Lesson 21

20.6K 282 3
                                    

Twenty-one

Albert Leo

"Pupunta na ako ng canada albert." Seryosong sabi niya kasabay ng paghinto ko sa pagkain, yung ngiti ko na kanina pa na nakaukit sa mga labi ko ay bigla nalang naglaho. "What's wrong?" Pagaalala ko.

"Pinapa- punta na ako ni mommy sa canada and she also offer me to continue my study in canda." Hindi ko alam kung ano ba dapat ko isagot sakanya o ireact ko para akong na pipi bigla.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ito."Babe, what if you go with me in canada? Doon nalang tayo for good." Masayang suggestion nito na kabaligtaran naman sa nararamdaman ko ngayon.     

No. Hindi pwede. Andito si lolo at hindi ko maaring iwan magisa iyon kahit pa pumayag man sya hindi ko pa din ako papayag magisa siya.

Humarap ako sakanya at pilit kong ngumiti sa kanya."Babe I can't. Hindi ko maaring iwanan si lolo at kahit na pumayag man ito hindi ako mapapanatag at sigurado ako na uuwi pa din ako sa pinas to see and check him.

"Pero babe." I try to calm myself down ayoko maramdaman na niya na pinapipili ko siya. "Pangarap mo yan diba? Meron naman messenger and viber para makapag video call pa din tayo." I took her hand and kissed it. "Promise bibisitahin kita doon. Okay?"

Ramdam ko na hindi niya gusto ang sinabi ko po pero ito na ang pinaka magandang paraan to protect our relationship together.

Mas okay na din ang naisip ko, kakayanin ko kahit masakit mahiwalay sa taong mahal ko.

Mabilis lumipas ang araw nakagraduate na kami at kasabay nun ang pagre-review ko naman para magtake ng board exam. Kahit halos wala pa akong tulog dito agad ako dumiretso sa airport dahil ngayon aalis ang taong mahal ko. Kung busy ako busy din siya, marami kasi siyang inaayos sa school at sinabay na din ang pagkuha niya ng visa para sa canada. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya habang kausap nito si tita sa phone her mom, siguro nagsabi na siya na nasa airport na ito.

"Babe paano ako aalis kung ganyan yung itsura mo?" Pagkuha niya ng attention ko. Ngumiti ako kasabay ng paghawak ko pisngi niya "Sorry babe. I can't imagine na ngayon kana aalis. Sobrang mamimiss kita."

"Ako din naman mamimiss kita ng sobra-sobra." Kasabay ng paghalik niya sa akin.

Naputol nalang ito ng marinig namin ang announcement na tinatawag na sila. "Babe I need to go. magingat ka dito okay." Paalala niya sa akin kasabay ng pagpisil sa kamay ko.

"No babe. Ikaw dapat ang magingat doon, please call me asap if andoon kana and kung may hindi maganda nangyari Please." Ngumiti ito. "I will. I love you babe." And she gave me a quick kiss.

"I love you more babe."

Tumalikod na siya at lumakad papalayo mula sa akin tinitignan ko lang ang bawat hakbang nito. Nun malapit na ito pumasok lumingon pa siya ulit at kumaway hanggang sa tuluyan na sya pumasok.

"Tara na leo." Aya saakin ni jc. Nagpasama ako sakanya para ihatid si andrea sa airport at pasalamat talaga ako na papayag ko siya.

"Mabalis ang panahon dude, baka hindi mo nga mamalayan ang paguwi niya." Ngiting sabi nito kasabay ng pagakbay sa akin.

Tama si jc mabalis ang panahon. Kung magiging busy ako hindi ko talaga mamalayan ang oras at panahon na tumatakbo. Ngumiti nalang ako sakanya para makita niya na ako okay lang ako.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon