The Mafia Game: Gamer
“Your new portrait is as beautiful as you, my little angel.” Napahinto ako sa pagpipinta nang marinig ang malambing niyang boses mula sa’king likuran. Awtomatikong napalingon ako sa gawi ng pintuan at hindi ako nabigo sa nakita.
Mabilis kong ibinaba ang hawak na paint brush sa katabing maliit na lamesa, ipinunas ang madungis na kamay sa suot na apron bago dali-daling nagtatakbo patungo sa pintuan kung saan nakatayo si mom. Sinalubong niya ako ng isang mainit at mahigpit na yakap. Like me, she’s smiling from ear to ear. And that bright smile always shines my world.
“Mom, I miss you.” I whispered, teary-eyed.
“I miss you, too, Vincent,” she said sweetly.
Ayoko na sanang ipahalata kay mom na naiiyak ako pero epic fail dahil napasinghot ako. Ilang beses kong sinubukang pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng paglunok pero hindi rin umubra. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa dahil do’n. Hinimas-himas niya ang likod ko saka niya ako marahang inilayo sakanya at ipinagtapat ang mukha namin. Dali-dali ko namang pinunasan ang luha gamit ang mga kamay dahil sa nahihiya akong makita ni mom na umiiyak.
“Why are you crying?” malambing na tanong nito. Nakayukong iniiling ko ang ulo. Patuloy pa rin kasi ang pagtulo ng mga luha ko dahil sobra akong natuwa sa pagdating ni mom. Ilang buwan rin silang nagstay ni dad sa Europe dahil sa business kaya sobrang namiss ko siya. “Didn’t I say, big girls don’t cry?” Tanong muli nito na sinagot ko lang ng pagtango.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko, marahang iniangat dahilan upang magtama ang paningin namin. Nagsimula na naman tuloy mag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa malawak na ngiti ni mom. Pinunasan niya ang luhang kumawala sa mga mata ko gamit ang hintuturo.
“See? Nagkaro’n tuloy ng pintura ang magandang mukha ng aking unica hija,” natatawang turan ni mom. Hindi ko na rin naiwasang mapatawa dahil sa aura na pinapakita niya.
Walang sabi-sabing muli ko siyang niyakap ng mahigpit.
***
“Nasa loob na po ng envelope na ito ang lahat ng impormasyon, Empress.”
“Maraming salamat, X.”
Tinitigan ko ng mariin ang magandang babaeng kausap ni mom sa sala. Hapit na hapit ang itim na pantalon nito sa kanyang mahahabang binti, maging ang suot na puting tank top. Inabot ni mom ang envelope na ibinigay sakanya ng babae. Nagbigay galang muna ito sa pamamagitan ng pagyuko bago naglakad paalis. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pinto ng mansion.
Muli kong ibinalik ang tingin kay mom. Nakakunot na ang noo nito habang iniisa-isa ang mga papel na laman ng brown envelope, bagay na siyang bibihira kong makita sakanya. I’ve always known her with her bright smile, and seeing her frowning face like this… is just rare.
But I wonder, why did that girl call mom an Empress? Sa loob ng sampung taon, hindi naman ito ang unang beses na may tumawag sakanya ng gano’n pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit. Tanda ba ‘yon ng paggalang nila? Gano’n na ba gumalang ang mga empleyado sa CEO’s? Para sa isang sampung taong gulang na bata, masyado lang akong curious.
“Good morning, mom!” masayang bati ko nang mapagdesisyunang lumapit na kay mom.
Itinago niya muna ang mga papel sa envelope saka nakangiting lumingon sa’kin. “Yes, my little angel? Have you eaten your breakfast?”
“Hmm.” Tango ko. “I had cheesy omelet, bacon and fried rice for breakfast. And oh wait! Even a hot choco.” I giggled. Napatawa naman si mom.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AcciónSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014