Twelve
Albert Leo
"May tawag dyan eh, Ano nga ba tawag doon--" Tanong ni jc habang animoy nagiisip kunwari. "Se- selos. Tama selos diba?" Sarcastic na tanong ni jc kasabay ng pagkunot ng noo ko.
Umagang-umaga lakas manginis ng tukmol nato.
"Bakit ba kasi ganyan itsura mo? Daig mo pa yung jelly jelly na boyfriend?" Mahinang panga-ngasar nito habang tumatawa.
Wala sa bokabularyo ko ang salitang selos.
Andito kami sa bus ngayon at yung kinakabuwisit ko yung sitting arrangement na ginawa ni jc kaya mukhang biyernes santo ang pagmumukha ko ngayon.
Kainis!
Pagtabihin ba naman si seferina at anthony hindi ba niya alam kung gaano ka playboy slash maniac yung bata na iyon, hindi sa pagiging judgemental pero ilan beses na din kasi yan labas pasok sa student disciplinary offic hanggang dean's Office umabot na din siya.
Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa kinauupuan nilang dalawa sa likod, baka magtake advantage pa siya kay seferina at subukan nya lang gawin iyon. Kung hindi makakaheram siya ng mukha sa aso.
"Wala sa bokabularyo ko ang salitang selos." Seryosong sabi ko.
"Talaga? Bakit hindi ka mapakali dyan at kanina kapa pasulyap-sulyap sa upuan nila sef? " Pangasar ulit na tanong.
Nakakainis tong lalaki nato ang daming alam masyado.
Bakit hindi pa kasi nags-stop over tong bus nato at sa oras magstop ito papalayasin ko yang anthony sa puwesto ni seferina.
"Jc tigilan mo ako ikaw ang may pakana nito, sino ba nagsabi sayo na ganyan yung sitting arrangement na gawin mo? Ang Dami-dami pewedeng pagtabihin ni seferina bakit yung mokong pa yan yung katabi niya." Inis na sermon ko.
Kanina ko pa gustong sigawan tong si jc pero hindi ko lang magawa dahil baka may makarinig sa amin dalawa at ang worst baka maging tampulan ng chismis to si seferina pa naman ang topic namin.
"Chillax lang pare. Hindi ka nga nagseselos. Oo ako nga ang gumawa ng sitting arrangement pero palabunutan naman kasi yan." Depensa nito habang pigil ang tawa niya.
Bahagyang tumayo ako para icheck ulit yung mga bata na may mga kanya-kanyang mundo at ang iba naman ay natutulog. Hindi ko maiiwasan ang hindi maptingin sa side nila seferina kung saan ito nakaupo.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko si anthony na abalang-abala ito sa kakapidot sa tablet nito. Nangmadapo ang tingin ko kay seferina na hindi maipinta ang mukha at para bang pinagpapawisan ito kahit malakas naman ang aircon sa bus.
Ano nagyari bakit?
"Sir mags-stop muna po tayo dito sa gasoline station. May mga bilihan ng pagkain po dito at mga restroom din po para makapagrelax muna po yung mga bata." Napalingon naman ako sa tourists guide na kausap ni jc.
"Sige po walang problema." Rinig ko na sagot ni jc sa tourist guide.
Sawakas kanina ko pa inaantay na magstop tong bus.
"Ano nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong ko kay jc na nakaharap sa akin at ngiting-ngiti na parang aso.
Hindi ko alam kung bakit siya pa yun kasama ko dito sa bus pwde naman si Ms. Mia o kaya si Ms. Anabelle. Bakit siya pa?
"Wala bakit masama na ba ngumiti ngayon? Tara na at magkape muna tayo pampakalam mo." Sabay talikod sa akin habang tumatawa pa ito.
Nakakainis naman tong araw ko sana naman pagdating namin doon sa paroroonan namin maganda na ang kalabasan.
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...