TMG 16 ♠
I felt stupid; feeling my brows creased in surprise and confusion as I studied these two motionless guys still staring coldly at each other. I’m even guessing if they’re killing each other inside their heads. A long minute of silence fell between the three of us, and as seconds passed by, still none of the boys budged and cared about that. And I am here, feeling stupid and all. The hell with these freaks!
“Are you jerks trying to seduce each other with the cold stares?” I butt in, sounding so sarcastic and disgusted. Their heads snapped in reality as they both looked at me with amusement clearly dancing in their eyes. And I roll my eyes with that. How fucked up their reactions can be.
“Vincent.”
“What now, devil?” mabilis ngunit bagot na sagot ko. Napabuntong-hininga na lang siya bago nagsimulang maglakad palapit sa’kin. Huminto siya may dalawang hakbang ang layo saka inilahad ang kanang kamay niya. Tiningnan ko lang naman ‘yon saka muling sinalubong ang tingin niya. “And what’s that for?”
“I’m your date tonight.” Napanganga na lang ako dahil sa walang kagatol-gatol na pagsagot nito. Bumalik na naman ang aroganteng tono niya na para bang siya na ang pinakamatalinong taong nabubuhay sa mundong ibabaw. At bago pa man ako makapag-isip, hawak niya na ako sa kaliwang kamay habang hatak-hatak palayo.
A frowned unconsciously fell on my face as I remembered what happened an hour ago. Inis kong nilingon ang kasama ko na abala lang sa pag-inom ng alak sa hawak niyang kopita. Ramdam ko ang pagkuyom ng kamao ko kasabay ng pag-irap sa hangin. Muli ko na lamang ibinalik ang tingin sa mga taong kasalukuyang nagsasaya pa rin.
Sa katunayan, kanina pa sinusuyod ng mga mata ko ang buong hall habang nakatayo dito sa second floor katabi ang devil. Walang ibang naririto bukod sa’ming dalawa at sa mga armadong bantay. Matapos kasi ng usapan ni Azmael at King do’n sa balcony, dito niya ako dinala. Naiwan naman si King na nakatanaw lang hanggang sa mawala na siya sa paningin ko dahil sa dami ng bisita na nakaharang. Binitbit ako ng lalaking ‘to dito sa second floor kaya ginamit ko na rin ang pagkakataong ‘yon para hanapin si King. Pero isang oras na akong naghahagilap sakanya at hindi ko pa rin siya makita. Lahat na lang ng nakapulang kurbata, titingnan ko agad ang maskara kung purong itim na may silver trails… pero bigo ako. Hindi ko siya makita. Wala akong matanaw na King sa paligid namin. Wala na maski anino niya.
Wala sa loob na napayuko ako sa nakakuyom kong kamao. Mukhang umalis na talaga siya. Bakit ba naman kasi hindi ka pa nasanay sakanya, Vincent? Samantalang ugali na rin naman niya ang umalis ng walang paalam noon pa man, ‘di ba? Gusto kong matawa sa sarili kong naisip. I looked like so stupid scolding myself inside my head. Jeez. Halata namang nagsasayang lang ako ng oras sa paghahanap sakanya, dahil lang sa gusto ko siyang tanungin sa kung bakit siya naririto sa party na ‘to samantalang nagpadala rin siya sa’kin ng invitation para sa party sa pagdating niya na may parehong oras at araw. Goodness! I can’t believe myself that I actually wasted my time to look for that jerk.
“Still looking for that bastard?” Naputol ako sa pag-iisip at kunot-noong nilingon ang katabi ko na diretso lang ang tingin sa mga bisita sa ibaba habang iniikot sa kanan niyang kamay ang hawak na kopita at nakapamulsa naman ang kaliwang kamay. At kahit na nakamaskara siya, kitang-kita ko pa rin ang pagiging malamig ng ekspresyon nito mula sa gilid.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
ActionSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014