yung ganon?" tanong ni Trey.

"Yes, we encountered several cases of vasovagal syncope at meron din sa mga bata. Hm, but about the condition of your baby, we will still make tests para makasiguro, pero don't worry dahil wala pa naman akong nade-detect na defect sa kanya. We'll just inform you, of course."

Nang matapos ang ilang tanungan at pag-uusap ay pinag-request na kami ng kwarto na kukunin. Mga ilang araw o linggo pa raw kasi kami rito dahil sa mga tests and examinations na gagawin kay Marki to make sure na wala ngang problema.

***

Maluha-luha ako habang pinagmamasdan ko yung anak ko rito sa hospital bed niya. Unang beses naming danasin 'to simula nung pinanganak ko sila. Lahat ng pag-iingat, ginawa naman namin. Ni-hindi nga sila kinakagat ng lamok hangga't maaari, pero wala eh. Inevitable talaga ang ilang mga bagay.

"Ni, magpahinga ka muna."

Umiling ako. Paano ako magpapahinga kung nakikita kong ganito yung anak ko? Muntik na siyang mawala sa'min kanina. Pakiramdam ko nga, kung na-delay kami kahit limang segundo, may posibilidad na maging huli na ang lahat. Buti talaga ay naging ligtas siya. Sobrang grateful talaga ako.

"Kumain ka na ba? Tatawagan ko si Thek, magpapadala tayo ng pagkain."

Tumango nalang ako. Nakay Marki pa rin ang tingin ko. Hay, anak, sana gumaling ka na kaagad. Sana wala ka namang ibang sakit. Hindi ko kaya yun pag nagkataon. Baka daigin ko la ang may cancer pag nagkataon.

"Wag ka nang mag-alala. Naniniwala akong magiging maayos na si Marki." Tumayo si Trey at lumapit sa'kin sa may likuran ko. Pinatong niya ang dalawang kamay sa balikat ko. "Malakas 'yang anak natin, Ni. Lalaban siya, Ni."

Napabuntong hininga ako.

"Trust me, Ni," sabi pa ni Trey. "Trust your son."

Sabay kaming napalingon ni Trey sa may pintuan ng kwarto nang bumukas 'yon. Si Mama pala 'yon at sa aura niya ay mukhang hindi maganda ang mga mangyayari.

Hindi ko maintindihan kung bakit masama ang tingin niya sa asawa ko na para bang kasalanan ni Trey ang nangyari kay Marki.

-tbc.

Medyo short... pers time! Haha. Dedications, soon! Magbibigay ako. Hinding hindi ko nakakalimutan. Tuma-timing lang. ^•^

Thanks for your reads, votes, and esp. comments!

Keep supporting! More happenings to come!

Love love, Naomi Anne (f.y.i., not my real name.. baka sabihin niyo napaka-deceiving ko. harhar) ❤

Dealing with Forever [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon