TMG 25: She, the Lass

6.9K 192 15
                                    

TMG 25 ♠

“Answer the damn phone, Vincent.”

“Mind your own fucking business, Azmael.”

He just shoved my rudeness and didn’t answer back. He settled on the bench, drinking in his mineral bottled water. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago inirapan. Though I am their so-called Empress, I don’t feel like one ‘cause their not treating me like a highness. In fact, they do order me a lot of things to do, to memorize and to learn. I feel like an elementary kid learning everything, basics, from the top. It sucks. It’s too tiring and I’m sick of it.

Ibinalik ko ang tingin sa hawak na cellphone at inantay matapos ang incoming call. Ilang segundo pa ay huminto na ang tawag kaya agad ko itong in-off bago ihagis sa loob ng bag na katabi. Kinuha ko ang puting face towel na nakapatong sa kaliwang balikat ko saka pinunasan ang tagaktak na pawis sa mukha at leeg.

Napabuntong hininga na lang ako. Ilang araw na rin mula nang simulan namin ang training ko at sa ilang araw na ‘yon, do’n ko napagtanto na wala pa sa kalingkingan ng kakayahan nila ang kaya ko. Ayoko mang aminin pero totoo. Sa bawat araw na lumilipas na nakakasalamuha ko ang mga trained reapers na ‘to, mas lalo kong nararamdaman ang pagiging mahina ko. Compared to them, I really am nothing. Siguro nga pinagtatawanan na nila ako sa loob-loob nila. Honestly, I think I looked like a trying hard badass kiddo. And that fact alone is just too dissing for me.

I set my arms behind to support my balance from leaning, looking up at the dusky sky. Soon, night will embrace the whole surrounding; indication of another day has passed. I wonder what the other kids are doing. Devy has been sending me tons of calls and messages asking where am I, what am I doing, when will I go back to Pandora, if I’m okay or to when will I ever give her a call. And I didn’t bother to give her an answer. I just don’t want. I don’t think I have the reason and obligation for that, anyway. She didn’t have to know. She better focus on herself and the other Superiors. And for the first time, I hope they’re doing fine even without their leader.

“Why not give them a call?” Muntik pa akong mapatalon sa kinauupuan ko nang mapansing nakatitig pala sa’kin si Azmael. Nakatingala ako habang nakayuko naman siya sa’kin at nakatayo mula sa likuran ko. Magulo ng bahagya ang brown na buhok nito dala ng pawis. Nakasabit ang puting towel sa batok nito at kitang-kita ang biceps dahil sa suot na puting sando.

I swallowed hard, averting my eyes. “What are you talking?” kunot-noong tanong ko saka umayos ng upo. Hindi ko na lamang pinahalata ang pagkabalisang naramdaman sa biglaang pagsulpot niya. Naupo ito sa tabi ko at inabutan ako ng tubig na hindi ko naman na tinanggihan dahil sa panunuyo ng lalamunan.

“You missed them,” cool na sagot nito. Hindi naman ako umimik sa sinabi niya. Ramdam ko ang tingin nito mula sa kaliwa ko na animo’y pinag-aaralan at binabasa ang magiging reaksyon ko ngunit tulad ng nakagawian, hinayaan kong blangko ang mukha na tila walang interes habang nanatili ang mga mata ko sa hawak na bote.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideyang naiisip niya ngayon. Sa ilang araw na pananatili ko sa mansion, wala ni isang beses na binanggit ko ang tungkol sa Pandora at Superiors. Saksi rin siya sa bawat reject at ignore ko sa bawat tawag at mensaheng natatanggap ko mula sa grupo, kaya hindi ko inaasahan na sasabihin niya ‘yan.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon