Masaya ako. sobrang saya ko... yung tipong sa araw araw na gigising ako sa umaga para bang puro goodvibes nalang ang nararamdaman ko at nakikita ko
"Dahan-dahan lang sa pagtitig at baka malusaw yang litrato. Sayang naman."mapangasar na sabi ni unggoy.
"Shut up jc! Huwag mo sirain yung araw ko na sobrang ganda."
"Naku naman albert! Para ka naman kasing nagbibinata sa itsura mo! Yung tipong ngayon palang nakakaranas ng lovelife sa tana ng buhay niya. Gets?!"
"Eh..ano naman sayo! Saka magtigil ka nga parang hindi ka din luma-lovelife!" Kayamot din tong gago nato wala talagang magawa sa buhay, may selestina na nga hindi pa magawang manahimik.
"Oo na oo na sabi mo eh. maiba nga tayo, sino ba yang bata na kasama ninyo ni sef sa picture na yan? Pero infernes puma-pamilya ang peg ninyong dalawa ah? May balak na ba ah? Ah?"aniya niya habang tinutusok niya ako ng meter stick niya.
"Jc, look. Seferina is a highschool student at hindi pa kami engaged ok!" Paliwanag ko sakanya.
"Tss..labo mo! eh, doon din naman ang punta ninyong dalawa. Sasagot lang naman oo o hindi pinahaba pa."
"Ang sabihin mo! Hindi pa sigurado sayo si tina na ikaw ang papakasalan niya kaya ganyan ka lang ka bitter."
"Gago!! mahal ako nun!! Maiwan kana nga dyan maglilibot- libot nalang ako para i-check yung mga bata sa mga ginagawa nila."
Natawa nalang ako at pinagmasdan siyang maglakad papuntang pinto nang bigla naman itong nagbukas.
"Sir albert pinapatawag po pala kayo ni ma'am annabelle sa office niya asap daw po."
Nagkatinginan muna kaming dalawa ni jc bago ako sumagot sa babaeng nagdala ng mensahe at sa pagkakatanda ko ito ang aming school president.
****
kanina pa ako nakatayo dito sa harap ng pinto ng office ni ma'am annabelle, hindi ko alam kung kakatok ba ako o magwa-walk-out nalang at puntahan si sef sa room nila para tulungan nalang sila sa gingawa nilang props for school festival.
Pero ito no choice din pala ako dito din ako babasag kaya kumatok muna ako bago tuluyang pumasok.
"Oh. Sir albert andyan kana pala, tuloy ka." Gaya ng sabi niya pumasok ako sa loob ng office niya. Pero bago pa ako makapasok ng tuluyan may napansin akong isang babae na sobrang familiar saakin kahit pa nakatalikod ito.
Humakbang pa ako bahagya para makalapit na din sa lamesa ni ma'am annabelle at the same time para makita ko din ang mukha ng babae.
"Seferina?" Pabulong na sabi ko nangtuluyan na ako makalapit sa kanilang dalawa.
Paunti-unti na lumingon si sef sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.
"Have a sit sir albert." Bumalik ako sa ulirat ko ng nagsalita si ma'am annabelle.
Hindi ako mapakali sa inuupuan ko palingon lingon ako kay sef ngayon na parang gusto na niyang umiyak at pinipigilan lang niya to.
Sh*t! Ano ba ang nangyayari?
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa inyong dalawa-" hindi niya pinagapatuloy yung sasabihin niya ng bigla ito may kinuha sa drawer niya.
Brown na envelop?
Ano ba ang gusto niya ipahiwatig?
"Kunin mo sir albert para makita mo kung ano ang mga laman yan." Gaya ulit ng sinabi niya kinuha ko ang brown na envelop para tignan kung ano nilalaman nito at laking gulat ko ng makita ko ang mga laman sa loob.
Larawan namin ni seferina. Lahat ng angulo lahat ng kilos namin, pati sa bahay.Bakit may ganito? Bakit may kuha sila ng mga ganito?!
"Anong kalokohan to?! Please ma'am annabelle pwede ba diretsohin mo nalang ako." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Alam ko nabastos ko na siya pero hindi eh, iba nato. Ibang usap nato.
"Mr.celedonio please calm down. Hindi ko kayo pinatawag para tayong tatlo ang magaway-away dito, pinatawag ko kayong dalawa ni ms. dela vega para ayusin ito hanggang kaya pa." Maawtoridad na pahayag niya.
"What do you mean?"
"Le...leo." Malumalay na sambit ni seferina na ngayon ay nanginginig sa takot.
Patago kong kinuha ang kamay niya at hinawakan ito para kahit papaano mapakalma ko siya.
"Alam ko ang tungkol sa inyo dalawa ni ms.dela vega at alam ko na alam mo din mr. Celedonio na si Mr. Alfred tonyo Dela Vega ang may ari nang school nato at iyon ang lolo ni ms. dela vega. Itong mga larawan na nakikita ninyo sa lamesa ko, hindi ito sa akin nanggaling. may nagpadala lang sa akin nito at hindi ko alam kung kanino galing ito mapa address o pangalan ay walang nakalagay sa envelop. Nababahala ako sa nangyayari ngayon at kailangan natin maayos ito bago pa magkagulo at kumalat."mahabang paliwanag ni ma'am annabelle.
Kunot-noo lang ako nakaharap diretso sakanya. Hindi ko alam kung dapat ba ako magpunyagi dahil alam pala niya ang tungkol sa amin ni sef at hindi niya kami pinakielaman. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong naiirita at naiinis! dahil sa nagpadala ng mga picture o dahil wala akong pwedeng magawa ngayon.
Walang hiya kung sinong gago man ang gumagawa ng mga bagay nato?! Humanda siya saakin, gustong niya siraan kami ni sef at lalo na sa reputasyon ng school nato! Ito dapat ang kailangan kong alamin. Kung sinong tao ang may pakana nito?!
"How? How can we fix this?" May diin na tanong ko kasabay ng pagpisil ko sa kamay ni sef.
"Send me your resignation letter before school festival. ASAP!" Maawtoridad na utos niya.
****
a/n: sorry guys, sa sobrang bagal ng ud na mas mabagal pa sa pagong. Any waysss.. Haha:) konti nalang talaga! Konting hugot pa.. Labyousssss...
And please kung marami akong wrong spelling from the start na kahit tagalog na please update me sa comment boxat pakitama na din po ninyo >.< tao lang po ako at nagkakamali. At kung okay lang sa inyo idamay na din ninyo yung english ko dyan hahaha!! Kung wrong grammar paki correct grammar po.:)
Thankie! :)
behindOnmE. ❤
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...