Nine
Ynah
"Tama naman yung pagkarinig natin diba?" Alanganin na tanong ni suzy kasabay ng pagtigil namin ni anne sa pagsubo ng cake.
"Oo naipaliwanag din naman." Sagot ni anne
Andito na kami sa cafè shop ni jian kung saan ako nagtra-trabaho. Matagal na din ako namamasukan kay jian bilang barista malaking tulong para sa akin ito kasi nasu-suntentuhan ko ang pagaaral ko at the same time nakakaipon din.
"Hindi ko akalain talaga at hindi ko din na pasin iyon." Dugtong ko
Nagka gulatan kaming tatlo sa sinabi ni sir albert na fiancé nga daw niya si seferina halos malaglag ata panga namin nun.
"Naiinggit ako kay seferina haayyy!"dismayadong sabi ni suzy
"Huwag kana kasi umasa may na nalo na."muntikan ko na mabuga yung cake na kinakain ko dahil sa sinabi ni anne.
"Teka. Teka nga! Kailan kapa natutong mangrebat anne?" Tawang tawang tanong ko.
"Tsk! Baliw talaga." Anne.
"Grabe anne nakakasakit kana din ng damdamin ahh.. Akala ko ba friends tayo at si ynah hindi."sabi naman ni suzy kasabay tumingin saakin ng masama.
Hindi ko talaga akalain na sila in fairness ang galing nila magtagong dalawa. "Wala ako masabi iba talaga nagagawa ng pagibig." Sabi ko habang nakahawak naman sa baba ko.
"Kaya nga hindi ko din akalain na si sir albert pala si unggoy na gwapo. "Pagsangayon naman saakin ni suzy. " Pero naiingit talaga ako crush na crush ko pa naman si sir pero tali na pala siyaaaa." Pagmamaktol nito.
"Huwag kana nga daw umasa sabi ni anne." Mapangasar na sagot ko sakanya sabay ang halakhak ko.
"Nakiusap si sir albert saatin kaya walang dapat makalaaman nito." Seryosong sabi ni anne."Oo naman! Saakin safe na safe yan." Tinignan ko naman si suzy.
"Potah ka talaga kahit kailan ynah! Crush ko nga si sir albert pero wala naman ako balak maging kontrabida sakanilanh dalawa." Reklamo nito at akmang ibabato pa saakin yung platito.
"Ohh bawal yan off limit yan. Ako magbabayad yan." Pigil ko sakanya kasabay ng pagngiti saakin ng peke.
"Hindi ka naman mabiro suzy alam mo naman prens tayo. Labbyu ma pren." Pagloloko dito ginaya ko yung ginawa ni seferina kagabi.
"HAHAA! GAGU!" Tawang tawa naman si suzy at si anne kita ko napangiti din.
"Paano ba yan maiiwan ko muna kayong dalawa dahil ako'y magtra-trabaho para makasahod." Paalam ko sabay peace sa kanilang dalawa. Tumango naman si anne habang si suzy parang tanga na nag heart shape sa ulo nito.
Nagusap usap kaming tatlo at nagkasundo na walang lalabas na chismis kahit anong mangyari lalo na ngayon kaibigan na din namin si seferina. Hindi mawala sa isip ko yung itsura ni sir albert nun binuksan ko ang pinto at makita ang mukha niya na halatang halata na sobrang nagalala kay seferina.
Imagine isang ring palang sinagot na agad ni sir albert at ang tangi lang niya sinabi saakin. "send me the exact address. I'll be there in 15mins" Una natawa pa ako sa 10mins niya pero shuta! Legit talaga ang 15mins niyan. Iniisip ko kung anong klaseng pagmamaneho ginawa ni sir sa mga oras na iyon.
Grabeng pagibig literal na nakakamatay....
"Uwi na ako kulit!" Paalam sa akin ni sir liam isa din sa may ari nitong cafè shop.
Hands on si sir liam dito dahil siya ang nagbe-bake ng mga pastries at cakes na bine-benta namin at yung kupal na mismong mayari nito hanggang ngayon hindi ko makita ni anino siguro busy iyon sa iba pa niyang business or pwede din sa mga babae niya.
"Sige po sir ingat po kayo." Ngiting paalam ko habang winawagay way ko ang kamay ko.
"Kaya mo ba na ikaw magsasarado?" Nagaalalang tanong nito.
"Oo naman sir! Automatic naman po yung roll up natin kaya walang hassle." Masiglang sagot ko habang nagpupunas ng nga baso at mug.
"O'sya mauuna ako. Double check mo lahat bago ka umalis okay." Palala ulit niya at ngumiti nalang ako bilang sagot sa kanya.
Napatingin ako sa orasan at saktong 12:00 midnight na din kailangan ko bilisan para makapagsarado na at makauwi na dina ako sa apartment.
Magisa lang ako sa buhay pero kahit ganon masaya naman ako dahil nakakapagaral ako at may trabaho din. Simula ng nagasawa ang nanay ko at pinabayaan ako ulit, na iniwan ako sa poder ng kapatid nito pero nagdesisyon ako na maging independent nalang dahil hindi din naman ganon ka ganda ang samahan namin nila tita at asawa nito.
Katulad ng nanay ko parehas lang silang nanakit. Ang tatay ko naman hindi ko kilala simula nang isilang ako.
"Konti nalang ynah, makakagraduate kana din." Cheer up ko sa sarili ko.
Nang matapos ko yung mga ginagawa ko tinanggal ko na ang apron ko at isa isa na din pinatay ang ilaw kailangan ko na talaga umuwi gusto ko na magpahinga dahil ilang araw na din masakit ang balikat at buto buto ko.
"Napaka tagal mo naman magsarado." Reklamo nito.
Hindi na ako nagabala pang lingunin ito dahil boses palang niya kilalang kilala ko na. Ano ba ginagawa ng tukmol nato? Minsan hindi ko maiwasan mapatanong sa sarili ko paano pa sya nagkakaoras para manginis lang.
"Pake mo." Walang ganang sagot ko sa kanya habang pina-padlock ko ang store niya nun bumababa na ang roll up.
Gusto ko sabihin sa kanya na siya nalang magpadlock sa store tutal sakanya naman ito, pero sempre hindi ko sasabihin iyon boss ko pa din siya at siya ang nagpapasahod sa akin.
"Sungit mo naman, nagugutom na ako kain naman tayo." Sabi niya sabay ang akbay sa akin. "Kanina pa kita hinihintay dito sa labas napakatagal mo kumilos sa loob." Pangaasar nito.
"Bakit sinabi ko bang maghintay ka sa labas? Tsaka ano akala mo magaan ka jian?!" Inis nasabi ko. Shuta tong lalaki nato ang sakit kaya ng balikat ko pati buto buto ko. "Delay nga sahod namin." Poker face nasabi ko sa kanya dahilan na tanggalin yung pagka-akbay niya sa akin.
"Ah?! Paanong nangyaring delay. Last time I check sa accounting okay na daw." Tarantang sagot niya.
Tawang tawa ako makita ang itsura niyang balisa. "Joke lang!" Sabay ang halakhak ko sa harap nito. Hindi ko na keri mahirap biruan tong tao nato, akmang kukunin na niya yung cellphone sa bulsa para siguro tawagan yung secretary niya. Madaling araw na malamang tulog na iyon saka nakakahiya dahil sa kalokohan ko baka mapagalitan pa siya.
"Late lang siguro ng isang oras, taranta ka naman masyado kuya." Dugktong ko habang tumatawa.
Kunot noo tumingin ito saakin kasabay ng pagakbay ulit at nagsimula na din kami maglakad. "May sahod kana pala. So ikaw ang taya." Ngiting sabi nito.
"Sinuswerte ka? Umuwi ka nalang. Doon ka kumain sa bahay mo wala ako budget sa bulate ng tiyan mo." Sagot ko sabay alis sa pagkaabay nito.
"Uy! Wait lang hindi naman mabiro to. Tara na kain na tayo." Pag please niya habang hinahabol ako sa paglalakad namin.
"Basta ba libre mo GO ako."paguulit ko.
"Oo na. Ako na taya lagi wala naman bago doon." Sagot nito sabay ang akbay ulit saakin. "Ano ba gusto mo kainin?"
"Chicken spaghetti!" Mabilis na sagot ko habang siya kamot ulo naman.
Perks ng may kaibigan kang mayaman. Hahaha!
***
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...