TMG 10 ♠
What a horrible way to woke up in the middle of a cold night of October. I am awfully sweating bullets and gasping for air. Inis kong naihilamos ang dalawang kamay sa mukha matapos ibato ang alarm clock sa dingding para patahimikin ito. Tch. Buong akala ko ay humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa nang magulantang ako mula sa malalim kong pagkakatulog. Anong oras na nga ba? Kailangan ko pa nga palang ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Binuksan ko ang laptop sa tabi ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa files na nahagilap ko no’ng nakaraang araw. Hindi ko lang sigurado kung may patutunguhan ba talaga itong ginagawa ko. Ni hindi ko nga alam sa sarili ko kung ano ba ang eksaktong gusto kong hanapin at malaman. Sadyang hindi lang ako pinapatulog ng kuryusidad at mga tanong sa isip ko.
Victoria Ferrer-Mc Garden
A bittersweet smile washed over my face as waves of memories filled my system. It’s been nine long years but the after effect to me hasn’t change a bit. She’s the most beautiful gift life has given me kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang pagkawala niya. Hindi ko maintindihan ang mundo. She doesn’t deserve the way she died… the way she’s been killed. Marami naman diyang mas mga karapatdapat mamatay ng maaga. ‘Yung mga halang ang kaluluwang pati impyerno ay isusuka sila… tulad ng mga taong pumatay sakanya.
I shook my head with the bittersweet memories at ipinilig ang ulo nang simulang basahin muli ang files na nasa harapan ko. Matapos mabanggit ni Meisha sa’kin ang tungkol sa pagkamatay ni mom na may kinalaman rin ito sa shoot out sa likod ng Building A, sinimulan ko na ang paghahagilap ng kahit na anong impormasyong may kinalaman sa mga magulang ko. Wala naman akong makitang kahit na anong kahinahinala bukod sa wala akong mahagilap na kahit na ano tungkol sa mga Ferrer at Mc Garden. Para bang limitado ang lahat ng nakasulat. Bukod sa kasama ang pamilya namin sa pinakamayayamang tao pagdating sa Business Industry ay wala ng iba. Natural rin naman sa mayayamang pamilya ang maibalita ang kamatayan sa mga dyaryo, internet at television.
Napabuga na lang ako ng hangin at muling humilata sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Ano nga ba ang eksaktong gusto kong hanapin? Hindi ko rin alam. Ewan. Bahala na. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan ang sariling yakapin ng dilim at antok.
***
“Ilang araw ka ng tahimik,” puna ni Alex kay Devy nang maupo ito sa tabi ng huli.
Folding my arms over my chest, tahimik lang akong nakatayo sa kanan nila habang nakasandal sa poste ng corridor, katabi ang kadarating lang na si Azmaria. Inabot nito sa’kin ang isang cup iced mocha-coffee at binigay na rin sa dalawang babae ang mga pinabili nito.
“Pansin ko rin. May problema ba?” usisa ng katabi ko bago kumagat sa hawak niyang melon bread.
Tumunghay naman si Devy sa gawi namin ni Azmaria bago ito muling yumuko at nagpakawala ng buntong hininga. “Anya,” (Nothing) mahinang sagot nito habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay.
“Weh? Kailan pa nadrain ang energy sa mga ugat mo? At bakit ka rin tumingin kay new kid?” Automatic na napasimangot ako nang marinig ang malakas na pagsabat sa usapan ng paparating na si Marco. Nakita ko pang binatukan siya ng kaakbay niyang si Marcus kaya naman ay natahimik ito.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AzioneSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014