TMG 27 ♠ The Call
“What happened?” Marcus.
“Nag-away ba kayo?” Marco.
“Devy…” Alex.
And as if on cue, nagkatinginan kami bigla ng kaharap kong si Azmaria. Sandali lang naman ‘yon at agad ring ibinalik ang tingin sa kinakain.
Devy being so silent is behind my expectation. Nakapaninibago ang pagiging sobrang tahimik niya buong araw. Nagsasalita rin naman siya kung kakausapin ngunit sobrang tipid ng kanyang mga sagot. Ito ang katahimikang matagal ko ng hinihiling tuwing kasama ko ang buong grupo. Pero hindi ko rin inaasahang mababagabag ako ng katahimikang ‘to. Siguro dahil sa hindi ako sanay? Ugh. This is why I preferred being alone. They’re such a bothersome.
Mabilis akong tumayo at iniwan sila sa cafeteria nang maubos ko na ang kinakain. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila sa’kin. Tulad ng sabi ko, abala ang lahat para sa paghahanda sa darating na Sports Fest so basically, we have an irregular schedules today. And I’ll use all my spare time for my search operation.
Una kong dinaanan ang likod ng Building A dahil ‘yon lang ang naisip kong posible niyang tambayan. I can’t believe myself that I was here, dropping my name just to find that devil. Nang hindi ko siya nahagilap, dumiretso naman ako sa malawak na field. Bukod sa iilang football player na naglalaro for their practice game, wala ng ibang estudyanteng naroroon.
Seriously, where the hell is my devil reaper? Jeez.
Jin Chesire
“Sigurado ka ba diyan, Ladd? But you know we can’t do that. Kailangan muna nating ipaalam sakanya ito.” Paniniguro ko sa lalaking kaharap. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko ng inulit ang tanong na ito sakanya at malamang naiirita na rin siya. Pero kasi, we can’t decide for that without the involved person’s consent.
“I’m the Student Council President and that’s my decision. Nailed it,” aroganteng sagot nito.
“That’s absurd.” Iling ko bago isandal ang likod sa kinauupuan.
Ngayon lang siya nagbigay ng rason na butas at walang diin. ‘Yung rason sa isang desisyon na pangbata. It’s just not him. Ano kayang binabalak ng isang ‘to? Mabuti na lamang at wala na rito ang ibang member ng council at walang ibang nakakarinig sakanya bukod sa’ming tatlo.
“I highly doubt it. Given that reason, that kid won’t shake. We know how badass that new kid. And your decision will just pick a war against her.” Komento ng katabi kong si Gael na kanina pang tahimik na nakikinig.
“Right.” Tango ko. “Mag-aaway lang kayong dalawa kung ipipilit mo pa ‘yang gusto mo. At malaking problema rin kung hindi siya dumating sa araw ng laro kaya mas mabuting magpaalam muna tayo sakanya bago siya ilista.”
“Tss.” Tanging naisagot ni Ladd bago tumayo palabas ng council.
Muli na lamang ako napabuntong-hininga.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nitong lalaking ‘to para magdesisyon ng ganito. He saw Vini’s profile saying she has experience and is excellent when it comes to Archery. And throwing aside the fact that he’s the Student Council President, as Vini’s classmate, he suggested—no, scratched that, he decided to list Vini as our class representative for the said sport’s category. Ni hindi manlang niya tinanong muna ‘yung tao kung gusto nitong sumali sa laro, basta na lamang niyang inilista. Bukas kasi, dapat finalize na ang list ng players at isang malaking gulo ang mangyayari kung magugulat na lang si Vini sa ginawa ni Ladd.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
ActionSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014