TMG 32: Lone Battle

5.2K 139 4
                                    

TMG 32 ♠

 

Azmaria Bezarius

"How's she?"

Napahinto ako sa paglalakad pababa ng hagdan nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at sumalubong sa'kin ang seryosong mukha niya. Marahan siyang naglakad palapit sa paanan ng hagdan kaya't nagpatuloy rin ako sa paglalakad hanggang makarating sa harapan niya.

Sa loob ng isang buong minuto, tinitigan ko lamang siya. Pinag-iisipan ko kasi kung sinong 'she' ang tinutukoy niya. Kung ang babaeng nasa ICU pa rin o ang babaeng pinatulog ko sa kwarto kanina.

Mayamaya lang ay nag-iwas ito ng tingin sa'kin saka lumingon sa itaas ng hagdan. Napakurap na lang ako nang sagutin nito ang tanong na nasa utak ko kanina lamang.

"She's fine. But I needed to make her sleep with sleeping pills because she's still crying nonstop over Devy's critical condition."

"I see." Tango nito.

Tumalikod naman ako at naglakad papuntang kusina, naramdaman ko namang sumunod siya. Ibinaba ko ang hawak na tray sa lababo at hinugasan ang basong ginamit.

"Do you want some juice, coffee or something?" I asked, still facing the sink. Pinunasan ko na ang basong hinugasan at itinaob sa lalagyan.

"Hindi na." Tipid na sagot nito. Naninibago pa rin ako sa kanya dahil hindi niya naman ugali ang maging isang tanong, isang sagot na tao. Hindi ko na rin matandaan kung kailan nagsimula ang pagiging ganito niya.

"Sino ang nagbabantay ngayon kay Devy sa ospital?" Pinunasan ko ang basang kamay saka humarap sa kanya. Nakasandal ang dalawang kamay niya sa kitchen island habang walang ekspresyong nakatingin sa'kin.

"Si Marco. Hindi ko pa rin kasi siya mapilit na umuwi manlang para makapagpahinga kahit ilang oras. Sabi ko, ako muna ang magbabantay pero matigas talaga ang ulo. Ayaw niyang iwan si Devy."

Tumango na lang ako. Pareho naman silang magpinsan na hindi nakikinig sa iba.

"Bakit mo iniwan ang pinsan mo do'n ng mag-isa?"

Marco is not emotionally stable these days kaya hindi mawawala sa'kin na kahit papaano'y mag-alala.

Hindi agad siya sumagot sa tanong ko. Dahan-dahan lang na nanguot ang noo niya na animo'y pinag-iisipang mabuti ang mga salitang gagamitin sa pagsagot.

Lumapit na lamang ako sa harapan niya at nagsimulang magbalat ng mansanas.

May naiisip naman na talaga akong dahilan kung bakit siya naririto ngayon ngunit ayokong paniwalaan. Their push and pulls is not so cool, honestly, so I don't want to assume anything like that. Ilang beses ko ng nasaksihan ang mga eksena nila sa iba't-ibang lugar at iba't-ibang pagkakataon. I don't know what's the real score between them kaya mas magandang sa kanya ko marinig ang totoong dahilan nang pagpunta niya rito.

"Alam mo ba kung nasaan ang kambal ko?" Pag-iiba ko ng usapan dahil mukhang wala na siyang balak na sumagot. Sandali akong tumingin sa kaharap ko na titig na titig sa ginagawa ko.

"Hindi ba sila magkasama ni Vincent?" Kumibit-balikat naman ako bilang sagot. Hindi ko pa rin kasi nakikita si Vincent matapos nitong umalis sa ospital. "Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan pero hindi naman siya sumasagot. Hindi rin naman siya nagpapakita sa ospital. Alam niya ba ang nangyari?"

"Yes?" alanganin kong sagot. Hindi ko kasi sigurado kung tinitingnan niya manlang ang cellphone niya. Damn that man. "He's the first person I informed the moment I heard—" Napatigil ako sa pagsasalita nang dumiretso at dumiin sa palad ko ang kutsilyong hawak habang hinihiwa ang mansanas.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon