Chapter 53: Snake Bites
"Give me the bandage—"
"I can handle myself," mabilis kong putol sa sinasabi ni Azmael sa pagitan ng mabibigat kong paghinga. Pakiramdam ko'y mauubusan ako ng hangin sa baga dala ng matinding pagod.
Hindi naman na siya nagsalita matapos no'n at hindi na rin naman ako nag-abala pang tingnan ang reaksyon niya. Mabilis kong kinaladkad ang sarili palapit sa dingding at isinandal ang likod rito bago yumuko upang tingnan ang kanang paa. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang sinusubukang alisin ang pagkakatali ng combat boots ko.
"Are you okay, Vincent?" hinihingal na tanong ni Tobi na bigla na lamang sumulpot sa tabi. Mukhang tumakbo na naman siya para i-check ang lagay ko kada tapos ng training.
"Ayos lang," tipid kong sagot bago ibinagsak sa sahig ang sapatos ko.
"Mukhang malala ang sprain mo," mahinang tugon nito matapos lumuhod sa paanan ko para inspeksyunin ang injury. Akma niya itong hahawakan nang mabilis kong iniiwas.
"H'wag na," I pause, straightening my body, "Kaya ko na 'to."
Tumingala ito at sinalubong ang mga mata ko. Hindi niya man ipahalata, bakas pa rin sa boses at kilos niya ang matinding pag-aalala. Kung tutuusin, sobra-sobra na ang tulong at pag-aalagang ginagawa ni Tobi para sa'kin. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya masusuklian.
Unang-una sa lahat, kahit na inakala kong magkadugo kami sa loob ng dalawampung taon, sa haba ng panahaon na 'yon ay hindi naging maganda ang pakikitungo ko sakan'ya. Kung sabagay, hindi naman talaga namin tinatrato ng maayos ang isa't-isa bago ko pa man malaman ang tungkol sa mga bagay tungkol sa pamilya ko.
Pangalawa, nang gabing mamatay si Devy at ipinagbilin ako ni Azmael sa puder niya, halos mapatay ko pa siya kahit na tanging kaligtasan ko lang naman ang iniisip niya.
Pangatlo, siya lang ang tumrato sa'kin na parang ako pa rin ang dating Vincent Mc Garden; na para bang hindi naalis sa'kin ang kapangyarihan ko bilang Empress; na para bang hindi ako trainee sa mafia na 'to.
Sa lahat ng tao sa paligid ko, siya lang ang hindi nagbago ng pakikitungo sa'kin. At dahil doon, lihim akong nagpapasalamat.
"Sinabi ko na sa'yo Vincent na iingatan mo ang sarili mo tuwing nasa training ka lalo na't hindi na Empress ang pakikitungo sa'yo ng mga nasa paligid mo," mahinahong sabi nito saka hinawakan ang kanan kong kamay at hinatak ako paupo sa tabi niya. Hindi na rin naman ako nagmatigas pa dahil nangangalay na ang kaliwa kong paa sa pagtayo. "Hangga't trainee ka ng mga reaper, hindi sila magdadalawang-isip na saktan ka." Dagdag pa nito habang marahan na ipinatong ang kanan kong paa sa mga hita niya. Maingat niyang tinupi ang tela ng pantalon ko hanggang binti.
"Alam ko 'yon," tipid kong wika habang pinagmamasdan ang sariling paa. Nagsisimula na itong mamaga, mapula na ang malaking parte nito at halos magkulay pasa. "Hindi ko lang inaasahan na pipilipitin pala ng Azmael na 'yon ang paa ko," nakasimangot kong reklamo. Nilingon lang ako ni Tobi at tipid na nginitian saka napailing.
Sipa sana ang huli kong atake kay Azmael nang bigla nitong mahuli ang paa kong malapit na sanang tumama sa gilid ng leeg niya at walang sabi-sabing pinilipit na lamang ang paa ko. Tumalsik pa ako sa sahig sa lakas ng pagkakaikot niya sa'kin. Medyo masakit pa nga ang mga palad ko nang maitukod ko ito sa pagkakatumba. Pakiramdam ko'y magpapasa rin ito maya-maya.
"He had once left you a concussion resulting with 8 stitches on your stomach and you're telling me now you didn't expect him to twist your ankle this bad." Halos malunod ako sa nag-uumapaw na sarkastiko nitong pananalita. Napairap na lang ako. "You still suck at lying it's almost painful," mahina itong tumawa, "Just admit it, Vincent."
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AkcjaSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014