Lesson 16

20.4K 336 3
                                    


Sixteen

Albert Leo

Andito ako ngayon sa clinic ng hotel at tahimik na nagbabantay kay seferina na mahimbing natutulog sa higaan halos hindi pa ako nakakabawi ng tulog mula ng nalaman ko ang nangyari kay seferina.

Sa totoo lang sobra akong kinabahan at nagaalala para sakanya ni hindi ko alaman kung ano ang dapat kong gawin o unahin para mapadali lang yung paghahanap sakanya.

Iniwan ko lang siya saglit para kausapin muna si ma'am mia regarding sa school activities nagaganapin ulit sa school sa oras na makabalik na kami sa manila. Nakita ko pa sila magkakaibigan na sama samang umalis papuntang camp site kaya hindi ko talaga akalain na sasabihin nila saakin na wala si seferina.

I sigh.

‘Kahit kailan talaga seferina. Troublemaker ka.’ Bulong na reklamo ko kasabay ng pagbaba ko ng libro sa lamesa.

Flashback

*Phone ring…*

"Anak ng- sino ba kasi to?!” tanong ko sa sarili ko sabay hablot ng tuwalya na nakasabit sa towel holder kasabay ng paglabas ko sa cr.

Nandito na ako ngayon sa kwarto namin ni jc at dito din agad ako dumiretso pagkadating na dating namin ng team sa hotel.

Magaling ang team ko nila kaya naman kami ang unang nakauwi.

Lumakad ako papuntang sa kama para kuhanin yung cellphone ko na nakalagay sa mini cabinet sa gilid lang nito, kanina pa kasi tunog ng tunog hindi ko alaman kung bakit tawag ng tawag pa din.

*Caller Jc * 

“Ano problema nito?” Tanong ko sa sarili ko kasabay ng pagsagot ko.

[ Problema mo?] Iritable na tanong ko.

[ Asan ka ngayon? ] Napatingin ako ulit sa phone ko para siguraduhin kung si jc nga ba ang tumawag nakakapagtaka lang kasi biglaan seryoso ng boses nito.

[ Nasa kwarto ako naliligo! Bakit ba kasi? ]

[ Pre bumaba ka muna ngayon. ]

[ Bakit ba? Mamaya na magbibihis muna ako. ] kunot noo sagot ko kay jc.
 

[ Pre si seferina. Hindi pa din bumabalik hanggang nagyon, kanina pa kami naghahanap pero wala talaga siya--] hindi na ako nagabalang patapusin si jc sasabihin pa nito nang binababa ko na agad yung gara call. Hindi ako makapaniwala, para akong binuhusan ako ng balde balde na yelo sa narinig ko sakanya.

“Leo.” Tawag saakin ni jc.

“paanong hindi pa din siya bumabalik hanggang ngayon?! Magkakasama sila dapat ng mga kaibigan nito!” frustrated na tanong ko sa kanya.

“Pre relax lang.” Sabi niya habang nakataas yung kamay nito paharap sa akin. “Paano ako makakapagrelax kung may nawawala at ang malala si seferina pa! Asaan ba yung tatlong kaibigan niya?”

“Sila anne, suzy at ynah nagumpisa na sila maglibot sa labas mismo ng resort kasama ang isang empleyado, ganun din sila lance at yung tatlong empleyado ng resort ang kasama niyang babalik sa camp site para doon sila maghanap.” Malumalay na sambit nito.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon