TMG 29: Payback is a Bitch

5.2K 177 20
                                    

TMG 29 ♠ Payback is a Bitch

 

Azmaria Bezarius

I can’t help but stare at Vincent who’s now currently sitting right opposite mine. It feels like, I am seeing now the feisty Vincent Mc Garden I first saw at Pandora High. She looks calm and uninterested with her cold blank face, sealed pursed thin lips and cold dark orbs looking at distance. It’s been three hours already, and every minute passed, I can see how her knuckles going firm and white. She looks calm, but I know she’s raging inside.

I released a long sigh. Hindi ko maiwasang kabahan tuwing maiisip ang sinabi ng doctor kanina. Devy’s still in the operating room, critical and under severe observation. She almost lost the hang of it with the too much lost of blood. If not for Vincent who come and rescues our dearest imōto (younger sister), hindi ko alam kung anong gagawin ko… at hindi ko rin alam kung anong magagawa ko sa mga halang ang kaluluwang gumawa nito sakanya. She doesn’t deserve this.

“Where’s Devy?! What happened to her?!”

Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang marinig ang balisang boses ni Alex. Namimilog ang mga mata nito habang naghahabol ng hininga dahil sa pagtakbo. Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin sa buong katawan nang hawakan ako nito sa braso. Bakas ang magkakahalong pag-aalala, kaba, takot at pagod sa mukha nito. Natatakpan ang halos buong katawan niya ng suot na long brown coat habang nakasuot pa ng takong. Mukhang hindi na niya nagawang magpalit ng damit galing sa photoshoot niya at dumiretso na rito.

I held her at arm’s length, looking directly in her worried sick eyes. “Calm down. Maupo ka muna.”

“How did you expect me to calm down, Azmaria, if Devy’s still in that freaking operating room?! What the hell happened to her? Sinong may gawa nito sakanya? How’s she?” She’s obviously panicking with her train of questions.

Mariin ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at pwersahang pinaupo sa tabi ko. “I said, calm down.”

Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay nito sa’kin bago napasuklay ng kamay sa buhok. “I’m sorry. I just can’t.”

“Naiintindihan ko.” Sagot ko habang nakatingin ng diretso sakanya.

Inis siyang napahilamos ng mga kamay sa mukha matapos magbuntong-hininga. Inilapag niya ang hawak na shoulder bag sa katabing upuan sa kaliwa bago pumikit at pabagsak na isinandal ang likod. “Hindi ko maintindihan. Bakit sa Dreyar’s Hotel siya tumutuloy? Ano ba’ng nangyayari, R? Alam kong may alam ka,” mahina ngunit may diing sabi nito.

Wala sa loob na mabilis kong tiningnan si Vincent sa tapat ko na wala pa ring pinagbago ang ekspresyon bago ko ibinalik ang tingin sa katabing si Alex.

“Wala akong alam.” Simple kong sagot bago sumandal at tumingala sa puting kisame ng ospital.

Kahit na may nabubuong teyorya sa isip ko ng mga posibleng rason at kung sino mang may gawa nito, hindi ko sasabihin sakanya ‘yon. Hindi maaari. Hindi ko na hahayaang may madamay pa sa gulong ito. Labas sila rito. At siguradong hindi rin gugustuhin ng Empress na may madamay pang iba. Hindi niya gugustuhing maulit pa ito.

“Hindi ako naniniwala.” Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang malamig na boses ni Alex. Bahagya pa akong nagulat nang mariin ako nitong hawakan sa magkabilang braso habang masamang nakatingin sa mga mata ko. “Hindi ako naniniwala na wala kang alam, R. Sino ang mga taong ‘yon? Bakit kailangang si Devy pa? Anong kasalanan sa kanila nung tao para ganituhin nila?!” galit na sigaw niya.

Ilang segundo ko siyang tinitigan bago dahan-dahang ibaba ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hinawakan ko ng mariin ang nanlalamig nitong mga palad bago nagwika, “I said, calm down. You should calm down, Alex. Walang mangyayari kung paiiralin mo ang takot at galit mo.”

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon