Lesson 47

17.5K 272 18
                                    

"UNTANG NA LOOB ANDREA GUMISING KANA!!! Hindi kana niya mahal." Galit na untang ni kathy ng nakapasok ito sa loob ng unit ni andrea.

"Pumunta kaba dito para insultuhin lang ako?! Pwede ba umalis ka nalang hindi ka NAKAKATULONG!!" sabay lagok ni andrea ng sa alak.

"Andrea huwag mo sirain ang buhay mo ng dahil lang sa kanya! Hindi ka namin pinalaki ni mommy para gawin mo miserable yang buhay mo!" Galit na sabi ni kathy kasabay hablot ng bote ng alak mula sa kamay nito.

"BULL SHIT!! ANO BA PROBLEMA AH?! NANAHIMIK AKO DITO, KAYA PWEDE BA UMALIS KANA!! Hindi ko kailangan ng pangangaral mo.- At baka nakakalimutan mo ikaw ang nagpauwi dito sa akin para ayusin yung problemang iniwan ko dito!" Hasik ni Andrea.

"Look Andrea. Tama ka. Oo akong nga ang nagsabi na umuwi ka dito sa pilipinas para maayos ninyo yung gusot ni Albert, pero andrea wala akong sinabi sayo na pagplanuhan mo kung paano aagawin at sisirain yung relasyon ni albert. Andrea please tanggapin nalang natin... Lalo kana na wala na- na hindi kana niya pa pwedeng balikan pa." Umiyak na paliwanag ni kathy kay andrea.

Unti-unting tumayo si andrea na parang bang walang buhay at humarap ito Kay Kathy.

"HINDI! HINDI PWEDE! HINDI AKO PAPAYAG AKIN SI ALBERT!! MAHAL NIYA AKO! MAHAL NA MAHAL." Sigaw nito na habang sinasaktan ang sarili niya.

Lumapit si kathy kay andrea kasabay ng pagyakap nito sa kapatid niya.

"Andrea tama na please. -tama na pakawalan mo na siya, kung totoong mahal mo siya hayaan mo nalang si albert na maging masaya sa kung ano meron siya ngayon. Please bumalik kana. Ibalik mo na yung dating ikaw. Masyado muna napabayaan ang sarili mo pati na ang trabaho mo sa canada nawala na din sayo. Please andrea nagmamakaawa ako sayo." Halos putol- putol na paliwanag ni Kathy kay andrea dahil tuluyan na din ito napahagulgol.

Biglang itunulak ni andrea ang kanya kapatid dahilan na mapaupo ito." Hindi ko kailangan ng AWA MO! ANG KAILANGAN KO SI ALBERT AT HINDI YANG AWA MO!! UMALIS KANA! GINUGULO MO LANG ANG ISIP KO! UMALIS KANA!!!" Giit ni andrea kasabay pagturo niya sa pinto.

Napabuntong hininga nalang si kathy kasabay ng pagtayo nito. " kung ano manyang pinaplano mo please huwag mo na ituloy, hanggang maaga pa at wala pang nasasaktan bago ka magsisi bandang huli. Babalik kita andrea." Mahinahon na sabit nito kasabay ng pagalis niya sa kanyang nakakabatang kapatid.

Pinagmamasdan lang niya ang kanyang nakakatandang kapatid hanggang makalabas ito.

“wala nang atarasan ito, kukunin ko lang kung ano ang sa akin seferina sophia Dela vega.” Nakangising sambit nito kasabay ng pagtapon ng alak sa larawan na  nasa lemesa.

               ~*~
Albert

Nakasandal ako ngayon sa harap ng koste ko habang hinihintay ko si seferina dito sa parking lot ng school. Natapos na akong hakutin ang lahat ng gamit ko. Haaay, Nakakapanibago lang parang kailan lang dito ako papasok para makapagturo at makipagkulitan sa mga estudyente ko. Mamimiss ko tong school natO dahil dito. Dito ko nakilala si seferina at kung paano siya dumating sa buhay ko.

Oo. Nakakalungkot kasi mukhang matatagal pa ako ukit makabalik sa pagtuturo dahil kailangan ko muna daw palamigin yung pangalan ko gaya nga ng utos ni ma’am anabelle. Pero hindi mawawala yung saya kasi ngayon palang alam ko na. Ito na. Totoo nato! Official na kami ni sef yung tipong hindi naman kailangan pang magtago, although kailangan pa rin namin maging maingat lalo na sa mga mata ng mga estudyente at guro sa school.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon