Lesson 31

17.9K 305 9
                                    

Albert Pov

Napabalikwas ako ng bangon ng makailang ulit ko nang naririnig yung cellphone na tumutunog na wala manlang mag magandang loob na patayin ito. Umagang- umaga nabadtrip tuloy ako nakainom pa naman ako.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko para hanapin yung cellphone na kanina pang nagri ring nang matagpuan ko ito sa dinning table di kalayuan mula sa sala.

Calling Suzy'pretty. . .

Kay seferina ang cellphone nato bakit dito niya iniwan sa lamesa? Takang tanong sa sarili ko, Hindi na ako nag abalang sagutin ito bagkus sinalent ko nalang at sobrang nakakairita din kasi yung ringtone ni sef.

Ang panget!

Babalik na sana ako ulit sa sala nang mapansin ko yung pagkain nakahain sa lamesa at may note pa ito sa may gilid.

'Hi leo!

Hindi nakita inabala kasi alam ko naman na mahirap kang gisingin, lalabas lang ako ulit may nakalimutan kasi ako babalik din ako agad may pagkain at gamot kana din dyan para sa hangover mo initin mo nalang din yung pagkain mo okay.

P.s
Ubusin mo yang pagkain mo ah? Kahit binili ko lang yang miryenda sa baba. ^^

- love sef -

Hindi ko maiwasan na mapangiti sa nabasa ko first time ko lang din makatanggap ng ganito hindi ko mapigilan na kiligin sa sa ginawa ni sef.

Npatingin ako sa orasan at laking gulat ko na ala singko na pala ng hapon at ganun na pala ako katagal nakatulog halos hindi ko na ramdaman at napansin dahil na din sa kurtinang nakaharang sa bintana. Kung kanina badtrip ako. Pero ngayon, ewan ko ba bigla nalang ako na pangiti sa ginawa ni seferina hindi ko expect na lalabas siya para bumili lang ng gamot para sa hangover ko.

Ang baklang pakinggan pero kinilig ako sa ginawa ni seferina sobrang effort niya pag dating sa akin.

Sinimulan ko ng kainin yung pagkain na nakahain at ininom ko na din yung gamot na binigay niya at inayos ko din yung hinigaan ko para ibalik itong kumot at unan sa kuwarto ko. aayos ko na din yung kwarto ko at maliligo para maibsan yung sakit ng ulo at init ng katawan na nararamdan ko dahil sa hangover.

"Talagang tinapos na niya yung paglilinis dito." Ngiting na pailing nalang ako habang umaakyat na sa taas nang maisipan kong dumaan muna sa kuwarto ni seferina at laking gulat ko na nasa kwarto ito at mahimbing na tutulog.

Teka, Akala ko ba nasa labas siya? Bakit hindi ko man lang naramdaman yung paglabas pasok ni sef sa condo.

Anong oras pa ba siyang tulog? Kumain kaya siya?

Dahan dahan ako pumasok sa loob at lumapit sa kanya, gisingin ko kaya para tanungin? Kaso baka magalit naman sa akin ito. Hayaan ko na nga lang siya matulog mukhang bumabawe siya din siya ng tulog ngayon.

Napangiti nalang ako at yumuko para halikan si seferina sa noo at inayos ko na din yung kumot niya at lumakad na din ako palabas ng kwarto nito, isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon gaya ng sabi at pangako ko dati sa sarili ko ng ma hospital si sef hinding hindi ko na papakawalan itong babae nato.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon