TMG 26: Bloody Monday

6.6K 156 12
                                    

TMG 26 ♠ Bloody Monday

Isang hindi magandang panaginip mula sa ala-ala ng malagim na nakaraan ang siyang gumising na naman sa aking gabi. Humahangos akong bumangon mula sa pagkakahiga, sandal ang likod sa ulunan ng kama. Gamit ang magkabilang palad, pinunasan ko ang butil-butil na malamig na pawis na siyang namuo sa’king noo at leeg. Wala sa loob na napatitig ako sa’king mga kamay na bahagya pa ring kababakasan ng panginginig.

Dugo. Napakaraming dugo. Nakakatakot.

Sa madilim na paligid, kitang-kita ko ang malagkit na pulang likidong kumalat sa sahig. Hindi mabilang na bangkay ang nakahandusay sa paligid ng malamig na silid. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling dahil ang naaalala ko lang, kaming dalawa lamang ni mom ang naroroon sa loob ng kwartong ‘yon bago niya ako itago sa drawer. Noong una, hindi ko pa alam kung saan nagmumula ang ingay na walang tigil na umaalingawngaw. Gusto kong lumabas noon mula sa pinagtataguan upang tingnan ang kalagayan ni mom pero mahigpit niyang bilin na magtago lang ako. Bukod pa roon, masyado akong nilamon ng takot na dala ng hindi pamilyar na ingay sa’kin.

Wala naman sigurong masama kung susundin ko ang sinabi ni mom? Wala naman sigurong mawawala? ‘Di ba?

Sa loob ng halos sampung taon, hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kong sinisi ang sarili sa nangyari. Kung ilang beses kong pinagsisihan ang lahat. Kung ilang beses kong pinanghinayangan ang pagkakataong ‘yon. Kung ilang beses kong tinanong ang sarili kung bakit ako naging duwag. Kung ilang beses kong kinamuhian ang sariling ama dahil hindi niya nagawang iligtas at ipagtanggol si mom mula sa masasamang taong ‘yon. If it wasn’t because of mom, I am sure dead, too, a long time ago.

Mayroong nangyaring masama. Isang bangungot. Mayroong nawala… na kahit kailan ay hindi na maibabalik pa.

Mula nang gabing ‘yon, nagsimula na ring lumayo ang loob namin ni dad sa isa’t-isa. Gusto ko ng atensyon ng isang ama dahil ako’y sampung taong gulang na bata pa lamang at namatayan na ng ina. Kailangan ko ang kalinga niya. Ngunit, siya ang unang lumayo. Palagi siyang abala sa trabaho na hindi na niya ako mabigyan ng kahit na ilang segundo. Ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin o kahit manlang ang kausapin. Inisip ko noon na siguro sinisisi niya ako sa pagkamatay ni mom, kaya nagsimula na rin akong sisihin siya dahil doon. Dahil kung nandoon siya, hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Ten years ago, ‘yan pa ang rason na tumatakbo sa isip ko. Yes, a childish one. Irrational, absurd and unjust. Pero ngayon, kahit papaano ay lumilinaw na sa’kin ang lahat. It’s because, this is what mom wanted. Dad promised mom not to involve me anywhere near Ferrer Mafia’s businesses, but looks like this was already written on my palm since the beginning. Not everything will fairly fall into its proper places. I was destined to become the heiress of the late Ferrer Mafia Empress’ throne.

***

Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo matapos kusutin ang mata ko ngunit lalo lang itong nagluha. Hindi ko akalain na posible pa lang uminit ang ulo ko nang ganito kaaga, hindi ko lang sigurado kung alin sa dalawa ang rason; kung dahil ba ito sa paghihiwa ko ng sangkatutak na sibuyas na kanina pang nagpapahapdi sa mga mata ko o dahil sa lalaking prenteng nakaupo habang nakapangalumbaba pa sa harapan ko. Kanina pa ngang gustong lumipad ng hawak kong kutsilyo para siya naman ang tadtarin. Seryoso, kasali pa ba ito sa training ko?

“Do I really have to do this?” Reklamo ko habang pumapapak ng onion rings. Baka sakaling mabawasan ang pagkairita ko.  ‘Yung mga naunang nahiwa ko kasi niluto na niya. I’m not really into onions but this one is really good. Really. He fried this with butter… I guess.

“Yes.” Tanging sagot nito. Sinimangutan ko muna siya bago bumalik sa ginagawa.

“I don’t even think that this is still part of my training. Would I chop some fucktards body in the near future that I have to do all these in this early morning?” I yawned. It’s just six in the morning for gracious’ sake. A 19 year old girl should still be sleeping and cuddling her soft pillows in bed.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon