TMG 12: Invitation

7.2K 197 5
                                    

TMG 12 ♠

 

“What did you say?” And I almost stammer.

Pareho kaming napatigil sa pag-ugoy sa sarili at nilamon ng mahabang minuto ng katahimikan habang nakatitig sa isa’t-isa. Ang sabi niya’y nakita niya ako no’ng araw na nakipagkita ako kay Meisha sa isang coffee shop but that’s not the deal here. Ang talagang nakakabigla at ipinagtataka ko ay ‘yong malaman na naroroon din ang devil na ‘yon na nagmamasid sa’min. But why?  Hindi kaya’y nagkataon lang at napaparanoid lang ‘tong si Devy para mag-isip ng kung ano? Pero may iniisip ba siya tungkol do’n? Ugh. Stop right here, Vincent! Mukhang ako itong paranoid at nag-iisip ng kung ano! Tch.

“Nilapitan ko pa nga siya no’ng makita ko siya pero tiningnan niya lang ako saka tahimik na umalis.” Kwento pa nito na para bang inaalala ang mga nangyari nang araw na ‘yon.

Nanatili lang naman akong tahimik habang iniisip kung ano nga ba ang mga posibleng dahilan ni Azmael para gawin ‘yon. Stalker ba siya? Creepy naman kung oo. Kasi sa pagkakatanda ko, nauna siyang umalis sa’kin nang araw na ‘yon bago ko pa maisipang kausapin si Meisha kaya imposibleng alam niya kung saan ako pupunta. At isa pa, dumaan rin muna ako sa company ni dad bago dumiretso sa coffee shop na ‘yon kaya mas lalong imposibleng may alam siya. So tama nga ang hinala ko na nagkataon lang na naroroon siya. ‘Di ba?

Matapos ng sinabi niya, ilang minuto pa kaming nanatili sa lugar ng walang imikan habang inuugoy ang mga sarili sa inuupuang duyan. Hanggang sa umabot na ng oras. Ewan. Hindi ko na rin kasi namalayan. Wala rin naman akong narinig na kahit anong reklamo mula sakanya. Nakangiti pa nga siya habang nakatingala sa maliwanag na bilog na buwan. It’s not the awkward silence that fell between us; honestly, it’s the relaxing one under the bright moonlight above. And though the night is cold, I have this weird warm feeling hugging me inside just knowing that now, I am not alone. Weird. Really. And with the sole fact that I seriously am not used with this became it even weirder.

With a small smile, I lightly shook my head with the thought. I shouldn’t be thinking about this foreign feeling now. And before I lose with this inviting feeling to stay longer with her company, I stood from my seat and exhaled a long breathing.

“It’s time to go home.”

I didn’t bother to turn to her and started walking and few seconds later, I heard her footsteps behind me. Nakahabol ito sa tabi ko at tulad kanina ay tahimik lamang kaming naglalakad. Pero pansin kong habang lumalayo ang nalalakad namin ay panay na ang paglinga nito sa paligid habang dahan-dahang napapasiksik sa’kin. Nagtatama na nga ang siko at braso namin pero hindi ko na lang pinapansin. Marahil ay natatakot na siya sa dinaraanan namin. Kung sabagay, dalawa na lang kasi kaming estudyanteng nagdaraan dito at kung may makakasalubong man kami ay mangilan-ngilan na lang. At dahil nga park ito, madilim at mapuno ang lugar. May kalayuan pa naman bago makarating sa mismong kalsada kung saan kami pwedeng makahanap ng cab na masasakyan.

Lumiko kami pakanan kung saan ay tanaw ko na ang kalsada may ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan namin. At hindi ko inaasahang may makikita ako roong isang grupo ng kalalakihang mukhang nakatambay. Sa tulong ng sinag ng buwan at liwanag na nagmumula sa ilaw ng poste sa may entrance ay natanaw ko kung gaano sila karami. Ang ilan sa kanila’y nakatayo at ang ilan nama’y nakaupo sa sidewalk. Hindi ko sigurado kung nakita ba nila kami pero pakiramdam ko’y nakatingin sila sa gawi namin. Sabay kaming napahinto ni Devy sa paglalakad. Rinig na rinig hanggang dito sa kinatatayuan namin ang malakas nilang tawanan. Naramdaman ko ang mabilis na pagkapit niya sa kanang braso ko habang isinisiksik pa sa’kin ang katawan. Sa higpit ng pagkakahawak niya sa’kin gamit ang malalamig niyang mga kamay, alam kong kinakabahan at natatakot na siya.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon