38: Aftermath
-NI-
Nangyari na nga ang pinakakinakatakutan ko. Pilit kong tinago ang lahat kay Trey para maiwasan 'to, pero aabot pa rin pala kami rito. Nalaman pa rin ni Trey. Napahamak at nabaril pa tuloy siya.
Ilang beses akong humiling at nagdasal na huwag gagawin ni Frank, pero... g-ginawa pa rin niya.
"Trey!"
Nakayakap pa rin nang mahigpit sa'kin si Trey. Nakakainis kasi hindi ko man lang siya mayakap pabalik dahil nakatali at di ko magalaw ang mga kamay ko.
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin. Hindi ko lang kinakaya na hindi ko alam kung paano susuklian ngayon nang ganon ang pagmamahal na 'yon. Wala akong ibang binigay kundi gulo lang.
Pinikit ko nalang ang mata ko nang makarinig ako ng sunud-sunod na putukan. Hindi ko kayang makita ang lahat. Masyado akong duwag para harapin at tanggapin ang gulong nagsimula dahil sa'kin.
"Trey..." Natakot ako kasi habang nagbabarilan ay unti-unting lumuluwag ang pagkakayakap sa'kin ni Trey. Para bang unti-unti ay bumibigay na ang katawan niya, kaya naman naging labis ang naramdaman kong kaba at takot. Baka... baka mawala siya sa'kin. "H-hindi, Trey... Please... T-Trey!"
Bumagsak na siya nang tuluyan sa sahig kaya napadilat na ako. Nanginig ako sa dami ng dugo sa likod niya.
Hindi... hindi... "Trey? Han, uy!"
Sa kakaiyak ko kay Trey, hindi ko na namalayan ang paligid hanggang sa lapitan ako ng kung sino... si Daddy Rodrigo pala.
"Anak, s-sorry kung medyo natagalan," salita niya habang kinakalas ang tali sa nakagapos kong mga kamay. "W-wag kang mag-alala. Tapos na."
Nilingon ko ang paligid. Bukod kay Trey ay nakasalampak at wala na ring malay sa sahig sila Frank at mga tao niya. Ang iba naman, kasama si Thek, ay hawak ng mga pulis na dumating pala kanina.
Binalingan ko ulit si Daddy Rodrigo. Niyakap ko siya agad. "Daddy, salamat po..."
"Ay, jusko." Nilingon naman ni Daddy ang anak niya. "Anak..."
Agad na lumapit ang mga paramedics na kasama rin nila at inasikaso ang asawa ko para dalhin sa ospital.
Napayakap nalang ako kay Daddy habang pinapanood sila.
"Wag ka mag-alala, anak. Magiging maayos lang si Trey."
"Anak, umiiyak ka na naman." Pumasok na pala si Daddy Rodrigo sa kwarto kaya naman napabalik ako sa kasalukuyan.
Tumayo ako at niyakap siya.
"Wag ka nang umiyak baka makasama sa baby niyo," salita niya. "Ayos naman na ang lagay ni Trey, eh. Ang sabi ng mga doktor, sa may bandang balikat lang siya tinamaan. Mabuti at hindi inabot ang baga niya kaya ayos na siya."
"Thank you po talaga," bulong ko sa kanya. Kung hindi dahil kay Daddy, siguro ay wala na kami ni Trey ngayon. Thankful ako na dumating siya para iligtas kami.
"Tinawagan kasi ako ng anak ko." Nangiti si Daddy. "Sinabi niya kung ano ang nangyari kaya nagmadali akong tumawag ng pulis. Pumunta kami. Medyo swerte na rin kahit papano na umabot kami."
Mukhang magkakaayos na talaga silang dalawa. I am happy for them. Finally, matutupad na ang matagal niyang hiling.
"Ano na po ang nangyari kila Frank?" tanong ko.
"Patay na si Frank pati yung dalawa pa niyang kasama. Yung iba naman, kasama yung babae, dinala na sa presinto," sagot ni Daddy. "Wag kang mag-alala. Makakampante ka na."
BINABASA MO ANG
Dealing with Forever [completed]
Fiction générale[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happily married now for two years. Ngayong lumagay na sila sa tahimik, they both thought that they alread...
![Dealing with Forever [completed]](https://img.wattpad.com/cover/29436038-64-k938058.jpg)