TMG 02 ♠
“Bullshit!” Nangunot ang noo ko nang makarinig ng isang mahina ngunit galit na singhal sa likuran ko. Hindi na rin ako nagtangka pang lingunin siya dahil nanginginig pa rin ang kamao ko sa galit habang nakatitig sa makapal na librong nasa paanan ko. Baka sakanya ko pa maibaling ang inis at lumipad na lang bigla ang kamao ko sa mukha niya. Narinig ko rin ang singhap ng mga estudyante sa loob ng room but I don’t freaking care kung bakit sila napasinghap diyan.
I closed my eyes for a couple of seconds, taking a deep breath to gather my shattered pieces of composure in the air. The hell with their bloody way of warm welcome! Hello badass, Vincent. You have now a valid reason not to hold back and show them, you, being the top troublemaker of the universe. Just, darn it! Wala pa nga yata akong sampung minuto sa loob ng eskwelahan na ito pero quota na sila sa’kin. Are they really testing my patience? ‘Cause I don’t have that.
“Are you hurt?” Napatunghay ako sa nag-aalalang boses ng isang lalaking nasa tabi ko. Siya yata ‘yong nagmura kanina. Nakatitig ito sa’kin at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi naman ako nagsalita at tinaasan lang siya ng kilay. Pakialam naman niya? At pakialam ko naman sa pagiging concern niya kuno. Hindi bagay lalo na at isa siya sa mga monter students ng Pandora High. With his classmates’ flying hardbound book welcome, asa naman siyang maniniwala ako sa drama niya.
“With that flying hardbound bloody book on my face? No, of course, I’m not freaking hurt.” I answered as sarcastic as I can. I rolled my eyes at sinimulang maglakad papunta sa pinakadulong bahagi ng room.
Ramdam ko naman ang masasamang tingin sa’kin ng mga kaklase ko na sinundan talaga ako hanggang sa makaupo. Sinalubong ko ang tingin nila at ginantihan ng mas masamang tingin. May iilang napaiwas ng tingin at napalagok pa, ngunit mas napatiklop sila nang magsimulang maglakad papasok ang lalaking kaninang kasama kong nakatayo sa pintuan. Hawak na nito sa kanan niyang kamay ang librong binato sa mukha ko habang nakapamulsa naman ang kaliwang kamay nito sa pantalon niya. Burado na ang concern nitong mukha at napalitan ng mas malamig pa sa bloke ng yelo ang mga mata nito. Walang emosyon itong naglalakad habang nababalutan ng itim na aura palapit sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa’kin. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang pagkabalisa ng lalaking tinitingnan niya. Pinapawisan na rin ang noo nito kahit centralized airconditioned naman ang buong room.
“L-Ladd…” Hindi pa nga natatapos ng lalaki ang pagsasalita nang marahas niyang hablutin ang kwelyo nito gamit ang kaliwang kamay. Ilang segundo lang ay namumula na ang lalaki dahil sa pagkakasakal sa sariling damit. Kita ko ang higpit ng pagkakahawak ng lalaking tinawag na Ladd sa kwelyo nitong bastardo.
“How many times I had fucking told you not to hurt a girl?” malamig at mariin nitong sambit. Hindi naman nakasagot ang kausap niya bagkus ay napaubo ito nang mas humigpit ang hawak nito sa kwelyo. “Do you want me to fucking remind you how I decipline a trash?” he cock his head on the side and a creepy smile was now plastered on his lips. “I warned you, right?” He added.
“Ugh!” ungol ng lalaki.
Nakita ko na lang ang sariling pinipigil na pala ang sariling paghinga. Parang luluwa na ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat sa bilis ng galaw nito at sa isang iglap ay namimilipit na napahandusay sa malamig na tiled floor ang lalaking sinasakal niya sa kwelyo, hawak nito ang sikmura niya at walang humpay na umuubo ng dugo. At ang malala ay sa mismong harapan ko pa tumalsik ang lalaki! Habol ang hininga nito dala na rin ng malakas na suntok na inabot niya sa kamay nitong si Ladd. Gamit kasi ang kamay niyang may hawak na libro ay sinikmuraan niya ng malakas ang lalaki dahilan upang lahat kaming nakasaksi ay mapatigil sa paghinga.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
ActionSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014