Vincent Mc Garden
"Stop with the stares, Devy. You're creeping her out."
"Shut up, Marco, and just drink your coffee. I made that so don't waste my effort."
"Can't you just focus with your food? I made that so don't waste my effort." Marco hissed.
"Stop reusing my words." Sagot naman ni Devy na sa wakas, sa unang pagkakataon mula nang magkita-kita kami sa dining area ay inalis rin ang tingin sa'kin para lingunin si Marco habang nakataas pa ang isang kilay.
"Don't tell me na magsisimula na naman kayong mag-away?" Ani ni Alex habang nakangiti sa dalawa. She looks amused and entertained.
Nagtitigan muna ng masama ang dalawa bago ibalik ang atensyon sa kanya-kanyang pagkain.
Pasimple naman akong napahinga ng maluwag dahil doon.
"So..." Marcus started from my right, and the grin on his lips tells me I wouldn't like what he's going to say next. "Are you two now official?"
And I'm not entirely wrong and eventually choked on the rice.
Sabay na natatarantang inabutan ako ni Devy at Alex ng tubig. Halos maluha naman ako sa sakit ng lalamunan at sobrang pag-ubo. I caught the panic and guilty look on Marcus' face behind my blurry vision when I was still trying to survive my coughing fit before he utterly sinks on his seat when the man beside me sent a cold glare to his direction.
"Shit. Sorry, Vincent. Hindi ko naman alam na—"
"Here. Drink all this."
Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang baso ng tubig na inabot sa'kin ni Azmael saka sinubukang huminga ng malalim bago uminom ng tubig. Hindi ko maiwasang mamula nang maramdaman ang init ng palad nito sa likod ko habang masuyo niyang tinatapik-tapik 'yon. Pinilit kong ituon ang buong atensyon sa pag-ubos ng tubig at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa'kin.
"Jesus Christ. I thought it's the end of me," I breathe, leaning my back on the wooden chair and heaving a deep breath. Kinuha naman ni Azmael ang baso sa kamay ko at inilapag sa lamesa.
"Y'all focus on your foods now and stop talking," utos ni Azmael sa mababa at malamig na boses. Nahuli ko pa siyang tinapunan ulit ng masamang tingin si Marcus na bumulong lang ng isa pang sorry bago nagpatuloy sa pagkain.
Tango lang naman ang naisagot ko.
***
It's not me if I blushed, but for some odd reason, I am now.
The moon outside is already high up the dark sky given that it is already almost eleven in the evening. Tulog na ang lahat maliban sa'kin na naisipang maglakad-lakad muna sa labas dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok. Naupo ako sa harapan ng bahay at halos mapatalon nang maramdaman ang malamig na sementong hagdan.
Malamig at tahimik ang buong paligid, walang kahit ni isang tao o sasakyan ang dumaraan sa kalsada. Tanging ang liwanag ng buwan at poste ng ilaw lang ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa paligid, sapat lang para makita ang dinaraanan. Kung tutuusin nakakatakot na ang dating. Pero may kung ano sa mga sinasabi ngayon ni Meisha sa kabilang linya ng telepono na hindi ko magawang makaramdam ng takot.
[So you're going to pull off the wedding now?] tanong nito na may halong pang-aasar sa tono. Napairap na lang ako.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita, "What do you think? Should I?"
There's a couple heartbeats before she breathes an answer, teasing yet serious, [I don't know. You tell me.]
Gusto kong magsisi na sinabi ko pa sakanya ang lahat. Pero sa ganitong sitwasyon, wala naman akong ibang malalapitan. Kahit na sabihing nandyan naman si Devy, Alex at Azmaria, iba pa rin ang tiwalang mayroon ako para kay Meisha. She was there when I was at my worst. She saw the rebellious me. She knows all the monster that haunts me at night. And a simple confession that continuously confuses me every night and day wouldn't hurt.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)
ActionSERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014