TMG 07 ♠
Buffering… Loading… Error…
“You’re aware that now you owe me your life, aren’t you?”
Ilang beses kong inulit sa isip ko ang sinabi niya. Am I hearing things? Nagkaroon yata ako ng biglaang system malfunctions. Tama ba ‘yung narinig ko o pati itong tainga ko nagkadiperensya na? Naalog ba ang eardrums ko sa laban kanina? Sense of hearing na nga lang ang natitirang matino sa senses ko sa mga oras na ‘to pero mukhang nagkainstant damage pa.
“Wait… what?” Napapakurap kong tanong matapos matulala sa kawalan. Maingat kong inilingon ang ulo ko sa gawi niya at agad rin akong sinalubong ng malalamig nitong mga mata. Nakatayo lamang siya malapit sa kinahihigaan kong kama habang nakapamulsa ang magkabilang kamay.
“I said, you owe me your life now,” walang kagatol-gatol na sagot nito at aroganteng naupo sa stool na malapit sa kama. Napaismid na lang ako sa lamig ng tonong ginagamit niya sa pagsasalita. Is he always like this? Hindi na ako magtataka kung isang araw makikita ko na lang na nagyeyelo na ang kausap niya. Ito siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit kinatatakutan siya ng mga estudyante sa Pandora.
“So? You want me to throw you a party?” I sarcastically asked, rolling my eyes with the disgusting thoughts.
“No,” he answered coldly.
I raised him a brow. “You don’t expect me to thank you, do you?”
“Neither.” He said folding his arms over his chesiled chest. I gulp harshly seeing how his muscles’ flexed under his gray fitted shirt.
Goodness, Vincent! Concentrate, will you?
“So what are you trying to say now? That you’re indeed a hero with your stunt?” I spat.
“Stop being stubborn, little miss troublemaker.”
“W-What did you call me?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Napabuga na lang ako ng hangin sa inis lalo na nang hindi manlang nagbago ang ekspresyon nito. “Did you just call me… l-little miss troublemaker?” Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo at walang kagana-ganang tumango. Aba’t talaga namang! “You devil!” Tumaas na ang boses ko pero hindi pa rin sapat para mauwi sa malakas ng sigaw. Mas lalo akong napufrustrate tuwing maiisip ko na hindi ko manlang siya magawang saktan dahil sa sitwasyon ko ngayon. Argh! Nakakainis!
“I know that you’re a reckless troublemaker but I never thought that you’re this slow.” Napapikit na lang ako ng mariin sa narinig ko. Ilang ulit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili lalo na’t nararamdaman ko pa ang ngisi niya. Talaga namang sumasagad na ang pasensya ko sa lalaking ‘to. I can even feel my nerves twitching in my forehead.
“Pumunta ka lang ba dito para ubusin ang pasensya at sirain ang mood ko?” mahinahon kong tanong pero sa loob-loob ko, kanina pa talaga ako kumukulo. I really wanted to strangle this man now.
“No.” Sagot nitong mas nagpakulo sa dugo ko. Talagang nagawa niya pa akong sagutin ng ganyan? Ipinanganak ba talagang bully at walang commonsense ang lalaking 'to o sadyang pilosopo lang siya? “Do you know that they almost killed you?” Hindi naman ako sumagot sa tanong nito. “Do you know that you almost killed them?” And I froze. Naalala ko na naman ang isang grupong inubos ko kanina. 'Yun ba ang tinutukoy niya? Pero paano niya nalaman? Akala ko ba napadaan lang siya sa lugar na 'yon at 'yung nagtangkang mangrape—ehem—sakin ang tanging nadatnan niya?
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AcciónSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014