TMG 09 ♠
I was now at dad’s company’s lobby, biting my left thumb and pacing back and forth since who knows when. May iilan na nga ring napapatingin sa gawi ko pero sinasamaan ko lang ng tingin. Sa totoo lang, hindi ako komportable ngayon. Ito kasi ang unang beses na tumapak ako sa kompanya ng busy businessman na ‘yon kaya naman alam kong hindi pamilyar sa’kin ang mga employees dito. Idagdag pa ang kaweirduhang ginagawa ko. Jeez. And I promise that this would be the last time I would allow this mouth of mine calling myself a weirdo.
“Goodness Meisha! How long were you planning to make me wait here?” inis kong reklamo sa sarili habang inaantay ang pagsagot niya ng tawag sa kabilang linya. Hindi ko na nga matandaan kung pang ilang ulit ko na nai-dial ang number niya. Ayoko rin naman kasing umakyat pa sa office ni dad para hagilapin doon ang babaeng ‘yon. Baka makita pa ako ng magaling kong ama, eh umiiwas nga akong makita siya. Tch.
Ugh. Hassle. Kung bakit ba naman kasi masyado akong nagpadala sa curiousity ko sa sinabi ni Azmael.
“I just freaking need a bloody explanation!” I yell out of frustration.
Just darn this whole crap! Matapos niya akong bitbitin dito at sabihin lahat ng gusto niya, iiwan na lang ako basta na wala manlang akong nakukuhang kahit na anong explanation? Hindi niya ba alam kung gaano kahirap sa’kin na maipit sa isang sitwasyon na walang idea at wala ring ibang magawa kun'di magtago at mangapa? At mabuti sana kung isang simpleng gulo lang ang kinasangkutan at nasaksihan ko kanina, but fucking hell, it’s not! There’s a life, bullet and gun involved for Pete’s sake! And I am not as crazy as them to just let it go and act like nothing had happen. He even wanted me to stay shut and keep this entire crap a secret. I’m not used with those.
“You really want an explanation?” tanong nito sa baritonong boses. Napatitig ako sakanya na nakatayo hindi kalayuan sa entrance ng Building A. Nakapamulsa ang magkabilang kamay nito habang malamig na nakatingin sa’kin. There he goes again; talking with his signature cold and bored expressions.
I let out a deep sigh, running my hand through my hair.
This is seriously frustrating. This whole thing frustrates the hell out of me. I just want to end this conversation.
“What’s with the gunshots, Azmael?” I asked, calmly. It seriously took me my very best not to yell again.
Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nito habang pinagmamasdan ako. Kahit na hindi na ako komportable sa mariing pagtitig niya sa’kin ay pinilit ko ang sariling salubungin ang mga mata nito. I am even starting to break into cold sweats just by looking at those pair of conceited dark orbs of his.
“Ask your dad, Vincent.” Sabay talikod nito. At bago pa man ako makapagprotesta ay tuluyan na itong nakalayo.
What was that? Is he kidding me? Ask my dad? Ano namang kinalaman dito ng busy businessman na ‘yon? It’s as if he’s the culprit. My dad isn’t the gunman, right? Or is he?
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AçãoSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014