Seferina Pov
"Hoy Magtigil kang unggoy KA!!!" rinig ko ang boses ni ate tina habang nasa kwarto ako at nagpapalit ng damit halos kakarating lang namin ni leo ng magkasalubong kami sa baba. "Selestina himala talaga ano nangyari sayo? Ang laki ng pinagbago mo sobra. Kaya naman pala sobrang tagal mong nawala sa pinas masyado mong ginalingan doon." Biro ni sir jc kay ate tina "SHUT UP!!! unggoy at pwede ba huwag mo akong tawagin sa pangalan na selestina okay., tina ang itawag mo tina!!" Natatawa nalang ako habang pinakikigan sila magtalo habang bumababa ako ng hagdanan. Tingin ko mga lasing na siguro sila. "Ang laki talaga ng ginanda mo Nakakaspeechless hahaha!!" Natatawa nalang ako kay sir jc hindi ko kasi maintindihan kung gandang-ganda ba siya kay ate tina or pinipikon nalang niya. "Pwede ba unggoy tigilan mo ako sa kakaganyan mo babalian kita ng buto." Gigil na gigil na sambit ni ate tina. "Ikaw na nga pinupuri ikaw pa galit. Maiba nga tayo bakit bigla ka ata napauwi ng pinas?" Oo nga noh? Balak ko din pala sana itanong yan buti nalang tinanong na ni sir jc na hanggang ngayon hindi pa din nila ako napapansin na dumaan sa likuran nila papuntang kitchen.
"Baka mage-enroll ako dito." Sarkastikong sagot ni ate. "Talaga? Sa klase ko nalang ikaw pumasok pwedeng-pde ka doon."Masiglang sambit nito "Nako jc tigilan mo na nga si tina."pagawat ni leo. "Sef kanina kapa dyan?" Pagkuha ng atensyon ni leo kasabay ng paglingon nila ate tina at sir jc saakin.
Finally napansin din nila ako. "Hindi naman kani kanina lang kumuha lang ako ng maiinom." Ngiting sagot ko. "Tara dito sef." Tawag sakin ni leo kaya agad naman akong lumapit sa kanila.
Ewan ko ba? Pero kanina pa ako kinikilig sa bawat gesture ni leo, maganda ata kapag nakakainom syahh.. .
"Tina."pagkuha ng atensyon ni leo kay ate tina kasabay ang pag sip nito sa beer. "Gitara ba iyon?" Tanong ni leo na nakaturo sa malaking bag na itim.
Sa akin yan! Sure ako na akin yan. Love na love talaga ako ni ate.
"Yan ba. Kay seferina yan nagpapabili kasi siya nasira daw yung ganagamit niya." casual na sagot ni ate. "seferina tumutugtog ka?" Halatang gulat at hindi makapaniwala na tanong ni leo.
Excuse me! Matagal na ako tumutugtog duh.
Napangiti nalang ako kasabay ng pagtango ko kay leo."Don't tell me albert hindi mo alam?"mapang asar na tanong ni ate kasabay ng pagtungga nito sa beer. "kawawa ka naman pala, tagal tagal na ninyo magkasama ni seferina hindi mo manlang alam." sarkasting sabi ni ate tina na ikinatawa naman ni sir jc.
As if naman alam niya hindi interesado saakin yan dati duhh!
"Marunong siya maggitara at magpiano iyan lang kasi inaatupag niya kapag naiiwan siyang magis-." napatigil magsalita si ate ng biglang sumabat si sir jc. "Ikaw kasi ang alam mo lang paano mangbugbog at mangbully." pailing iling pa si sir jc. Hindi ko alam kung nagbibiro pa ba sila or nagaaway na pero kahit gnon ang saya nila pagmasdan ni ate. "Hoy UNGGOY kahit kailan hindi ako naging bully! BWISIT KA talaga!! BAKIT BA SABAT KA NG SABAT HINDI KA NAMAN KASALI DITO!." Sigaw na tugon ni ate kasabay ng pagbato nito ng throw pillow."e-easy lang ate."matawa tawang pagawat ko sa kanila. "Kayong dalawa kanina pa kayo nagtatalo dyan." Napatingin ako kay leo na ngayon ay nakangiti.
Shacks! Ibang iba ang aura niya grabe! Ang gwapo niya. Mas kinikilig pa tuloy ako.
"Itong kaibigang unggoy natin nakakainis na kasi." Sabay irap ni ate kay sir jc at umupo naman si sir jc sa tabi ni ate. Hay ate halata ka naman masyado."By the way andito na din naman si seferina bakit hindi tayo magpa- sample." Casual na sabi ni ate tina na ikinagulat ko naman.
"A-ate naman."nahihiyang tawag ko sa kanya. "C'mon sweetie ngayon lang naman ulit mag re request si ate." Malamabing na sabi nito. "Please? Kunin mo na yung gitara dali." Magalak na sabi nito habang pumapalakpak pa, tumayo ako at kinuha ang gitara na nakasandal sa tabi bookshelves.
"Ate ang ganda naman nito." Hindi ko maiiwasan na ma mangha ng binuksan ko ang bag at bumungad saakin ang napakagandang gitara at nakaukit pa ang pangalan ko sa harap. "Dali dali sweetie tugtugan mo na kami at para matanggal yung pagka badtrip ko sa unggoy nato." Excited na sambit ni ate tina.
Ano ba naisipan ni ate, kinakabahan tuloy ako.
"Ano.." Nahihiyang sambit ko. Agad agad ni hindi ko nga alam yung kakantahin ko sa kanila saka kinakabahan din ako dahil ito yung unang beses ako tutugtog sa harap ni leo."Oo naman, ngayon na bilis." Pangungulit ni ate.
Napalalunok nalang ako at pinagmasdan sila isat isa na at nang mapahinto ang tingin ko kay leo na nakangiti ito na para bang nagsasabi sa akin na ituloy ko na at kantahan ko siya.
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko para bang nabibingi na ako sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. "Uh.. umm.. ano ba gusto ninyo tugtugin ko?" Nahihiyang tanong ko kasabay nun unti unti kong itinotono ang gitarang hawak ko.
"Pusong bato HAHAHA!" Pangasar ni sir jc at hinapas naman ito ni ate ng throw pillow. "Magtigil ka nga Unggoy kahit kailan talaga wala ka sense sense yang pinagsa-sasabi mo!" Gigil na sabi ni ate at humarap naman ito saakin na nakangiti."Bilis na sweetie ikaw na ang bahala" Malambing na sambit ni ate.
Tumango lang ako at ngumiti. "Dito ka lang by Kz Tandingan" kasabay ng pag-strum ko ng gitara.
****
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
Roman d'amourOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...