TMG 14 ♠
I heard him chuckled in a low voice as he started walking, leaning his side on the tree. Nasa kaliwang parte ang sangang kinauupuan ko habang nakapwesto naman siya sa kanan. Iiling-iling na naglabas ito ng pakete ng sigarilyo sa bulsa ng pantalon niya at inalok pa ako na agad ko namang sinimangutan. Napangiti lang siya ng kaunti bago sinindihan ang stick ng sigarilyong subo niya saka bumuga ng usok sa hangin na naghugis ‘O’ pa. Bigla namang pumasok sa isip ko si Tobi dahil do’n. A frown unconsciously fell on my face as waves of memories from last night washed over me. I seriously don’t wanna think about them… at least, not now.
Tumingala na lang ako sa mga dahon at pinagmasdan ang paggalaw nito nang humangin ng bahagya. Ramdam ko ang tingin sa’kin ng kasama ko pero tulad ng nakagawian ay hindi ko na ito pinansin. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya. Dahil ba sa gusto niyang manigarilyo? Jeez. I don’t really get these smokers’ logics. Ano ba’ng mapapala nila diyan?
“You don’t smoke?” he started in his usual formal tone. Napangiwi na lang ako sa tonong ginamit niya.
“Nope,” simpleng sagot ko naman. Naningkit pa ng kaunti ang mga mata ko nang humawi ang mga dahong tinitingnan ko nang humangin kaya medyo nasilaw ako.
“You hate smokers?” Tanong muli nito.
“Not really,” bagot kong sagot. “Because I don’t really care.” Dagdag ko pa. Narinig ko naman muli ang mahinang tawa nito kaya tumungo ako para tingnan siya. Nakayuko lang naman siya sa daliri niyang naglalaro sa filter ng sigarilyo.
“As expected from you.” Tumingala pa ito sa’kin dahilan upang magtama ang mga mata namin. Blangko ang mukha ko siyang tiningnan kaya naman nagkusa na itong ilihis ang tingin sa’kin at ipinagpatuloy na lang ang paghithit-buga ng usok.
“What are you still doing here, anyway? Just to smoke?” I asked in monotone. Nakita ko namang napangiti ito ng bahagya bago muling pagtuunan ng pansin ang sigarilyo niya.
“At first, I just want to escape. But the moment I saw you here, I decided to stay.” He shrugged. Napakunot naman ang noo ko sa narinig. “You?” he asked still looking in distance.
“What me?” I asked with my brow creased.
“What are you still doing here? You should be at the Gymnasium now, listening to them.” Sandali ako nitong tinapunan ng tingin bago muling ibaling ang mga mata niya sa kung saan.
I shrugged my shoulders. “I’m not in the mood to listen and I’m not interested. I’m here to get some sleep.” I yawned. Napakurap pa ako ng ilang beses nang magluha ang mga mata ko sa paghikab. Isinandal ko ang likod at ulo sa puno at sinubukang pumikit nang magulantang ako sa pagsigaw ni Ladd sa pangalan ko dahilan upang mapadilat akong muli at inis siyang tiningnan. “What now?!” inis na sigaw ko sakanya. Bullshit. Mabuti at hindi ako nahulog sa gulat.
“Don’t you dare sleep there, Vincent. Oh shit,” natatarantang sabi nito matapos pang ituro ang pwesto ko. Napansin ko ring wala na ang hawak niyang sigarilyo. What the heck is his problem?!
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AcciónSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014