Leo
"sef wait lang, pwede bang magpahinga muna tayo kahit thirty minutes lang ha?" sabi ko sa kanya habang nakayuko at yung kanan kamay ko ay nakataas.
"iiiih...leo naman hindi pwede, ang dami pila oh."
"sef naman hilong-hilo na ako."
"leo naman. nahilo kana agad doon ah? ang hina mo naman dalawa pa nga lang nasasakyanan natin dahil sa sobrang haba ng mga pila sa bawat rides. kay leo tayo na dyan bilis na."
"sef roller coster at anchors away iyon." reklamo ko sa kanya.
sh*t! pakiramdam ko na iyon yung kaluluwa ko doon sa roller coster na iyon. Pamatay. bwiset.
"haay..kung sabagay namumutla ka, alam mo leo sign na iyan na tumatanda kana talaga." sabay ang tawa nito.
"de ayaw mo na sa akin ah?" bigla siyang na patigil sa pagtawa niya.
"tss.. ewan ko sayo. dyan kalang ah? ibibili lang kita ng maiinom ng mahimas - masan ka." sabay ng talikod niya.
kahit kailan asar talo yung babae na iyon. "haaay~ nakapagpahinga din." bulong ko sa sarili ko habang nagunat-unat.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa para tignan yung mga picture namin ni sef, ang kulit -kulit talaga niya at masaya ako na ganito kami. na walang ilangan na nabuo sa aming dalawa. Sa kotse palang panay na ang kuha namin dalawa. paano pa kaya yung iba siguro kailangan ko bumili ng isang usb na pang sa aming dalawa lang nang malipat ko lahat.
napangiti ako.
Napatigil ako sa kakascroll ng picture ng may makita ako na larawan namin ni sef na parehas kaming naka-headband ng micky at mini mouse. Ito yung ayaw ko magpakuha dahil ang panget parang bakla ko tignan kung isusuot ko ito, sempre 26 na ako tapos magsusuot pa ako nito, ang baduy diba? kaso mapilit yung isa at baka magayaw pa kami kaya iyon, no choice sinuot ko na at nagselfie na kami.
Hindi naman pala ganun kapanget, kung tutuusin nga ang cute namin dalawa dito. Magawa na nga lang wallpaper.
napatingin ako sa relo ko nang matanto ko na hanggang ngayon pa pala ay wala pa si sef, aish! saan naman kaya nagsusuot iyon. eh, iyon lang naman yung bilihan hindi din naman ganun kalayo.
napagdesisyonan ko ng tumayo mula sa kinuupuan ako para sana umpisahan nang hanapin siya ng bigla kong natanaw siyang naglalakad na may bitbit na batang babae.
"sef bakit may bitbit kang bata ah?" tanong ko sa kanya ng sinalubong ko na siya.
"ah.. eh, nawawala kasi siya, kaya iyon kinuha ko muna." sabi ng hindi siya nakatingin sa akin at nakatingin ito sa batang hawak niya para punasan yung pisngi.
"naitanong mo naman yung pangalan niya ah? ilan taon na din?"
"ang pangalan niya teerry daw pero tingin ko cherry iyon. Yung edad niya hindi niya alam-- leo pakibuhat nga muna nanga-ngalay na kasi ako." sabay bigay niya sa akin ng bata. "kanina ko pa kasi siya buhat nagbabakasakali ako na baka nandoon pa yung magulang nito."
"tingin ko nasa mga tatlo o apat na taon na siya.-- hi baby cherry. ako nga pala si kuya leo mo at ito naman ang fiance ko na si ate seferina." sabi ko kasabay ng pag-tap ko sa maliit niyang ilong.
ngumiti naman siya."leo! gusto ka niya oh.. tignan mo nakangiti siya. waaa-wow ang cute cute niya." mangha sabi ni sef. "kuhanan natin siya leo."
"ikaw kuhanan mo, pero mas maganda kung isama mo muna tayong dalawa diba? Para mas cute tignan. praktis lang ba." pakasabi ko nun na pansin ko na mula si sef.
"leo!"
"what?"
"anong praktis yang pinagsasabi mo ah?! mangilabot ka nga."
"alam mo sef doon din naman punta natin sa oras na maikasal tayo magka-kaanak ka sa akin hindi ba?" pilyong sagot ko sa kanya.
"aaah... aish!! wala ako naririnig. Tara na! bilisan mong maglakad ang bagal buset." sabay ang walk niya.
Tignan mo nga naman may instant one day baby kami. Mukhang nagbibigay na ng sign si Bro ah?? Huwag muna po. saka na madali naman pong gawin iyon, hintayin ko muna po na makagraduate at maikasal kami bago yung anak. Pero kung gusto talaga ninyo. eh, ayos din naman po sa akin.
ngumiti ako at tumingin kay baby cherry
"baby, kunin nalang kaya kita at ako nalang ang bagong dadi mo at iyon ang bagong mami mo?" tanong ko sa kanya. Pero imbis salitang 'Oo' ang isagot niya sa akin ay bagkus pinaliguan lang niya ako ng laway sa mukha at sabay ang bungis-ngis niya.
AN:
Sorry sa napakaikling UD, bawe ako sa next chapter.. wiieee.. sa ngayon kailangan na din matulog ni author may trabaho ako tomorrow itey! HAHAHA.
Goodnight guys! <3
behindOnmE
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...