Lesson 14

21.6K 332 3
                                    

Fourteen

Albert Leo

"F*CK! SEFERINA BAKIT KA SUMISIGAW?!" Bulyaw ko sakanya.

Ito ang pinakaayaw ko yung magugulat ka habang tulog, nakakainis para akong aatikahin sa puso sobrang bilis ng tibok nito. May kasabihan nga na bwisitin mo na ang lasing huwag lang bagong gising.

Tumingin ako sa kanya ng diretso at hinihinatay ko sya magsalita sa kung ano man ang idadahilan nito. Siguraduhin lang talaga niya na maganda ang sasabihin nito kung ano ginagawa niya sa kwarto namim ni jc kung hindi malilintikan talaga ito sa akin.

Saglit lang paano siya nakapasok sa kwarto? Hindi ko matandaan na nagbigay ako ng spare key.

Damn you jc!!

"P-pwede b-ba mag BIHIS KAMUNA!!" Utal na sabi niya.

Nagtaka ako sa sinabi niya dahilan mapatingin ako sa sasrili ko tss... Nakalimutan ko naka topless at nakaboxer lang pala ako.

So kaya siya sumigaw dahil sa wala akong damit at boxer lang suot ko?

Ano naman ang problema sa suot ko?

Hindi ko na kasalanan kung bakit ganito itsura ko ngayon, basta-basta nalang kasi pumapasok sa kwarto pa mismo ng lalaki pasalamat pa nga siya at nakaboxer pa ako at hindi brief kung hindi mas lalo pa siyang nagtitili dyan.

Nginisian ko lang siya bago ako sumagot sa kanya hindi ko naman kasi expected napapasukin ito ni jc sa kwarto namin kaya naghubad-hubad nalang ako para mapreskuhan.

"Bakit parang nauutal ka? Ngayon ka lang ba naka kita ng katawan ng lalaki?" Tumayo ako sa kama. "Alam mo ba kung gaano mo ako naistorbo sa pagtulog ko? Dahil lang sa ginawa mong pagsigaw na halos mabasag mo endrums ko sayo." Ma diin na sagot ko at dahan dahan na lumalapit sa kanya.

Hindi ko talaga maiwasan mapangisi sa nakikita ko ramdam ko na sobra na itong natataranta dahil sa ginagawa ko.

"H-he-hehe i-ikaw naman leo m-medyo na bigla lang talaga ako sa itsura mo h-hindi ko naman sinasadya na m-mapasigaw." Paliwanag niya habang siya naman ay umaatras palayo sa akin.

"Hindi sinasadya? Tama ba yung narinig ko na hindi mo SI-NA-SA-DYA?!" Inis na tanong ko sa kanya.

Hindi niya sinasadya pero makasigaw sya adaig pa may sunog sino ang hindi maiinis doon.

Pero hindi ko matanggi sa sarili ko na nagugustuhan ko ang ginagawa kong pang aasar kay seferina ngayon, dahil sobra ako naaliw sa mukha nito sa sobrang pula kasi nang tenga at pisngi nito.

Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko pero na a-attract ako sa kanya ngayon.

Napasandal na ito sa may pader at mabilis ko siyang kinulong sa bisig ko at mas nilapalit ko pa ang mukha ko sakanya.

"H-hindi ma-may sinabi b-ba akong gnun w-wala ako matandan. At saka pwede lumayo ka saakin baka kas- -" Halatang halata na sa boses nito ang sobrang pagpa-panic hindi ko na sya pinatapos magsalita."Kasi ano?" Hinawi ko muna ang buhok nito na naka-kalat sa mukha. "Wala naman masama kung hahalikan kita ngayon besides fiance na kita at and SOON to be WIFE kaya wala naman siguro masama kung uunahin natin yung-" sarcastic na paliwanag ko at hindi na ako nag abalang tapusin yung sina-sabi ko.

Napangiti ako ng mapansin ko na lumunok ito at biglang pumikit, seriously iniisip talaga na may gagawin namin dalawa iyon.

Pewede naman diba? Hindi ko maiwasan makitang pakagat sa labi ni seferina.

Matigil na nga to sarili ko lang din naman pinapahirapan ko.

Yumuko at bahagyang napa iling nalang ako dahilan ng makita kong bumubwela ang binti ni seferina para sipain yung.. yung..

"SH*T!!!! PAPATAYIN MO BA YUNG ALAGA KO?!" Galit na sigaw ko sa kanya at lumayo ng tuluyan.

Buti nalang mabilis ang reflection ko kung hindi scrumble natong alaga ko kainis!

Badtrip!

"So-sorry i-ikaw kasi." Sabi nito habang nakayuko.

Ako pa talaga ang sinisi niya? Siya nga kamo ang tresspassing dito sa kwarto namin.

Naglakad ako padabog papunta sa may center table at kinuha ang bagpack ko para kumuha ng white v-neck shirt at black pants na denim, sa sobrang antok hindi ko na nagawang ilagay yung mga gamit ko sa cabinet.

Kailangan ko na din talaga magdamit mukhang nage-enjoy sa view si seferina sa katawan ko kanina pa kasi ito tingin ng tingin. "Bakit kaba nandito?" Iritableng tanong ko habang nagsusuot ng shirt.

"Ah-eh si sir jc kasi ako inutusan na tawagin ka start na kasi yung dinners sa baba." Malumanay na paliwanag nito.

Walang hiyang lalaki iyon gagawin pa akong makasalanan saka hindi din ba niya naisip na baka mas mahuli kami nito, de mas malaking gulo pa kapag nangyari iyon.

Sasakalin ko talaga yunh abnormal na iyon!

Hindi na ako nagabala na sagutin pa si seferina at nagsimula na ako maglakad habang naayos ko na ang sarili ko ng biglang hinawakan ni baliw yung dulo ng t-shirt ko mula sa likod ko.

"Sorry na." Pahinang sabi nito habang nakayuko.

Napaface palm nalang ako sakanya at tumango bilang sagot wala ako sa mood makipagtalo kung tutuusin wala naman talaga siyang kasalanan.

Hindi ko lang talaga maiwasang magalit kasi hindi siya marunong magisip na sobrahan sa pagiging kampante, paano nalang kung may gawin talaga ako. Haay!!

mahi-highblood ako sa kanya.

Bago ako kami tuluyan lumabas na ng kuwarto sumilip-silip muna ako baka kasi may biglang may makakita sa amin dito at sigurado ako na ya-yari talaga kami.

Buti nalang walang tao sa hallway at sobrang nakahinga ako ng maluwag.

Pinauna ko na si seferina na lumabas ng kwarto bago ako tuluyuan lumabas sinabi ko sa kanya na sa lobby nalang kami magkita, tumango at sumunod naman agad ito.

"Lord! Give me more strength." Mahinang bulong ko sa sarili ko kasabay ng paghawak ko batok, hindi ko alam kung kaya pa pigilan ang sarili ko.

Iba na talaga to.

Haaay... Ano ba tong pinagsasabi ko.

Pinagmamasdan ko lang si seferina habang naglalakad papalayo sa akin nasasanay na ako na nasa tabi ko siya palagi.

***

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon