35: Sort of Divulgence
-NI-
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig kong pag-amin ni Mama. Mas lumala ang pag-iyak ko. Mas bumigat ang pakiramdam ko. Mas nasasaktan ako.
Hindi ko akalaing sarili ko palang ina ang may kagagawan ng lahat ng 'to. Sa lahat ng tao, siya pa pala ang mag-uumpisa nito. Siya pa ang maglalagay ng buhay namin sa alanganin... Siya pa na ina ko.
Inamin niyang siya ang lumapit kay Frank para masira kami ni Trey kasi sa simula pa nga lang, ayaw na niya sa asawa ko. Kinasabwat niya si Frank para maghiwalay kami. Pati rin si Thek ay kasabwat nila. Siya ang nagpasok kay Thek sa bahay para maging mata nila ni Frank. Woah, hindi ako makapaniwala.
"Para lang don, handa niyo kaming ilagay sa alanganin? Ma, alam mo bang ikamamatay naming apat yung ginawa niyo?" galit kong tanong sa kanya.
"Hindi ko naman alam, anak, eh. Hindi ko alam ma ganun pala kasama yung Frank na 'yon," depensa ni Mama. "Hindi ko alam yung mga pinaggagagawa niya. Kaninang nalaman ko... s-sobrang nagsisisi na ako. D-dapat hindi nalang ako nagpakamakasarili. Dapat inintindi ko kayong mag-asawa. M-mahal ka niya eh... Ang damot ng dahilan ko para dalhin kayo sa ganito kagulong sitwasyon."
Pinunasan ko ang luha kong ayaw nang tumigil kakapatak. "Bakit, Ma? Anong dahilan mo?"
"S-Salves si Trey..." nanginginig na simula ni Mama. "A-anak siya ni Rodrigo..."
Natigilan ako. Si Daddy Rodrigo? Bakit? Anong kinalaman naman niya?
"Anak siya ng lalaki ko noon... H-hindi mo alam, 'yon, anak. Iniwan niya ang pamilya niya, sila Trey, para sumama sa'kin. Nagmahalan naman kami... nang ipapakilala ko na siya sa'yo para magkaroon ka na ng kumpletong pamilya, iniwan niya ako..." Naiiyak si Mama sa kwento niya.
"Nagalit ka sa Salves, ganon ba, Ma?" Yun lang ba ang dahilan? Si Mama pa ba ang may karapatang magalit kung siya na 'tong dahilan kung bakit malungkot noon si Trey at galit pa hanggang ngayon kay Daddy?
"Hindi ganon, anak. A-ayoko lang na masaktan ka. Natatakot akong baka malaman ni Trey ang lahat. Natatakot akong sabihin ng nanay niya sa kanya ang lahat. Ayokong magalit pati sa'yo ang asawa mo at iwan ka dahil lang sa problema at kasalanan namin ng ama niya."
"Kaya inunahan niyo na ang lahat? Kaya nilayo mo ako sa kanya... kaya mas gusto mong sa ganitong paraan ako masaktan." Bwiset! Naiinis ako sa buhay ko! Ang sarap mawala nalang eh.
"Anak, pasensya na. Maling inunahan ko kayo. Maling hinusgahan ko ang asawa mo, lalo na yung pagmamahal niya sa'yo. Nagkamali ako, anak. Nagsisisi na ako... Sorry... Sana patawarin mo ako, anak."
Halos magsumamo si Mama. Gusto ko man siyang intindihin, hindi ko pa kaya. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nalaman ko.
"Kakausapin ko si Frank. Sasabihin kong--"
"I'm sorry rin, Ma..." Tumayo ako at nagmadaling lumabas ng kwarto at ng bahay habang basang basa ng sarili kong mga luha.
-HAN-
Ugh! Shit! Ay naman! Hindi ko alam ang tungkol doon. Shit talaga. B-buntis pala ang asawa ko? Ahh, tangina talaga!
Nakakainis. Kailangan nga niya ako, pero lagi naman akong wala. Sa kapabayaan ko, wala na kong balita sa lahat. Agh, bwiset!
Hindi ko na kaya 'to. Gagawin ko na ang lahat para mabawi sila. Ayokong magbuntis at manganak si Marley mag-isa. Ayokong lumaki nang walang ama yung anak ko. Hindi pwedeng mangyari 'yon.
Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Pupuntahan ko na siya. Mag-e-explain ako sa kanya. Kailangang pakinggan na niya ko. Kahit ipagtabuyan niya ako, hinding hindi ko na siya iiwan. Magmatigas man siya, hindi ako magpapaapekto. Mali na 'tong nangyayari ngayon eh. May isa na naman kaming anak na na nadadamay.
"Anak?" salita na ng tatay ko. Matagal-tagal din yata akong natulala.
Tumayo na ako. "Aalis na ako."
"Ayusin mo ang lahat, ah?" Nakakainis, bakit ba concerned pa siya sa'min? Ugh.
Walang gana ko nalang siyang tinanguan. Nakaka-guilty naman kasi kung kagagalitan ko pa siya ngayong siya na itong nagsabi sa'kin tungkol sa kalagayan ng asawa ko.
***
Umuwi muna ako sa bahay. Naupo ako sa sala at nagbukas ng tv. Dapat pupunta na ako kanina pero pinigilan ko muna ang sarili ko. Ayoko nang pumunta doon nang hindi handa.
Sa ngayon, pag-iisipan ko munang maigi ang bibitawan kong mga salita at kilos. Saka, aayusin ko rin muna ang bahay namin. Takte, puro kalat ko pa eh. Ayoko namang dalhin dito ulit ang mag-iina ko tapos makakasinghot lang sila ng alikabok.
Ay naman. Sana naman maging maayos na. Hay. Ilang beses ko na bang sinabi 'to? Sana naman totoo na ngayon. Ugh!
Tumayo na ako at kumuha ng walis. Inumpisahan ko nang maglinis nang makatapos na at nang makuha ko na sila ulit.
Inuna kong nilinisan yung kwarto namin. Inayos ko lahat mula sa kama namin hanggang sa tulugan ng dalawa. Hindi ako nahirapang linisin 'yon maliban nalang sa mga alikabok sa paligid.
Sinunod ko naman yung dating tinutulugan ni Thek. Kulang nalang ay isprayan ko yon ng kung anu-anong germ killers. Kapag nakaluwag-luwag, ire-request ko kay Ni na gawin nalang namin 'yong kwarto ng mga bata.
Tinapon ko sa labas yung mga basura na nakuha ko tapos ay ang sala naman ang nilinis ko. Kahit dalawang oras na kong nag-aayos ay hindi ko ininda, maiuwi ko lang sila ngayon dito.
Nagpupunas ako ng alikabok ng tv nang di ko sinasadyang mabuksan 'yon. Para bang talagang nagpabukas 'yon nang sadya sa'kin.
"Flash Report..."
Napaatras ako sa narinig ko at napatitig sa tv namin.
"Kani-kanina ay nilabas ng pulisya ang pagtakas di-umano ng isang malaking kriminal na si Frank Deralba..."
Napamura ako sa narinig ko. Ano? Nakatakas yung hayop na 'yon?
"Ayon sa pulisya, pasado alas-dyis kanina nang magsimula ang malaking rambol sa may grounds ng mga preso. sinamantala iyon ni Deralba..."
May kinausap na pulis sa tv.
"Nang balikan namin ang lugar niya, nakita naming wala na siya tapos bugbog sarado ang dalawang pulis. Yung isa nga sa katunayan ay nag-aagaw buhay sa ospital..."
Shit. Hayop talaga yung Frank na 'yon.
"Hanggang ngayon ay pinaghahahanap pa rin siya ng pulisya... Para sa iba pang detalye, tumutok lang sa news tv mamayang alas sais."
Ah shit talaga. Bigla akong kinabahan. Masamang masama talaga ang kutob ko. Parang may banta sa buhay namin.
"Ay naman. Tangina talaga." Agad kong pinatay ang tv at binunot ang saksakan ng mga gamit sa bahay. Kinuha ko yung susi ng kotse ko at nagmamadaling nag-drive. "Ugh, pucha. Walang mangyayari,Trey."
-tbc
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Ficción General[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...