Lesson 7

23.4K 398 0
                                    

“Seferina ayos ka lang? ”alalang tanong saakin ni ynah.

"Hala ano ginagawa mo sef?" Rinig ko ang boses ni suzy na para bang dismayado ito sa ginawa ko.

Naiinis ako kay leo ang ayos ayos ko nagpaalam pero tango lang talaga ang binigay niyang sagot saakin hindi man lang sya nagabalang tanungin ako kung saan at sino ang kasama ko.

Nakakainis talaga!

"Anne ano na gagawin natin naubos ni sef yung ginawang ni ynah." Pinilit ko tumingin sakanilang tatlo kahit  sobrang bigat pa ng ulo ko, napangiti ako sakanila two anne, two suzy and two ynah. "Bakit ka kasi nagtimpla yan ynah!" Sigaw ni anne kay ynah. "Bakit ako? Cocktail drinks lang naman yan at hindi din naman ganun kalakas ang tama, grabe ka naman!" Tumayo ako at nilapitan sila parang ang saya saya kasi nila tapos hindi nila ako sinasali.

Ang lungkot lungkot ko na nga dahil kay leo tapos ganyan pa sila.

"Grabe kayo hiik- hindi man lang ninyo ako sinasal-hiik li, hindi ba ninyo alam hiik- ang lungkot hiik- lungkot ko hiik-. " Hala! Ang galing bakit ganito ang boses ko. "Seferina umupo ka nga pasuray suray kana."rinig ko sa sabi ni suzy at hinawakan ako sa makabilang kamay.

"Lasing na talaga siya at mukhang may pinagdadanan ata."narinig ko nasabi ni ynah na parang bang natatawa pa ito.

"Manahimik ka nga ynah kasalanan mo to, bakit kasi nagtimpla timpla ka pa yan."

"Grabe ka naman anne hindi ko naman alam na lalaklakin ni seferina yung dalawang pictchel, buti nga may natira pa sa isang picthel. " Hindi ko alam bakit sila ganyan ni ayaw manlang nila ako isali sa ginagawa nila okay naman ako sadyang mabigat lang ang ulo ko.

"Kailangan na natin ihatid si seferina sa kanila." Sabi ni suzy na ngayon inaabutan ako ng tubig. "Sef inumin mo muna to. Bakit mo naman kasi inubos yung dalawang picthel nang hindi nagaaya." Sabay abot saakin ni suzy ng baso. "Isa kapa suzy!" Rinig ko inis na sambit ni anne.

"Ayoko nito hiik- gusto ko yung hiik- jucie." Sabi ko at ibinalik yung baso sakanila.

"Mukhang si seferina lang ang nagenjoy sa atin ngayon."

"Manahimik ka nga ynah nakukuha mo pang tumawa talaga?"

"Bakit ba kanina mo pa ako sinisisi eh, si suzy naman talaga ang nakaisip na yan sadyang mabait lang ako kaya ipinagtimpla ko kayo."

"Luh?! Bakit na damay ako, oo ako nga nakaisip lang pero hindi ko naman alam na totoohanin mo ynah. " Kita ko silang tatlo hindi ko alam kung nagtatalo ba sila o naghaharutan nalang, si ynah kasi walang ginawa kung hindi tumawa ng tumawa si anne at suzy naman parang problemado masyado eh, okay lang naman talaga ako sadyang parang umiikot lang ang paningin ko. "Okay lang ako hiik- lab byu ma pren hiik-" Kahit para bang umiikot ang paningin ko at ang bigat na din talaga ng ulo ko. Pero na gu- gustuhan ko tong pakiramdam ko ngayon.

"Hahaha! Lab byu ma pren" Sagot saakin ni ynah at hinawakan naman nito ang dalawang kamay ko at parehas na kaming tumatalon. "Ano ba yan ynah tigilan mo nga yan baka lalo pang mahilo yan. " Suway ni anne. "Ano ka ba anne hiik- sabi ko nga ayos hiik- lang ako." Sagot ko sakanya sabay hinatak niya ako kay ynah.

"Halika nga dito, ano ba ang exact address ng bahay ninyo sef ihahatid ka namin." Address daw ng bahay namin? Hindi pwede bawal magagalit si leo. "Seferina?" Tawag niya saakin ulit. "Shaaa malayooo hiik-" Natatawang sagot ko.

"Lakas din pala ng tama ni seferina."

"Tumigil ka nga ynah. "

"Guys ito yung phone ni seferina tumawag nalang kaya tayo at ipasundo sya anong oras na din naman. "

Wala na talaga ako maintindihan sa mga sinasabi nila naririnig ko nga sila pero parang ngongo naman sa pandinig ko tanging na intindihan ko nalang yung tanungan nilang tatlo "Sino si  unggoy na gwapo? "

****

Hindi ko akalain aabot kami sa ganito ni seferina at mas lalong hindi ko akalain na da-datnan ko siya lasing na lasing at kasama niya yung tatlong estudyante ko din. Ilang oras ako naghihintay ng pagdating niya dahil mag 11 pm na ng gabi ay wala pa ito. Nakatambay lang ako sa sala at hinihintay na magparamdam si seferina saktong tatawagan ko na sana ito nang magring ang phone ko at pangalan ni seferina ang lumabas, papagalitan ko sana ito pero noon mapakinggan ko ang boses ay hindi ito si seferina.

"Sir pasensya na po." Duet nilang tatlo.

Andito ako ngayon sa OneKtv kung saan sila nagsasaya at nagpapakalasing, hindi ko alam kung sino sa tatlo ang nakausap ko nagkagulatan pa kami nun pagbukas ko ng pinto sa ktv at makita ko silang tatlo habang si seferina naman ay tulog na sa kabilang couch.

Nakaupo ako sa round chair at silang tatlo ay nakaupo sa sahig naman na naka seiza sit na ngayon na akala mo parang a-among tupa, pinagtatakahan ko kung bakit si seferina lang ang lasing at ang tatlo ay normal naman.

"Uminom din kayo?"seryosong tanong ko sakanila na ngayon sabay sabay pa silang na pasinghap at nagtuturuan kung sino ang sasagot saakin. "Ang totoo yan sir hindi pa po pero nagbabalak palang po sana kami kaso.." Utal at kabadong sagot ni anne saakin.

"Kaso?" Takang tanong ko.

"Ano sir. Ano po inubos na po lahat ni seferina, pero nagtira pa naman po siya mga 1/4 po sa pitchel." Sabat ni ynah na nagaalangan pa ito habang hinihimas himas ang ulo niya.

"Pasensya na po talaga sir. Hindi po namin talaga akalain na kayo yung si-" Pagputol ni suzy at tumingin ito kay ynah na halatang pinipigilan pa nito matawa.

"Sasabihin ba ninyo o ibabagsak ko nalang kayong tatlo sa subject ko." Pananakot ko sa kanilang tatlo, pero wala naman akong planong gawin iyon since pare parehas naman kami nasa labas na ng school.

"Ano siir! kayo po kasi yung nasa emergency call ni seferina ano po number 1. Tama! 1 po iyon! Kayo po si -- unggoy na gwapo. " Tuloy tuloy na paliwanag ni ynah na saka inabot saakin ang cellphone ni seferina.

Napa faceplam nalang ako sa narinig ko at sa nakita sa phone ni seferina, tama nga sila unggoy na gwapo ang nakalagay at ako ang nasa emergency call nito pero. Seriously? Napaka ganda ng pangalan ko Albert Leo tapos ilalagay lang niya na Unggoy na gwapo.

"Sorry po sir hindi naman po namin akalain na uubusin po lahat ni seferina iyon, huwag po sana ninyo kami ibagsak." Pagbasag ni suzy ng katahimikan.

"Wala akong planong gawin sainyo iyon." Halatang nagkaroon ng mga sigla ang mukha nila nun sabihin ko iyon. "Maiba tayo, pwede ba tumayo na kayo dyan at umupo kayo sa kabilang couch."Mabilis naman nila itong sinunod.

Hindi ko naman sila pwede pagalitan or pakielaman pa dahil mga nasa tamang edad na sila at pwede na nila gawin ang uminom talaga, ang tangi ng pinoproblema ko nalang ay paano ko lulusutan ito dahil kahit hindi nila sabihin saakin alam ko palaisipan sakanila kung bakit ako andito ngayon sa harapan nila.

"May pakiusap lang ako sainyong tatlo." Mabilis silang tumango at talaga nakatitig lang ito saakin. Wala na ako magagawa at na corner na kami kailangan ko nalang talaga ang magtiwala sa tatlong ito.

"She's my fiancié." Dugtong na sabi ko dahilan na ikinagulat nilang tatlo.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon