TMG 15: Masquerade

8.9K 220 11
                                    

TMG 15 ♠

 

“Be my partner in that masquerade party your face!” singhal ko matapos isarado ang pinto ng shower room sa likod ko. I can feel how my brows form into a single straight line while heading my king size bed. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Hindi ko kasi siya maintindihan. He’s damn unpredictable as always. And to make it worse, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit iniintindi ko pa rin ‘yung sinabi niya. Tch. Pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa gilid ng kama habang pinupunasan ang basa kong buhok. Sinilip ko pa ang oras sa digital clock na nakapatong sa bedside table ko that says quarter to six in the afternoon. Pauwi na rin si Meisha from her work para ayusan ako dahil 9PM ang start ng party na nakalagay sa invitation at wala akong alam sa pag-aayos.

Patuloy pa rin ako sa pagpapatuyo ng buhok ko habang suot pa rin ang bathrobe ko. Wala akong alam sa pag-aayos ng sarili dahil wala naman akong interes do’n. Hindi ako tulad ng sinasabi nila na kaibigan ng mga babae ang mga make-ups, dresses, killer heels, pabango at kung anu-ano pang abubot sa katawan. Just hearing and thinking about those, it’s giving me creeps and it’s making me feel uncomfortable. Hindi ako lumaking nag-aabalang maglagay ng kung anu-anong kulorete sa mukha at katawan. Mas matutuwa pa ako kung bibigyan nila ako ng fitted jeans, tank tops at sneakers.

I sighed after glancing at the big white box lying on my bed. Pinadala ni Meisha at galing daw kay dad. ‘Yan daw ang suotin ko sa party na pupuntahan namin. Laman no’n ang isang eleganteng itim na tube-style gown na may magarang gold and silver trails na mas nakadagdag para makita ang curves ng damit. The front part falls upto mid-thigh na pula ang kulay ng hem habang mahaba naman ang likurang parte nito na see-through. May kasama rin itong half-mask na kita lang ang bibig. Ang kaliwang parte ng mask ay puti at itim naman sa kanan. Tulad ng gown, may gold at silver glitters rin ito. At ang kanina ko pa sinusumpa sa isip ko dahil sa taas na black stiletto—mayroon naman itong nakaukit na maliit na puting rosas sa magkabilang gilid. Gusto ko na nga sana ihagis pabalik sa delivery man ‘tong mga pinadala ni Meisha sa condo dahil sa inis. Kaya hindi ko na lang rin masyadong pinansin dahil baka maisipan ko pang magditch sa event na ‘yon na siguradong pagsisimulan na naman ng issue namin ni busy businessman.

“Vincent.”

I snapped with the thoughts hearing that familiar voice. Mabilis akong napalingon sa pinto ng kwarto ko at nakita ang nakasilip na mukha doon ng kadarating lang na si Meisha. Napairap na lang ako sa hangin nang magsimula itong maglakad papasok ng kwarto ko and stopped in front of me, eyeing the big white box behind me.

“Still don’t know how to knock, huh,” I mocked.

She shrugged her shoulders before flashing me her infamous smirk. “Let’s start the makeover.”

Huh. Fucking makeover she says.

***

“Stop cussing and don’t you dare to take that off.”

“What’s with this freaking red hot lipstick and white rose in my head? I already agreed with curly messy bun but putting these freaking things on me? What the hell, Meisha? Ugh. You’re seriously pissing me off!” I yelled at the top of my lungs, crossing my arms over my chest, catching the pace of my massive breathing. And I’m practically trying to throw her daggers from my eyes because I seriously am pissed.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon