Twenty-three
Andrea'Pov
"Andrea." Mahinang bigas niya sa pangalan ko. Sobrang saya ko ng magkrus ulit ang landas namin dalawa ni albert ang tagal ko siyang gustong gusto makausap at makita pero hindi sumasangayon ang tadhana para sa amin.
Ang laki ng pinagbago nito at ibang iba sa huli namin pagkikita kompara noong mga panahon na pilit niya nakikipagbalikan sa akin at nagtatanong ng paulit ulit sa kung ano ba ang kulang sa kanya, kahit wala naman itong kasalanan na ginawa sa akin. Alam ko, ako ang dahilan kung bakit tuluyan kami nasira at ang laki nang pagsisi ko kung bakit ko nagawang saktan at ipagpalit yung anim na taon napagsasama namin para sa saglitan na kasiyahan, sobra akong nagsisi sa desisyon na binitawan ko yung taong walang ginawa kung hindi mahalin ako.
"H-hi k-kamusta?" Utal na bati at tanong ko sa kanya, hindi ko maintindihan pero sobra akong kinakabahan simula ng unang pagkikita namin ni albert sa parking lot, hindi ko din maintindihan kung ano o paano ko sisimulan yung mga gusto ko sabihin sa kanya noon pa.
Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot kasabay ng pagkuha nito sa isang paper bag na binili nya sa canteen. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit at bahagyang lumapit sa kanya pero nilagpasan lang niya ako at ang sakit pala sa pakiramdam na balewalain ka lang ng taong mahal ko. "Mag usap naman tayo please." This time hinawakan ko na ang kamay niya, wala ako pake kung magiging mukhang desperada na ako ang mahalaga magkausap lang kami.
"Naghihintay yung fiancé ko sa labas." Walang emosyon na sagot niya sa akin at tuluyan kumalas sa pagkahawak ko sa kamay nito.
Totoo nga talaga na may fiancé na si albert gaya ng sabi ni jc ang bestfriend nito.
"Kahit sandali lang." Ramdam ko ang init sa sulok ng mata ko at parang ang sikip at bigat ng nararamdaman ko ngayon, kita ko ang pagbuntong hininga ni albert bago ito tuluyang sumagot.
"Sige. Ihahatid ko muna yung fiancé ko sa kuwarto nito." Pagsang ayon niya at tuluyan na ng lumabas sa canteen hindi ko mapigilan ang sumunod at sumilip sya din yung babaeng kasama ni albert sa parking lot kung saan kami unang nakita.
"Siya?"mahinang bulong ko sa sarili ko nang makita ko albert at ang fiancé nito na kapwang nakangiti sa isa't isa hindi ko inaasahan na siya lang ang ipinalit sa akin ni albert. Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko.
****
"Ang tagal mo naman, sino ba yung kausap mo?"tanong sa akin ni seferina ng maiabot ko yung pagkain niya. "Omg! Siya iyon ahh?!" Kita ko pa ang pagtaas at paghawak nito sa labi. "Yeah! She is." Walang ganang sagot ko naman. Naiinis ako kung bakit sa dinami-daming hospital sa manila dito pa siya naka assign at talagang dito pa kami nagkita. Nakakaasar!
"Sino ba yan? Ang lagkit makatingin sayo kahit non sa parking lot tayo, kaya siguro sumakit tiyan ko dahil sakanya." Hindi ko maiwasan matawa sa sinasabi nito anong konek ng gastroenteritis kay andrea? Pinagmamasdan ko lang siya habang kinakain yung tinapay na binili ko."Andrea. My ex." Sagot ko at umupo ng paharap sa kanya. "What ex mo siya?! Doctor ang ex mo!" Hindi ko maiwasan matawa sa reaction ni seferina na paulit ulit tumitingin sa puwesto kung asaan si andrea. "Bakit ka tumatawa? Buti nalang hindi siya yung tumingin saakin baka kung ano iturok saakin yan. Bakit kaba tumatawa? Nakakainis ka naman eh!" Reklamo niya kasabay ng pagtayo nito at mabilis naglakad. "Wait lang! Bakit ka nagmamadali? Yung dextrose baka mahulog." Tawag ko habang ibinabalik yung mga pagkain sa paper bag kasabay ng paghabol ko sa kanya.
"Doon ka sa doctor na ex mo!" Mataray na sabi sagot niya saakin ng mahabol ko ito at agad na hinawakan para maalalayan siya."Tignan mo ang kulit mo kasi may lumabas na dugo sa hose." Turo ko sa kamay niya pero hindi ako pinansin. "Ang cute mo pala kapag nagseselos." Pangangasar ko ulit sa kanya dahilan mapahinto ito at humarap sa akin. "Sino nagsabi sayo na nagseselos ako? Asa ka naman!" Mataray nasabi niya at naglakad ulit. "So, ayaw muna sa akin?" Hindi ko maiwasan magulat ng bigla ito lumingon sa akin at bahagyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Bahala ka sa buhay mo SIR!." Ngiting inis na sagot niya kasabay ng pagbitaw sa kamay ko at naglakad magisa.
Napangiti nalang ako at pinagmamasdan siya habang naglalakad habang bitbit ang dextrose niya. "Seferina wait lang." Tawag ko ulit sa kanya at hinabol ito.
Tahimik akong pumasok sa kuwarto ng matapos ko kausapin ang secretary ni tito alfred ang lolo ni seferina nagulat nalang ako ng bigla na patawag sa akin, si tanda pala ang nag sabi na naadmitted si seferina sa hospital. Pinaliwanag ko naman ang lahat sa secretary at pasabi na wag masyado magalala si tito alfred para sa apo niya dahil andito naman ako para magbantay, nagoffer din ito para magtra- transfer ng funds para sa hospital bills pero tinanggihan ko at sinabi na hindi naman kailangan at nabayaran ko na din naman ito. Nagpasalamat siya at nagpasabi na kapag may problema huwag daw magdalawang isip na tawagan siya para masabi agad kay tito alfred dahil nagalala din daw ito sa bunsong apo niya.
Gusto ko sana itanong kung bakit hanggang ngayon hindi pa din umuuwi si tito alfred para makita nito ng personal ang apo nito at gusto ko din sana itanong kung ano ba ang totoong dahilan kung bakit kami pinagkasundong dalawa? Kaso hindi ko din nagawang itanong hanggang sa tuluyan maputol ang linya.
Nilapitan ko si seferina na mahimbing natutulog ngayon sa higaan kasabay ng pagayos ko sa kumot nito. Hindi ko mapigilan ang sarili ako na titigan siya tsaka ko kinuha ang upuan para itinabi sa gilid ng higaan niya. Halos four months na din pala kami magkasama at aaminin ko na kahit puro sakit ng ulo kadalasan ang ibinigay niya sa akin hindi ko maitanggi na may part doon na nage-enjoy ako na kasama siya.
Kung ang dati nauumay na ako na sa paulit ulit na ginawa ko halos ayaw ko na umuwi agad sa bahay, at kung uuwi naman ako diretso tulog nalang ang ginagawa ko sobrang tahimik at ang boring ng buhay na meron ako noon. Hanggang sa dumating si seferina sa buhay ko na nagpagulo at nagpaingay ulit sa buhay ko. Kung dati ayaw ko uwian ang bahay ngayon naman mas nagmamadali ako makauwi dahil alam ko pagbukas ko ng pinto mukha at boses agad ni seferina ang sa salubong saakin.
At isa iyon sobra ko nagustuhan kay seferina na kahit sobrang ingay at pasaway man ito. Siya ang magandang nangyari sa buhay ko ngayon na habang patagal ng patagal nasasanay na ako nakasama siya araw- araw at mas lumalalim ang pagmamahal ko sakanya.
Bahagyang nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya dahilan na magdikit ang labi namin dalawa. Siya yung blessing in disguise na dumating sa buhay ko na hinding hindi ko na ito pakakawalan pa.
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...