Fifteen
Suzy
“Ang lahat ay magayos na at babalik na tayo sa hotel.” Anunsyo ni sir lance.
SAWAKAS natapos din ang activity!
Grabe pagod na pagod na ako gusto ko na magbabad sa bathtub at pupunuin iyon ng maraming-maraming bubbles, kaso nakakainis walang bathtub at shower lang ang meron dito baduy! Buti nalang at huling gabi na namin at babalik na kami ulit sa manila bukas.
Naglalakit na ako at nakakahiya kay sir my loves kapag nagkita kami na ganito ang itsura ko. Ewww sobrang haggard ko na.
"Babalik nalang tayo sa hotel nagpapaganda ka pa." Asar ni ynah.
"Aba sempre! Baka makasalubong ko si sir my loves." Sabay peace ko sa kanya at na faceplam nalang si ynah.
“Asaan si seferin?” Tanong ni anne.
“Nagpaalam sa akin si seferina na magc-cr daw siya pero hindi ko na napansin na bumalik sya dito akala ko nga pinuntahan na kayo." Paliwanag ko sa kanilang dalawa habang pinupunsan ko ang naglalakit na katawan ko.
“Hindi naman dumaan samin si seferina simulang magstart hanggang sa matapos ito tsaka bakit pa kami magtatanong sayo kung magkakasama kaming tatlo nako! Brain brain suzy." Tinignan ko ng masama si ynah na ngayon tawa ng tawa.
Kainis na babae to! Lakas mang milosopo.
“Ang hard mo mag salita! kainis!." Sabay smirk ko sa kanya.
"Tigilan na nga ninyo yan. Tara na baka dumeretso si seferina sa hotel.” Walang ganang sabi ni anne.
"Oo nga naman. Tara na baka tayo nalang din hinihintay non." Nakakatampo naman hindi manlang niya ako sinabihan.
Sama sama na kami naglalakad nila ynah at anne papasok sa hotel nang makasalubong namin si sir jc.
“Goodevenining po sir jc.” Sabay namin bati nila anne.
"Kayo pala pasensya na kayo kung iniwan ko muna kayo kay lance, pinatawag kasi ako ni ma'am anna.” Paliwanag ni sir jc kasabay ng pagngiti din nito.
Infairness ang gwapo din ni sir jc. May jowa na kaya to?
“Ayos lang po sir." Halos sabay-sabay ulit namin sagot.
"Mabuti naman kung ganun.” Sabi niya kasabay ng pangiti nito ulit at bahagyang sumilip sa likod namin na para bang may hinahanap siya. “Saan nga pala si seferina? Himala at di ninyo siya kaasama?” Takang tanong nito.
"Baka po nasa room na siya at doon nalang po naghihintay saamin” Malumalay na sagot ni anne.
Kumunot ang noo ni sir jc. “Talaga? Kanina pa kasi ako dito sa hotel pero hindi ko naman na papansin si seferina." Sagot sa amin ni sir jc na dahilan na magkatingin ko kaming tatlo.
Parang may kung ano akong naramdaman na kaba.
“check nalang po namin sir." Pagpatay ni anne sa katahimikan.
“ I see, okay. Maglinis na agad kayong at bumababa malapit na tayo maghapunan.” Pagpapaalala nito kasabay ng paglakad niya papalayo sa aming tatlo.
Tumango-tango nalang kami bilang sagot sakanya at dali-dali kami lumakad paakyat papuntang kwarto at laking gulat naming tatlo na wala si seferina sa loob.Asaan siya?
“Wala siya dito, kinakabahan ako." Sabi ko.
"Baka naman kasama lang sila ni sir leo, huwag ka masaydong O.A" Sabi nito na habang naglalakad ito papuntang cr. "Oh syaa mauna na ako sainyo ligong ligo na ako." Pagpatuloy nito kasabay pagpasok sa cr.
Napalingon ako kay anne. "Tama siya suzy kumalma ka baka nagikot ikot sila."Kampanteng sabi ni Anne
Tama sila hindi ko kailangan magpanic baka magkasama lang sila talaga..
Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang ako dinapuan ng sobrang kaba. "Tawagan mo kaya anne please."
"Useless din iyan yung phone ni sef ." Sabay turo ni anne doon sa ibabaw ng mini cabinet na nasa side ng kama namin. “Hindi niya dala.” Pagpatuloy ni anne.
Napangiwi nalang ako nagkabit balikat nalang.. Sef asaan kaba?
***
Seferina Sophia"AAHH!!" Sigaw ko kasabay ng pagsabunot ko sa buhok ko.
Kainis! Kainis!
Kapag minamalas ka nga naman pagod na ako at sumasakit na din yung paa ko kakalakad para hanapin yung tamang labasan dito kaso hanggang ngayon hindi ko makita at pati na nga yung unang pinasukan ko na daan ay hindi ko na din matandaan kung saan bahagi ito.
Maghahanap lang kako ako ng restroom dito sa camp site pero dito ako nadala ng mga yapak ng paa ko at ang isa pang kinaiinisan ko kung bakit hindi ako nagdala ng cellphona man lang.
So ano na? Paano na? Tatambay nalang ako dito at makikipagusap sa mga insekto kung saan ang palabas.
Kainis!
Nakakainis talaga!! Bakit kasi wala akong sense of direction kaasar.
May nakapansin na kaya na nawawala ako? May naghahanap na ba sa akin sa mga oras nato? Si leo kaya pero alam ko naman na busy iyon. Busing busy kay ma'am mia na makipagharutan akala mo mga teenager Hello! Andito yung future wife. Si leo naman kung makakerengkeng akala mo naman jowa
Bwisit! Pagbuhulin ko pa silang dalawa eh!
Saan kaya ako pwde pumunta nito? Madalim na at hindi ko na din masyado makita yung nilalakaran ko halos nangangapa na ako sa bawat hakbang ko.
Jusko!
Ayaw ko matulog dito pero kahit hindi ito ganun kagubat ang tataas at ang lalaki ng puno at isa pa, kinakatakutan ko talaga na baka may kung anong gumapang nalang sa akin na insekto or hayop dito.
Mabilis pa ako palingon agad sa likuran ko ng may marinig ako na kumakaluskos. "S-sino yan?!” Pasigaw na tanong ko. Pero wala akong na nakuhang sagot.
Jusko! Grabeng kaba nararamdaman ko parang lalabas na puso ko uso ba sawa dito? baka kain pa akong buo hindi pa ako ready marami pa ako plano sa buhay ko. Rinig ko ulit pagkalukos ng mga kahoy at halaman tuyo dahilan na kainan na ako ng matinding takot.
“Sino ba ya- - -” Hindi ko na tinapos yung sasabihin ko nang dali dali akong tumakbo dahil sa nakita kong na parang may tumayo na ewan, Aish! Hindi ko ma-explain kung hayop ba iyon o tao ba? Hanggang sa. .
“AAAAHHH!!!” Sigaw ko nang mahulog ako sa malalim na parte ng lupa.
Halos maiyak nalang ako sa pagbagsak ko sobrang sakit literal para pa ata akong nabaliin sa lagay ko ngayon. Ilang minuto din nakalipas bago ko sinubukan ang gumalaw para makatayo para sana subukan ang umakyat, kaso akmang babangon palang ako hindi ko na makagaw gumalaw ang binti at paa ko.
Mas lalo ako maiyak ng makit ko na may dugo yung binti ko.
Naniniwala na ako. Naniniwala na ako na hindi dapat maging sobrang saya kapag may ganito kasi kakambal ito kamalasan at talagang nakabuntot pa ito sa akin ngayon.
Naiinis ako sa sarili ko bakit ba ganito kasi ako, tanga tanga ko. Tama si leo hindi man lang ako marunong magingat.
Sobrang natatakot na ako at nagsisimula ko ng maramdaman yung hapdi ng sugat ko.
Paano na ako?
“M- MAY TAO BA DYAN? TULONG!”
Paulit-ulit lang ako sumisigaw kahit alam ko naman nawalang nakakarinig sa akin ayoko ko mawalan ng lakas na loob alam ko hahanapin din nila ako, pero kahit anong pilit na gawin makubli lang yung takot na nararamdaman ko hindi ko parin mapipigilan ang humagulgol.
Leo..
***
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...