Year, 2014
Hanggang kailan?Hanggang kailan ako aasa at maghihintay.
Nakakapagod pala at nakakatakot din.
Ang daming naglalaro sa isip ko. Na baka sadyang ganito lang talaga ang tadhana ko...
Ang iwanan at maging magisa...
Nasa pagitan ako ng laban at paalam.
Gusto kong lumaban, pero paano ako lalaban kung maaring matapos na ang lahat?
"boo hanggang kailan ba?" tanong ko sa litratong nakaharap sa akin ngayon.
Ayaw ko na umiyak dahil di ko alam kung may iiyak pa ba ako, pero wala eh, ganito na siguro talaga ako...
Mahina.
"albert..."
Walang ganang lumingon ako sa taong tumawag sa akin.
"Oras na. Halika na."
Umiiling ako bilang sagot kasabay ng pagbalik ng atensyon ko sa litrato namin ni seferina na nakapatong sa desk ko.
"hijo ikaw nalang ang hinihintay."
"ayaw ko pumunta lo." piyok na pagtanggi ko.
Gabi gabi akong umiiyak dahil hanggang ngayon hindi ko pa din magawang tanggapin ang lahat.
"Gusto ko mapagisa. Gusto ko magpahinga lang." kasabay ng pagiyak ko sa kanya.
"hijo, ilan beses ko ba sasabihin ang lahat na ito sa iyo? Hindi mo kasalanan ang lahat, kaya huwag na huwag mo sisihin ang sarili mo sa bagay na hindi mo kasalanan."
Tuluyan ako na pahagugol.
"lo ayaw ko na. Takot na takot na ako. Hindi ko na alam kung dapat pa ba ako umasa o' kung dapat pa ako maghintay.---" hinto ko at tumuro ako sa dibdib ko. "ang sakit sakit na kasi eh, para na din akong pinapatay sa mabagal na paraan.
Gabi gabi akong nagdadasal at humihiling na sana pagising ko okay na ang lahat... Na wala nang masasaktan pa, na sana na ako nalang at hindi siya."pagliwanag ko sa pagitan ng hagulgol ko.
"apo ko." humarap ako sa kanya.
Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat gawin.
Wala na akong lakas pa.
Magta-tatlong taon na. Pero wala pa din.
Wala pa din.
Ramdam ko na huminga muna ito ng malalim bago ulit magsalita.
"papayag ako pero sa isang kondisyon kumain ka. Nag pahanda na ako nang makakain mo sa baba. Hindi pwede na lagi ka nalang nagkukulong sa kwarto mo, magpahangin ka kahit sa garden." tumango nalang ako bilang sagot.
"and one thing. Hindi ko alam kung ano ba ang pinagusapan ninyo ni alfred pero iisa lang nasisiguro ko. Masaya siya at panatag din ito. Kaya huwag mo siyang bibiguin." ngumiti ito at tinap ang likod ko kasabay ng paglakad nito palabas.
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...