TMG 20 ♠
Pinagkiskis ko ang mga palad ko at hinipan ito. Habang mas lumalapit ang December ay mas lumalala ang paglamig ng hangin lalo na sa umaga at gabi. It’s just six in the morning but I’m here, walking at the lobby of this condominium building. Hindi ko alam kung bakit ang aga kong nagising, pero kahit na gano’n ay hindi ko pa rin nagawang abutan si Meisha. I wonder if she’s still living with me. Pinadadalhan ko siya ng messages pero bihira siyang makapagreply. Tinatawagan ko rin siya pero sandali lang kaming nakakapag-usap dahil abala raw siya. Hindi ko na lang pinapansin dahil sanay na rin naman ako. Pareho lang sila ni dad na hindi mabitawan ang trabaho.
Papara na sana ako ng taxi nang mapansin ang pamilyar na itim na motor sa labas ng building. Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang kakilala kaya nilapitan ko ang motor para i-admire. Ilang beses na akong nagsabi kay dad noo na bilhan ako ng motor at sasakyan pero hindi niya ako binibigyan. Ni hindi niya nga yata pinakikinggan ang mga sinasabi ko. Tumigil na lang ako dahil wala naman talaga akong maaasahan sakanya.
“Early bird.” Nawala ang maliit na ngiti sa labi ko nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yon. Inalis ko ang mga mata sa motor at lumingon sa paligid. And the devil is here; leaning at the wall, looking at me with his usual pair of conceited dark orbs. I scrunched my nose after seeing his right hand holding a cigarette filter. Ang aga-aga naninigarilyo na naman. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang malusaw ang baga ng isang ‘to. Tch.
“What are you doing here?” nakasimangot kong tanong. Humithit muna siya sa sigarilyong hawak bago ito itapon at tapakan. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko. Mukhang maayos na ang injured leg niya dahil hindi na siya iika-ika. Wala na rin ang sling niya pero halata pa rin ang gasa sa balikat niya sa loob ng suot niyang polo. Kungsabagay, nagdaan na rin ang Sabado’t Linggo. Saktong tatlong araw na rin ang lumipas nang magpunta kami sa mansion nila.
“Oh.” Nataranta pa ako nang ihagis nito sa’kin ang helmet na nakapatong sa motor niya. Pinukol ko naman siya ng tingin at halos ihampas ko na sa ulo niya ang hawak kong helmet dahil sa ginawa niya. Ugh. What the hell is his problem?! “Stop glaring and just wear it.” He hissed before wearing his and hopped on the cool bike.
“And what made you think—“
“Damn it, Vincent! Just do what I say!” He growled and I almost jump in surprise. Kahit na nakasuot na siya ng helmet ay bakas sa tono nito ang matinding pagkairita. Binuhay niya ang makina ng motor at pinaingay ito. Napaubo naman ako ng bahagya sa inilabas nitong usok. Peste talaga ‘tong lalaking ‘to kahit kailan! Pupunta lang dito para manira ng araw.
“Damn you, devil! Ipaliwanag mo sa’kin mamaya kung bakit ka nandito kung ayaw mong basagin ko sa ulo mo ang tambutso ng motor mong ‘to!” I yelled in gritted teeth bago inis na isinuot ang helmet at sumampa sa motor niya. Walang sabi-sabing pinaandar niya ito at halos mahulog naman ako dahil sa pagkabigla. Napakapit tuloy ako sa uniform niya pero agad ring bumitaw dahil nakakadiring yumakap sa devil na ‘to. Ang sama-sama ng ugali! Ang aga-aga ang init-init ng ulo. Badtrip! Panira talaga ng mood ‘to kahit kailan. Ang peaceful ng umaga ko tapos siya ang sasalubong sa’kin. Of all people, why him?! Argh!
Nakasimangot lang ako buong byahe namin. Hindi ko na alam kung saan kami nagsusuot dahil sa gusto niyang umiwas sa matinding traffic sa highways. At kahit na parang maiiwan na ang kaluluwa ko sa sobrang bilis niya magpatakbo, hindi mapalitan ang inis sa sistema ko. Bakit ba kasi nandito ang isang ‘to? Argh! Naiinis talaga ako!
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
AçãoSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014