TMG 13 ♠
Humihikab na tinanaw ko ang papalayong sasakyan ni Meisha matapos ako nitong ihatid sa mismong parking area ng Pandora High. Ito ang unang beses na dito ako nagpahatid imbes na sa main gate lang. Mas kaunti kasi ang lalakarin ko papasok ng campus kung dito na manggagaling. Dahil sa nagising ako ng alanganin sa oras ay nahirapan akong bumalik sa tulog kaya naman ganito na lamang ang antok ko. Guess I’ll be out of my mood the whole day.
Tumalikod na ako at naglakad nang tuluyan ng mawala sa paningin ko ang sasakyan niya. Hinilot ko pa ng bahagya ang nangangalay kong batok habang paulit-ulit na humihikab. Naalala ko naman bigla ang itim na papel na nakuha ko. Hindi ko nga pala nakausap si Meisha tungkol sa bagay na ‘yon dahil masyado siyang nagmamadali sa pagpasok niya sa trabaho. Ni hindi ko na nga rin namalayan kung anong oras siyang nakauwi kagabi. Basta paggising ko ay naabutan ko na siyang naghahanda ng inorder niyang breakfast namin sa dining area.
Umiiling na tinahak ko ang daan papasok ng campus nang mapahinto ako sa paghakbang dala ng pagkagitla dahil sa humaharurot na motor na dumaan sa mismong harapan ko. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Paano na lang kung nahagip ako ng motor na ‘yon?! Darn it!
Inis na sinundan ko ng tingin ang malaki at itim na motor hanggang sa huminto ito sa parking slot niya. Bumaba roon ang isang matangkad na lalaki suot pa rin ang itim na helmet. Inip na inip ko namang inantay na alisin niya ‘yon pero tila napansin niya ang masamang tingin ko sakanya dahil huminto siya sa pagtanggal ng helmet at lumingon sa pwestong kinatatayuan ko. Para bang nakikipagtitigan siya sa’kin sa likod ng bwisit na helmet na ‘yan. Ilang segundo pa ang lumipas at hindi pa rin siya kumikilos kaya naman hindi na ako nakatiis at padabog akong naglakad palapit sakanya habang sinasamaan pa rin siya ng tingin. Damn this reckless driver! Huminto ako sa mismong harapan niya habang nakatingala at inis na kinatok ang tuktok ng helmet niya kahit na medyo nahirapan ako dahil sa tangkad niya. Jeez. Ano ba’ng height ng isang ‘to? Based on his conceited stature, he looks more than bloody six feet. Tch. Pero wala sa height ‘yan. Hindi niya ako masisindak ng tangkad niya dahil sa nakakainit talaga ng ulo ang ginawa niya! Badtrip!
“You, reckless driver! Don’t you know that you almost hit me by your big bloody bike?!” pigil ang inis na sigaw ko sakanya. Hindi siya nagsalita o kumilos manlang kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Ugh. Gusto ko siyang sipain sa inis! “Hey!” Tinuktok ko ulit ang helmet na suot niya dahil ayaw niya akong pansinin. Nakakainis! Nakakainis! “Shit!” I cussed under my breath when I almost jump in surprise. I snapped my head to my right, frowning. Kunot-noong tinitigan ko ang asul na sports car na siyang bumusina ng malakas kanina sa tabi ko. At nakaramdam naman ako ng kaunting tuwa sa loob ko. Goodness gracious! It’s the Chevrolet Camaro v6 for heaven’s sake! Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang gilid ng sasakyan saka tinitigan ng masama ang nakasakay sa loob. Nabura ang kakaunting tuwa na nararamdaman ko nang masalubong ang ngingisi-ngising driver na si Marco kasakay sa shotgun seat ang nakangiting si Devy. “What now?!” singhal ko kay Marco dahil hindi pa rin naaalis ang ngisi nito.
Nginuso naman nito ang lalaki sa tabi ko na hanggang ngayon ay nakahelmet pa rin. Ano ‘to, feeling power ranger black?! Badtrip talaga! Umagang-umaga lahat ng malas nasalubong ko na. “Bakit kayo magkasama ng ganito kaaga, ha?” may tono ng panunukso sa boses ni Marco kaya sinamaan ko lalo ang tingin sakanya pero hindi siya natinag.
“This damn freak? Who the hell would want to be with this guy? Kinompronta ko lang siya dahil muntik na niya akong masagasaan ng big bike niya.” Litanya ko habang inis na inis pa rin.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AçãoSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014