I can't particularly say that I am satisfied with this update but I hope this may do for now. Bawi na lang ako sa next chapter. I'm just drained and my brain's fried from all the exams. Hope y'all still enjoy this one. Thank you rin pala sa mga nag-iiwan ng feedbacks. I appreciate it, big time :)
PS: Kung may recommended stories kayo or gusto niyong ipabasa, sa inbox ko na lang po ninyo iwan at 'wag na sa comment box. Konting respeto lang sa story at writer. Hindi ko naman ini-snob ang mga recommendations niyo. 'Yun lang, salamat.
- - - x
TMG 42 ♠
Vincent Mc Garden
I'm no longer a kid, that's for sure. I'm not the same ten year old Vincent in fresh pain of losing someone, that's for sure. And I don't need anyone to know that I'm still crying over the loss... that, I'm not sure. All that I'm sure of is, I don't want him to leave. I don't want him to loose his hold around me. I don't want him to release me.
No. Not just yet.
Ramdam ko ang pamamasa ng tela ng damit niya kung saan nakapatong ang pisngi ko ngunit wala akong narinig na kahit na anong reklamo mula sakanya, hinahayaan niya lang ako. Hindi ko alam kung gaano na ba kami katagal sa posisyon na 'to pero mukhang ayos lang naman sakanya. At sa totoo lang, ayoko pang umalis sa pwesto ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Ito ang unang beses na may nakakita sa'king umiyak because of mom; not dad, neither Meisha, nor King. No one has ever did... except him.
And of all people, it has to be him.
Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko pero unti-unti ng bumabalik sa normal ang aking paghinga. Tahimik lang kaming dalawa maliban sa paminsan-minsan kong pagsinok habang masuyo niya pa rin akong hinahaplos sa buhok while his other hand's lightly tracing circles on the small of my back.
It's soothing, I had to admit.
He's not the type of guy who'll whisper sweet nothings to your ear to reassure you from anything, but he'll let you know that he's there with just his presence and silence alone. It's weird but I felt somehow secured. I felt safe. It felt... right.
"Are you okay?" Hindi tulad ng inaasahan ko, hindi malamig ang dating ng tono ng pananalita nito. Mahina ngunit malambing na animo'y bata ang kausap ang narinig ko.
Hindi ako nagsalita dahil sa takot na biguin ng sariling boses kaya mas pinili ko na lamang higpitan ang pagkakakapit sa damit niya bago marahang tumango habang nakatago pa rin ang mukha sa leeg nito.
Narinig ko pa ang paghinga nito ng malalim pero hindi naman na nagsalita. Lihim akong nagpasalamat dahil do'n, hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang dapat sabihin. Napapagod na ako, ang gusto ko lang ay magpahinga.
Nanatili pa kami ng ilang minuto sa gano'ng posisyon. Hindi ko na inisip ang hiya at inayos ang sarili sa mga bisig niya at naghanap ng mas komportableng pwesto. Isinisiksik ko ang mukha sa leeg nito habang nakapatong ang kaliwang pisngi sa balikat at mahigpit pa ring nakayakap sakanya. Hinayaan kong pumikit ang mga mata at lamunin ng pagod at antok. I'm not sure if my mind's playing with me or I'm already dreaming, but there's something warm and soft that lightly planted on my head before consciousness completely left me.
***
Nagising akong balot sa ilalim ng makapal na kumot. Hindi ko alam kung anong oras na pero base sa liwanag na tumatama sa puting kurtina ng kwarto ay mukhang mataas na ang sikat ng araw.
Napapikit ako ng mariin nang subukan kong bumangon ngunit isang matinding sakit ng ulo lang ang natanggap ko. Parang binibiyak ang utak ko sa sobrang sakit tuwing mapapakislot ako. I slowly put my forearm on my eyes and forehead, feeling how hot my skin there. At dahil sa mariing pagpikit, naramdaman ko kung gaano kamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha nang maalala ang mga nangyari. I should probably readied myself for the nonstop teasing I'd get from devil later. I know he wouldn't let me live in peace after of what he'd witnessed.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AcciónSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014