The Mafia Game: Troublemaker

41.1K 481 37
  • Dedicated kay My Troublemakers ♠
                                    

The Mafia Game: Troublemaker

"Are you Vincent Mc Garden?" Natigilan ako sa pagkain ng hawak kong chicken sandwich nang makarinig ako ng isang malalim at malamig na boses ng isang lalaki mula sa likuran ko. Napansin kong natigilan rin maging ang iba pang mga estudyanteng naririto sa loob ng cafeteria habang sa table ko na sila nakatingin. Screw this situation. I really hate attention. Kaya nga ako nandito sa sulok at tahimik na kumakain mag-isa para hindi na makakuha ng atensyon pero dahil sa lalaki sa likuran ko, lahat ng mata nila nakatutok na sa'kin. Hindi naman na ako nagtangka pang lumingon dahil wala akong pakialam kung sino man siya. Ang gusto ko lang ay kumain dahil malapit na ang susunod kong subject.

Muli kong sinimulan ang pagkain na para bang walang nangyari. Sinubukan kong 'wag na pansinin ang mga tingin at atensyong ibinibigay nila sa'kin ngayon. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. Hindi ko nga sigurado kung humihinga pa ba sila. Tanging ang tunog ng galaw ng kamay ng wall clock sa loob ng cafeteria ang maririnig. Hindi ko alam kung anong mayroon sa presensya ng lalaking nakatayo sa likuran ko para matigilan sila ng ganyan. They can't touch me. No one dares to come near me. Because I am Vincent Mc Garden the Nightray University's top troublemaker. In just a month after transferring here, countless times na akong napatawag sa dean's office. I'm a certified school hopper with my early age. Ilang estudyante na rin ang napadala ko sa school's clinic. Maybe, wala nga sa appearance ko but I can really send you to clinic with my fists.

I heard gasps from the students. They started whispering. Mas lalong lumala ang shock at takot sa mga mukha nila. I stopped eating my sandwich. Pinagmasdan ko kung paano tumapon ang laman ng bagong bukas kong coke in can sa ibabaw ng lamesa. My table now is a complete mess. The whole content of my drink spilled on the table matapos niyang sipain ng malakas ang isang paa ng table ko. Halos tumalsik nga ang lamesa sa lakas ng sipa niya. I composed myself. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Calm down Vincent. You can't cause trouble in front of your foods. But the freaking hell! He spilled everything! He messed with my foods! Of all times, bakit sa oras pa ng pagkain ko? Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang ginugulo ako sa oras ng pagkain!

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at nilingon ang pangahas na nanggulo sa pagkain ko. He's a tall guy with gorgeous face. Long haired, tall nose, long lashes, thick brows, conceited pair of orbs, pinkish thin lips, buff, and a devil wearing a bored expression. How can this devil be this bored in this kind of situation?! And why the hell I am describing this devil in this kind of situation? Dammit! And what the hell is he wearing? This isn't our uniform. So he is a damn outsider. How dare he know my name and how dare he trespass here and how dare he mess with me? Bloody hell!

"How could this weakling girl sent students in the school's clinic?" Bakas sa boses nito na hindi makapaniwala matapos ako nitong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ibinalik niya sa'kin ang tingin na ganoon pa rin ang ekspresyon. Napataas na lamang ang kilay ko sa sinabi niya. I can almost feel my fists shaking in annoyance. I'm itching to throw his handsome face a hard blow, seriously.

"Those students were way weaker than me, then. That answers your arrogant question, mister," mataray kong sagot and folded my arms on my chest. Bwisit na lalaki 'to! Anong karapatan niyang tawagin akong weak? Bakit, nakatikim na ba siya ng suntok ko? Bwist! Baka gusto niya masampolan, sabihin niya lang. I am willing to do so.

"I don't believe them. I can even smell that you can't throw a weak punch." He said, as a lopsided smile painted on his lips. Damn! He's handsome, yes. But he is disgustingly a gorgeous devil! His word stinks! He's too judgmental. He's damn arrogant. He's conceited and a total distaste! And he's going beyond my temper!

Mabilis kong kinuha ang nakatumbang empty can of coke sa lamesa ko at malakas na inihampas sa mukha niya. Alam kong malakas 'yon dahil halos mayupi ang hawak ko. Narinig ko pa ang sigaw ng mga estudyanteng nanunuod sa'min matapos ng ginawa ko sa lalaking ito. Napahawak siya sa mukha niya pero ni hindi manlang siya natinag sa pagkakatayo. Ni hindi nga siya napaatras kahit kaunti. Walang nagbago. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang hawak ng kanang kamay niya ang mukha niya at nakapamulsa pa rin ang kaliwang kamay. Lahat sila nagulat, hindi ko lang sigurado kung dahil sa lakas ng loob kong saktan ang matangkad na devil na ito o dahil sa hindi ko siya natinag sa kinatatayuan niya. Kung hindi lang dahil sa inis ko, baka humanga pa ako sakanya.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon