SeventeenAlbert Leo
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula noon nangyaring aksidente sa school outing namin at dalawang linggo na din akong nababaliw kakaisip dito sa nararamdaman ko.
Alam ko naman na hindi na ako bata sa mga ganitong sitwasyon pero, nakakainis lang kasi. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang indenial ko masyado.
Marami na akong napapansin na kakaiba sa nararamdam ko na ibang-iba sa naramdaman ko para kay andrea dati.
Pagnaiisip ko hindi ko maiiwasan kilabutan.
Napabuntong hininga nalang ako at na pasandal dito sa ikinauupuan ko. kaasaar naman kung ano-ano inisip ko hindi ko matapos itong ginagawa kong lesson plan.
Tama si jc sa sinasabi niya na nagugustuhan ko na nga si seferina kaya kailangan ko na din magpasya bago pa may makaalam ng tungkol sa amin ni seferina at kumalat ito kailangan ko na silang unahan.
Bumalik ako sa huwisyo ko nang maramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.
“Ano kailangan mo?” Walang ganang tanong ko pero hindi naman umiimik si seferina.
Yan naman siya anong kalokohan naman kaya to.
“nag tatano-- hoy! Ano ginagawa mo?”gulat na tanong ko sakanya ng bigla ito pumasok at humiga sa higaan ko.
“Seferina! Ano naman to?" Inis na tanong ko sakanya habang lumalakad pa palapit sa higaan ko.
Hindi ko maiwasan magulat sa nakita mahimbing na natutulog na ito, ganitong ganito din ang ginawa niya noon sinundo ko to na lasing na lasing at dire-diretso pumasok sa kwarto ako, ilan beses ko pa sayang ginigising pero ayaw talaga niya puro lang siyang tango sinubukan ko din naman ito buhatin pero nagpupumiglas at parang iiyak pa. Kaya ang ending hinayaan ko nalang.
Kahit talaga seferina walang kang ingat sa sarili mo. Mahinang bulong ako at bahagyang umupo para pumatay ang mukha namin dalawa, hindi ko maiwasan maisip ulit yung nangyari saamin habang papuntang parking lot at pasanpasan ko siya sobrang daldal nito halos hindi ko na din maintindihan pinagsasabi niya.
Nabigla pa ako ng bigla ito pumiglas at gusto mo bumaba kaya hinayaan ko nalang siya at humarap sakanya, gaya niya hindi din ako nagsasalita pinagmamasdan ko lang ito na nakahawak sa damit niya nangmarining ko yung mahinang hikbi nito.
"Umiiyak kaba?" Tipit na tanong ko tapos bigla nalang ito humagulgol at sunod sunod na puro sama ng loob ang pinagsasabi tungkol saakin. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa pinaggawa niya.
Pati nga pagaminin niya nasabi na din niya saakin, kesyo 15years old palang daw siya crush na daw niya ako tapos sobrang saya pa daw niya na ako daw pala fiancé na tinutukoy ni lolo. Pero na lulungkot daw siya kasi ayaw ko daw sakanya iritang irita daw ako sakanya.
Para siyang 6 years old na bata na nagtantrums kaya hinahayaan ko lang siya hanggang sa mapagod. Hanggang sa tumigil ito kakareklamo at tumingin saakin nabigla ako sa itsura nito na para bang biglang luwinag na hindi ko mapaliwanag.
Ang ganda niya. . .
Ang ganda niya kahit pa patuloy ito sa pagiyak akmang yuyuko na sana siya nangbiglang hinawakan ko ang ulo nito at bahagyang lumapit at yumuko para mas makita ko pa ng mas malapit ang mukha niya.
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko noon mga oras na iyon halos marinig ko ang bilis ng tikbok ng puso ko tinitigan ko muna sya hanggang sa bigla ko nalang ito hinalikan.
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...