Lesson 32

18.4K 333 3
                                    

Albert Pov

Nandito ako ngayon sa desk ko sa may faculty may mga tinatapos lang ako para sa school year end malapit na din kasi yung graduation ng mga senior high school pero bago yan school festival muna. "Leo anong booth ang tinayo ninyo?" tanong saakin ni jc. "Hindi ko pa alam sa mga bata na iyon masyadong marami silang gustong itayo kaya iniwan ko muna sila at yung class president yung inutasan ko para i-settle iyon." paliwanag ko sakanya tumango tango lang siya bilang sagot at lumakad siya papuntang sa desk nito. "Nakapagpasa kanaba kay ma'am anabelle sa mga hinihingi niya?" tanong niya ulit saakin habang lumalakad naman siya papunta sa water dispenser para kumuha ng maiinit na tubig.

"0o nakapagpasa na ako pero hindi pa naman kompleto iyon, marami pa din kulang." sabi ko sakanya pero yung atensyon ko nakafocus pa din sa laptop ko. "Nakumpleto muna ba sayo?" tanong ko sakanya pero hindi niya ako nagawang sagutin bagkus umupo lang ito sumandan sa swivel chair niya.

ano ba problema ng mokong nato? Parang depressed ata ngayon.

"May problema ba?" napatingin siya saakin at ngiwing sumagot. "oo pre, malaki." ano nangyari sa kanya, nagyon ko lang nakita na namoblema itong lalaki nato. "bakit ano ba iyon?" tanong ko sakanya at tuluyan na ako humarap sakanya. "auhm... Promise saatin muna to pero dapat huwag kang magpapahalata na may alam ka ah?" kumunoot yung noo ko sa sinabi ni jc sakin.

hindi ba nagdru-drugs to. "umamin ka nga saakin nakadrugs ka ba?" seryosong tanong ko sakannya.

"GOGO!!!" Sabay binalibag niya saakin ng record book niya.

sempre dahil sa magaling ako kaya naiwasan ito. "Same to you!!" Sabay dampot ko ng record book niya at nagsmirk lang siya saakin nakinuha ito saakin. "Ano ba kasi problema mo ang dami mo pa kasing sinasabi kung deretsohin mo nalang ako?" inis na sambit ko.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "May nangyari saamin ni- - -"putol niya sabay iwas ng tingin saakin. "Selestina.." pagpatuloy nito

Sus si selestina lang pal-- WHAAAT?!!! Si tina panong nangyari iyon? Sila na bang dalawa?

"GAGO KABA SI TINA IYON! SERYOSO KABA DYAN SA PINAGSASABI MO?" Sigaw ko sakanya. "Sssh!!!! Huwag ka nga maingay dyan may makarinig sayo baka nakakalimutan mo may nakaka kilala pa din kay selestina dito." Inis na sagot niya saakin.

"Gago ka pala sa nagulat ako paanong nangyari iyon? Kayo ba? Nagkaaminan na ba kayong dalawa?" Susunod -sunod na tanonng ko sakanya. Parang hirap kasi paniwalaan iyon I know tina na napaka arte sa katawan nung babae na iyon lalo na kay jc, madikitan nga lang siya akala mo magkakasakit na.

Kaya paano na sila humantong sa ganun.

"Nagumpisa iyon yung nagrequest si seferina na isabay ko yung ate niya pauwi nun naginom tayo last few days ago." Malumalay na sambit niya  "Sh*t ka jc! Sinamantala mo yung kahinaan ng babae." Inis na sambit ko sakanya. Hindi ko maiwasan magalit sakanya sobra ako nanggigil grabe! Bakit naman niya ginawa iyon?

"Tsk! Pwede ba leo makinig kamuna kung alam mo lang kung anong pigil ang pinaggagawa ko kaso dude lalaki ako at hindi ako santo." Iritang sabi niya saakin. Natahimik ako sa sinabi ni jc. Sabagay may point naman siya doon hindi ko naman alam ang buong storya nilang dalawa.

Napabuntong hinanga nalang ako at sumandal din sa swivel chair ko.

"Sige tell me the whole story. Makikinig ako." Sabi ko sakanya na deretso akong nakatingin sa mata niya.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon