TMG 11: Strange

8.1K 204 10
                                    

TMG 11 ♠

 

Hinimas ko ang brasong may bandage bago nagpakawala ng buntong hininga. Tumunghay ako para tingnan si Marcus na kinakausap ng school nurse may limang hakbang ang layo mula sa kamang kinauupuan ko. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng school clinic at hindi ko na naiwasang mapasimangot. Dahil sa hindi talaga ako komportable sa binabalak kanina ni Marcus, napilitan akong magpunta na lamang dito para ‘yung babaeng nurse ang gumamot sa braso ko.

“Vincent, let’s go?” Nagitla ako ng bahagya nang marinig ang boses sa tabi ko. Tiningala ko lang siya saka lumundag paalis ng kama. Tahimik at walang lingon-likod akong naglakad palabas ng pinto habang narinig ko naman ang magalang na pagpapaalam sa nurse ng kasama ko.

Tahimik kaming naglalakad pabalik sa Building A. Bigla akong napahawak ng mahigpit sa strap ng bag ko nang mahagip ng tingin sina Devy at Azmael na nag-uusap hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Nasa gilid sila ng hagdan paakyat sa second floor. Mukhang hindi nila kami napansin dahil patuloy lang si Devy sa pagsasalita habang nakatingin ng diretso sakanya ang lalaki. Hindi ko alam kung nag-aaway sila o ano, pero sobrang salubong ang kilay ng dalaga habang patuloy ito sa pagsasalita. Nakapamulsa naman ang kaliwang kamay ni Azmael habang may hawak na paupos na sigarilyo ang kanan nito. Muli akong napasimangot. Pilay na nga’t lahat, nagagawa pang magyosi. At ano ba’ng mapapala nila sa paninigarilyo? Sakit sa baga at pamamaho ng hininga. Tch.

“Bakit, Vincent?” mahinang tanong ni Marcus sa kanan ko. Binawi ko ang tingin mula sa dalawa at nilingon ang kasama ko. Marahan akong umiling saka nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang classroom namin sa third floor. Tulad ng dati, maingay ang buong klase na parang mga high school students na nagbabalibagan ng gamit. May iilang bully na ginugulo ang mga nerds sa paligid. Napailing na lang ako sa sarili. Ganito naman talaga ang siste kahit saan ka mapadpad. Like in forest, when the Lion King is gone, all the animals look themselves as the King. At dahil wala ang parehong pinuno ng Dukes at Superiors, malaya pa silang manggulo at maghariharian.

Iniwan ko na si Marcus at naupo sa pwesto ko sa dulong parte ng silid. Sina Azmaria at Alex ay nasa unahan kausap si Marcus at Marco. Wala pa si Devy sa pwesto niya dahil kausap pa nito si Azmael sa ibaba. Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit kaya ganoon na lang makatingin ang devil sakanya? Bakit tahimik si Devy nitong mga nakaraan? Bakit ganoon na lang ang pangungunot ng noo niya? Curious ako. There’s something’s strange going on, right?

I hissed and lightly hit my head with my right hand. Jeez. What’s with you, Vincent?! Unahin mo muna ang paghahanap ng information about Ferrer and Mc Garden! Oo nga pala, isa pa ‘yon. Ano nga kaya ang kinalaman ng pagkamatay ni mom sa incident sa likod ng Building A? May alam ba do’n si dad? Sino ang gunman? Sino ang totoong target niya? Si Azmael ba? Ako? O si Jin? At bakit may dalang baril ang devil na ‘yon? Ano ba siya? Criminal? Gangster? Yakuza? Mafia? Ang daming tanong. Nakakabaliw.

“Anong iniisip mo?”

Muntik pa akong mapatalon sa kinauupuan ko nang maramdaman ang mainit na hininga nitong dumampi sa tainga ko. Hindi ako nagtangkang lumingon dahil alam ko kung gaano siya kalapit sa’kin ngayon, and facing him with this distance will be a really bad move. Hindi ako nagsalita at hindi rin nagtangkang gumalaw. Ilang segundo ang lumipas at narinig ko ang mahinang tawa nito bago ito lumayo. I sighed in relief. Mabilis ko siyang nilingon at tinapunan ng masamang tingin habang may naglalarong maliit na ngiti naman sa labi nito. Ugh. He’s playing with me now!

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon