Lesson 40

16.7K 289 5
                                    

Albert'Pov

            Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pumayag si seferina na isabay namin si andrea sa paguwi namin alam ko at kutob ako na may kakaiba talaga lalo na sa mga mata niya. Tumingin ako sa kaliwa sa may shotgun seat kung tawagin ng iba, Sinulyapan ko lang si seferina na mahimbing naman natutulog ngayon.

         "Albert?" Malumalay na sambit niya na nakaupo lang ito sa likod

         "Andrea please tumigil kana."

         "Pero hindi ko kayang tumigil kung alam ko sa sarili ko na mahal pa din kita, alam ko at nararamdam ko na mahal mo padin ako." 

       Kailan ba balak tumigil ng babae nato. Alin ba ang hindi niya maintindihan sa hindi ka na nga mahal, sa H-I-N-D-I N-A N-G-A M-A-H-A-L.

Na punta lang sa canada hindi na agad siya nakakaintindi ng tagalog. Psh! At ang  nakakainis pa, bakit kailangan pa niya ipagpilitan.

        Itinigil ko ang kotse sa may sakayan ng mga taxi para pababain na siya, naririndi na ako sa kanya at hindi na din ako makapag-focus sa pagmamaneho dahil sa kaartehan nito.

                "Baba." Tipid at malamig na sambit ko.

               "Pe....pero albert." Mapiyok-piyok na sambit niya.

               "Andrea please."

               "Fine! Silent means yes, may dear. " nag smirk pa ito s a akin kasabay ng pagbaba nito sa kotse ko.

   Napailing-iling nalang ako ng nakababa siya at sinimulan ko ng paandarin yung kotse.

Hindi ko ata nagugustuhan ang mangyayari..

I sigh.

~*~*~*~

Seferina'Pov

             "Sef.... Wake up. Sef." Gusto ko dumilat pero ayaw naman sumunod ng dalawang mata ko para dumilat.

      Oo. Gising ako nun mga oras naguusap sila hanggang sa bumababa si andrea sa kotse.

Ang sakit sobra.

Ang sakit isipin na mahal pa din pala niya si andrea..

Silent means yes nga diba.

              "Sef. Nandito na tayo, gising kana dyan." Mahinahon na sabi niya.

       Paunti-unti lang ako dumilat hanggang sa maging malinaw ang paningin ko kay leo.

               "Kaya mo ba tumayo? Gusto mo buhatin nalang kata?"

         Umiling nalang ako at tumayo kahit medyong hilo-hilo pa, kumakalam na kasi ang tiyan ko pero wala akong ganang kumain.

           Nilagpasan ko lang si leo at nauuna ako maglakad sa kanya pa akyat ni wala sa amin ang gustong magsalita parehas kaming tikom, parang nalunon ko ang dila ko sa mga oras na ito.

Ang awkward, di ako sanay ng ganito.

Hindi ganito si seferina...

Hindi ako to. Hindi

             "Seferina." Malumalay na tawag niya sa akin nun nauna ako pumasok sa unit niya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.

        Humrap ako sa kanya na walang pinapakitang na kahit na anong expression sa mukha.

               "May problema ba tayo?" Oo meron at ang masakit AKO

               "Wala." Sabay ng mapait na ngiti ko sa kanya.

      Sisimulan ko na sana ang maglakad paakyat sa kuwarto para humiga at matulog kahit kakagising ko lang, pakiramdam ko kasi pagod na pagod na ako hindi sa physical kung hindi sa emotional kaso nang biglang nagsalita si leo.

               "seferina, pagusapan natin please." Imbis na magsalita ako yumuko na ako, dahil di ko na kayang pigilan pa yung luha ko na kanina pa gustong-gusto bumagsak.

      Naramdaman ko na paunti-unti sa akin lumalapit si leo hanggang hawakan niya ako sa makabilang braso ko.

               "Come on, sef.. Pagusapan natin ito please, alam ko meron." Ramdam na ramdam ko ang pagalala nito para sa akin.

        Hindi ko na alam nun hinawakan niya ako at sa bawat pagplease niya para malaman niya kung ano problema ko, bigla nalang ako humagol sa harap niya hindi ko na kaya, hindi ko kayang pigilan pa.

Gusto ko ilabas.

Gusto ko sumabog, para mawala lang ang sakit na raramadaman ko ngayon.

               "Le...leo *sniff* leo... *sniff* tinatawag ko lang yung pangalan niya hindi ko alam kung paano ko uumpisan magsalita sa kanya. Kung paano pakawalan itong sama ng loob ko.

                  "Ssssssh... Sef.. Look at me." paunti- unti ako tumingala sa kanya habang patuloy pa din ako sa pagiyak sa harap niya.

         Pinunasan niya ang luhang bumagsak sa pisngi ko gamit ang thumb niya, nang bigla ito magsalita

                   "Sige na, makikinig ako."

                     "Ma........mahal mo ba ako ah?*sniff* le..leo ka..kaya nman kita palayin at i....pa....can..cel yung engagement natin siya pa din... A.yoko ma...maging mise...rable ang bu..hay mo sa akin." Pautal-utal na sabi ko habang umiyak padin.

Kainis bakit ba kasi ayaw tumigil ng mga luha nato.

            "Yung na..laman ko na i...ikaw ang ma....papangasawa ko*sniff* hindi ako na...nagdalawang iisip kasi simula palang nakita kita minahal kita, sobrang saya ko ng mga oras na iyon nung*sniff* sinabi ni lolo enrique na ikaw daw ang apo niya at ikaw daw ang nakatakda sa akin na maghahatid sa harap ng altar--"himinto ako at huminga ng malalim at ngumiti sa kanya kahit hirap na hirap ngumiti dahil iyak ng iyak naman ako, bago ako magpatulog magsalita. Alam ko nakikinig lang siya at seryoso ito na nakatingin sa akin.

            "---kaya sinabi ko sa...sarili ko na gagawin ko lahat para magustuhan pero sa bilang ako at kahit ganito kalaki ang age agap natin, wala ako pake doon kasi mahal kita at mas lalong wala akong pake kung teacher man kita.  Noon unang pagkikita lang nati natutuwa, naiinis at the same time ikaw naman kasi parang may sakit ako kung itaboy mo ako pero okay lang iyon naintindin ko naman na baka na shock kalang talaga kasi hindi mo expect naganito ang papakasalanan mo diba?*sniff* pero may mga time na gusto ko na sumuko at bumitaw kasi pakiramdam ko malaking pampagulo lang ako sa buhay mo, pero hindi ko din magawa kasi sa tuwing makakagawa ako ng mali sau at papagalitan mo ako, afternoon bigla ka lalapit o hindi man magiging mahinahon kana agad saakin para kausapin ako. Dahil doon mas lalo pa kitang minhal hanggang ngayon na mas minamahal na kita." Paunti-unti kong nararamadaman na gumagaan na yung pakiramdam ko.

       Bigla nalang ako yinakap ni leo ng sobrang-sobra higpit at nararamdaman ko din yung bawat haplos ng palad niya sa buhok para pakalmahin lang ako.

Pumikit lang ako at dinama lang ang init na yakap niya.

****

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon