"Your name is abby right?" Walang ganang tanong ko habang pinapaikot ikot yung spaghetti sa tinidor ko. Parang gusto ko nalang maging bata ulit at mag color color nalang.
Hindi ko maiwasan na mainis sa sarili ko dahil ako pa mismo ang nagpumilit kay leo na magusap sila ni andrea kahit nilalamon ako ng selos at insecurities ko wala din naman ako magagawa mukhang importante din kasi yung paguusapan nila talagang sinadya pa niya si leo sa condo nito, saka maganda na din iyon baka need na nila ng closure.
"Yes. And you're tita seferina." Napangiwi ako sa sinabi ni abby.
"Ate nalang. Ate sef bata pa naman ako." Pilit at alinlangan akong ngumiti sa kanya.
"Mag seven years old na po ako, why are you together with tito albert?" Curious na tanong niya habang sinasawsaw ang fries sa chocolate sundae nito.
"Girlfriend niya ako." Kinikilig na sagot ko sakanya habang hawak hawak ko pa ang pisngi ko.
"Really?! Sabi mo po bata kapa and tito albert is already old na po. Paano po kayo naging mag boyfriend and girlfriend?" Namilog ang mga mata na para bang hindi makapaniwala.
Ngiwing umiling ako sa kanya, paano ko ba ipapaliwanag sa kanya yung age doesn't matter alam na ba niya iyon?
"Ano. Paano ba? Yung edad ko kasi pwede na magboy friend ganon hehe.. Ikaw parang super close kayo ni tito albert ah?" Pagbabago ng topic at baka biglang mag boyfriend to kasalanan ko pa.
"Yes!!! I love tito albert so much. He always bring me pasalubong and take care me when mommy and daddy going to vacation." Proud na proud na sabi nito habang kumukumpas pa ang maliit na kamay nito.
Hindi nga? Mahilig siya sa bata? Marunong siya magalaga ng bata? Husband material pala tong si leo hindi man lang sinabi, hindi ko tuloy maiwasan isipin paano kapag nagka baby na kaya kami - Siguro hands on din siya sa amin ng anak niya. Grabeee! Kinikilig ako.
"Ate sef why are you blushing?" Bumalik ako sa wisyo ko at wala sa sariling na palingon sa starbucks kung saan sila leo at andrea naguusap.
Ang tagal naman nila magusap halos magiisang oras na kami dito ni abby na naghihintay nawalan na din ako ng ganang ubusin tong spaghetti.Tumingin ako kay abby na abala pa din sa pagkain ng fries at sundae niya habang kumakanta pa ito ng hindi ko masyado maintindihan.
"Abby mukhang matatagalan pa sila tita andrea at tito albert mo magusap, gusto maglaro muna tayo? Timezone tayo." Galak na pagaya ko sa kanya habang siya naman ay namimilog ang mga mata at mabilis na tumango.
"Yehey!! I like you na po ate sef. Timezone! Timezone."
***
Andrea Pov
"ano ang plano mo yan?" tanong ng kapatid ko. "Si abby." tipid na sagot ko. Gaya nga ng sabi ko si abby ang gagamitin ko to get back albert again. Marami na akong naiisip na pwedeng gawin pero hindi ko pa alam kung kailan ko sisimulan.
"Ano meron kay abby?" takang tanong nito sabay humarap saakin, nasa dirty kitchen kasi kami ngayon nagluluto para sa dinner namin at sa tingin ko pauwi na din si kuya roland my sisters husband.
Halos kakauwi lang namin ni abby after namin magusap ni albert ang sakit makita na bawat titig niya sa akin ay hindi na tulad ng dati, para bang hindi na kami magka kilala kung papaano niya ako tignan. Hindi ko akalain na magkasama na sila ng bagong babae niya at hindi ko halos matanggap iyon. "Si abby yung gagamitin ko para makuha ulit si albert ate." Walang ganang sagot ko at kitang sa mukha niya ang pagkagulat. "My God! Andrea si abby pa talaga ang gagamitin mo for you're own sake, anong kabaliwan yang naiisip mo?!" sigaw na sambit nito. "Ate for the mean time lang naman saka hindi naman siya masasaktan and besides mukhang mage-enjoy pa nga si abby na kasama yung girl-" napahinto ako sa sinasabi ko.
Shit!!!
"Anong girl? Nako.. andrea diretsuhin mo nga ako kung hindi kakalbuhin talaga kita!" sabay angat niya ng kutsilyong hawak niya. "Girlfriend ni albert, gustong-gusto kasi siya ni abby."pagiwas ko ng tingin sa kapatid ko.
Nkakainis kapag naiisip ko yung babae na iyon kumukulo yung dugo sakanya, hindi ko din maintindihan kung pa paano siya nagustuhan ni albert. "Andrea may girlfriend na pala yung tao bakit kailangan mo pangguluhin? Hindi ko gusto yang plano mo at hindi kita kukunsintihin sa ganyan, kaya kung ako sayo hanggang maari tigilan mo na yan kahibangan mo." Panenermon ni ate sa akin."Pero ate kaya nga ako nagdesisyon na umuwi dito sa pilipinas para ayusin ko yung problema ko diba?" pagsmirk ko sakanya at sinundan ito. "Oo alam ko, andoon na tayo. Pero wala akong sinabi na maninira ka ng isang relasyon andrea." Paliwanag niya habang inaayos yung mga plato sa lamesa.
Nakakainis naman ang dami ko na nga dahilan pero mas marami siyang sagot, akala ko ba tutulungan niya ako na maayos yung problema ko? Siya pa nga ang nagpauwi sakin dito sa pilipinas at nagpayo na ayosin ko yung pagitan namin ni albert tapos ngayon, manenermon siya na akala mo nanay ko siya kainis!! Dapat pala hindi nako pumunta dito nagbar nalang sana ako at least doon mageenjoy pa ako.
"Pero diba sabi mo tutulungan mo ako? Kaya nga umuwi ako dito kasi ikaw ang nagpauwi saakin."pagdadahilan ko ulit sakanya. "Oo hindi ko itinatanggi sayo iyan, pero ang akin lang tutulungan kitang makipagayos kay albert pero wala akong sinabi sayo na tutulungan din kitang sirain kung ano na ang meron si albert ngayon. Pagisipan mo naman yan matalino ka andrea pwede ba, ikaw din naman may kasalanan kung bakit kayo naghiwalay." Mahabang paliwanag nito sabay pagtalikod saakin.
Arg! kainis.
Hindi na ako nagabalang sumagot sa kanya dahil may point naman kasi sya pero ayaw ko naman isuko si albert na gnun nalang, alam ko at ramdam ko na meron pasiyang natitirang pagmamahal sa akin sadyang andoon lang kasi yung babae niya kaya hindi niya ako makita na ako pa din ang mahal niya. "Abby tara na dito kakain na tayo malapit na si daddy dumating." tawag niya kay abby. "At ikaw." sabay turo niya saakin "Ayusin mo yang sarili mo pwede! Hindi pa din naman ako umaatras sa pangako ko sayo na tutulungan kita kay albert na magkaayos kayo. Osya maghugas kana ng kamay mo kakain na tayo." sabay baba niya ng bowl ng kanin sa dinning table. tumango nalang ako bilang sagot sakanya hindi ko naman pwede kontrahin tong kapatid ko kung hindi kami naman ang magaaway dalawa.
"Huuuwoow-- Daddy!! welcome back." salubong niya sa daddy niya habang tumatalon-talon pa.
"Andyan ka pala andrea buti na pa bisita ka dito?" sabi ni kuya roland sabay buhat kay abby. Ngumiti lang ako bilang sagot. "Hi hon, musta work? Tara na nakahain na yung pagkain." bati ni ate kay kuya roland with matching kiss pa sa lips duh! kailangan pa ba talaga nila gawin iyan habang nasa harap ako. Napakasuwerto ni ate sa pamilyang binuo niya at hindi ko maiwasan ang hindi mainggit sa sarili kong kapatid.
Ako. Ito ako ngayon na ilan beses nang tinantanong ang sarili ko kung magkakaroon pa ba ako na gangyang klaseng pamilya? Minsan hindi ko maiwasan ipagkumpara ang sarili ko sa sitwasyon namin ni ate. Oo, nakakaiinggit sobra-sobra kung hindi ko iniwan si albert at kung hindi ako naging selfish siguro ganito na din kami ni albert ngayon. Kasal at may anak na katulad ni abby at sigurado ako magiging isang mabuting ama si albert dahil si abby pa nga lang ay naalagan na niya ng mabuti kahit hindi naman niya ito kadugo paano pa kaya kung sariling anak na namin.
Ang sarap lang isipin na sana katulad din ako ng kapatid ko ngayon na masaya at kuntento na, pero hindi ko na kayang ibalik yung gabing nakita niya ako para itama yung katangahan na ginawa ko. Pinagsisihan ko na ang lahat at mahal ko pa din pala sya kaya gagawin ko ang halat para bumalik lang ulit sa akin si albert sa kahit anong paraan dapat ako lang at ako lang ang mahal niya.
What andrea wants. Andrea will get it.
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...