TMG 24: The Mafia Empress

6.9K 200 19
                                    

TMG 24 ♠

 

“Damn.” I spit the blood from my cut lips.

Mabilis kong binawi ang balanse at sinangga ang paparating na suntok sa kaliwa ko saka ko pinalipad ang kanang kamao diretso sa kanyang panga. Hindi ko naitago ang ngising sumilay sa labi ko nang marinig ang impit na ungol na kumawala sa bibig nito matapos ng malakas na pagtama ng likod nito sa staircase nang mapaatras. Hindi ko na pinalagpas ang maiksing pagkakataong ‘yon at nagpakawala muli ng suntok na tumama sa mismong gitna ng kanyang dibdib. I sly smile crept my lips after witnessing how he froze on his spot. Tulala itong napasalampak sa sahig dala ng paghinto ng tibok ng puso nito dahil sa ginawa ko.

One of a hella death punch I learned way back.

Sinipa ko patabi ang lalaki at inis na pinunsan ang dugo sa pumutok kong labi. I can’t underestimate these bastrads. Hindi sila magiging bantay ng Ferrer-Mc Garden mansion kung pipitsugin sila. And my dad doesn’t fancy weaklings.

Hindi ko na pinansin ang hingal at agad na hinanap ng mga mata si Tobi nang maalalang kasama ko nga pala ito. Nasa hagdan siya paakyat ng third floor, kasalukuyang nakikipagpalitan ng suntok sa dalawang bantay na pumipigil sakanya. Halos pumapantay na sa tangkad niya ang dalawang lalaki na may makikisig ring pangangatawan. Halata ang lakas ng bitaw ng bawat atake nila, kaya hindi na ako nagtaka nang makatanggap ni Tobi ng isang malakas na suntok sa sikmura mula sa isa sa mga ito. Napahawak sa staircase ang kaliwang kamay ng binata habang nasa bandang tiyan ang kanan. At malinaw na malinaw kong nakita kung paanong nagbago ang timpla ng mukha ni Tobi na animo’y handang kumitil oras na may kumanti pa sakanya.

And indeed, he’s Tobi Ferrer.

Naglakad ako palapit sa pwesto niya malapit sa paanan ng hagdan. Hinayaan ko na lamang muna siyang tapusin ang sariling laban habang alerto pa ring nagmamasid sa paligid. Sa totoo lang, hindi ako pamilyar sa ikatlong palapag. Hindi kasi ako nagagawi dito dahil wala naman akong dahilan. Kumbaga, teritoryo ko ang ikalawang palapag at sa magaling kong ama at ikatlo. At hindi na rin ako magtataka kung nakarating na sakanya ang balitang naririto ako sa mansion niya kasama si Tobi. Pakiramdam ko nga’y nasa palagid lamang siya at pinagmamasdan kung paanong patulugin ko ang mga tauhan niya.

Muli kong nilingon ang pwesto ng nakangising si Tobi. Napataas na lang ang kilay ko dahil sa itsura niya. Kulang na lang humalakhak siya habang walang pakundangang nagpapakawala ng suntok sa mga lalaki. Mukhang natutuwa siyang paglaruan ang mga ito. Letse talaga ‘tong lalaking ‘to. Nagmamadali na nga kami kung anu-ano pang inaatupag.

“Finish that shit.” I hissed. He stopped punching the guy and turn to face me.

Together with my low gasp, I heard a loud thud, and groans filled my ears. Mabilis kong pinukol ng matalim na tingin si Tobi na prenteng nakatayo apat na baitang ang layo sa’kin. Nangangati ang kamay kong hatakin siya saka ihulog sa hagdan pababa matapos niyang ibalibag ang hawak na lalaki sa mismong kinatatayuan ko. Kung hindi lang agad ako nakailag, siguradong madadaganan ako ng men in black na ‘yon.

“Stop with the glare, love.” He said, smirking. Hindi ko siya pinansin kaya pinangibitan niya lang ako ng balikat at sinenyasan na sumunod sakanya bago ito tumalikod at nagsimulang maglakad paakyat. Kahit naiirita, wala naman akong nagawa kun'di ang sundan siya.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon