TMG 46: Unlost

3.7K 144 33
                                    

TMG 46

Vincent Mc Garden

From: Devy Saya Park (=o^3^)=o

Napataas ang kilay ko nang makita ang message sender sa screen ng cellphone ko. Kailan niya inilagay 'to?

Nasa'n ka? Bakit hindi kita makita sa bahay?

I felt my lips turning downwards before proceeding to type a reply saying I have an urgent business with my dad and will go back a little later. She then made me promise to comeback before 12 midnight so we can all cut the Christmas cake. I don't know if that's even necessary – I never heard about it anyway – but just to make her stop, I halfheartedly agreed.

Tahimik ang byahe namin ni Azmael. Hindi ko alam kung pareho kaming walang maisip na sabihin o tulad ko ay hindi niya rin alam kung anong dapat sabihin. Thoughts are crazily running in my mind that I'm barely able to catch them all. They're all scattered and I can't sort it out. Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung ano ba ang inaasahan kong marinig mula sakanya, pero para bang hindi ko matanggap na nananatili lang siyang tahimik sa mga nangyari.

I'm too bothered by the supposedly expected silence I am starting to piss my own self.

Naiinis ako. Gusto kong mainis sa lahat. Naiinis ako sa mga nangyayari. Alam kong mula nang mamatay si mom ay hindi na maganda ang pakikitungo namin ni dad sa isa't-isa, pero ang malaman na pati ang magiging buhay ko nakaplano na pala, hindi ko maiwasang malungkot. Oo, naiinis ako sakanya pero sa hindi malamang dahilan, mas nananaig ang kalungkutan ngayon. I felt betrayed by my own father and I hate the feeling. I really hate it. Dad and I clashed more often than not but that won't deny the fact that I am still his daughter and he is my dad. I'm so disappointed I wanted to cry.

Matapos kong magbuntong-hininga ay doon ko lang napansin na hindi pamilyar sa'kin ang dinaraanan namin. Maluwag ang madilim na kalsada at mapuno ang paligid, tila malayo sa kabihasnan. Ngunit hindi tulad ng daan patungo sa mansion ni Victoire, may pailan-ilan pa ring sasakyan ang nagdaraan kasabay namin.

I awkwardly shifts on my seat, eyes never leaving the blurry landscape outside as I breathe, "Where are we going?"

Lumipas ang ilang segundo na wala akong nakuhang sagot mula sakanya bukod sa pagpapabilis niya ng takbo ng sasakyan. I'm not in the mood to argue so I let him drove us anywhere he's planning to. He's my reaper, I know he'll keep me safe or the whole Ferrer will come running after his life.

I tried to relax; erasing all the thoughts running wildly in my head. Tuwing pipikit ako ay maalala ko ang mukha ni Azmael nang magtagpo ang mga mata namin kanina sa mansion. Ngayon, alam ko na. Ngayon, alam ko na kung ano ba talaga ang inaasahan kong marinig sakanya. Ngayon, alam ko na kung ano ba talaga ang inaasahan kong gawin niya.

Gusto kong tumutol siya. Gusto kong sabihin niyang hindi siya pumapayag sa arrangement namin ni King. Kung sana ay nangyari lang ang lahat ng ito bago ko pa man naamin sa sarili ko ang kaunting nararamdaman ko para sa lalaking ito. Kung sana ay nangyari ito noong si King pa rin at si King lang... wala sanang problema.

Lumipas pa ang ilang minuto nang maramdaman kong tumigil na ang sasakyan. Agad akong napaayos ng upo at lumingon sa paligid. Walang ibang sasakyan at tao bukod sa'min. And ahead of us, is the bright moon silently reflecting back the dancing water, surrounded by a white sand and almost gray in color under the dark sky above.

He brought me to the beach?

Nakita ko siyang lumabas ng sasakyan at dumiretso sa compartment para may kunin. Sumunod naman agad ako at nagtatakang tinitigan ang ginagawa niya. May hawak siyang makapal na kumot at basket.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon