Present vs Past.
Seferina'Pov
"se-seferina? is that you?" napalingon ako sa babaeng tumawag ng pangalan ko at laking gulat ko kung sino ang nasa likod ng boses na iyon.
Si andrea.
"omg! Ikaw nga.. dito ka pumapasok?" gulat na sambit niya.
hindi anino lang ako, natural hindi ba halata sa suot kong uniform. tsk!
Pero sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung isagot sa mga oras nito, para kasi nalunok ko ng buo yung dila ko dahilan ng hindi ko makasagot sa kanya.
"hey?..."pagkuha niya ulit ng atensyon saakin.
"a....ah. o..oo dito ako pumapasok." Matipid na sagot ko.
bakit nandito ba tong babae nato?.
"really? Pero diba?, dito din pumapasok si albert?"takang tanong niya.
"oo.." walang ganang sagot ko sa kanya.
pake niya kung dito pumapasok din sa leo KO!.
"hmm....ok. so, senior high school ka lang pala." Mataray na sambit niya.
"yep! graduating."sagot ko sakanya.
"oh! I see... congrats. By the way nakita mo ba si albert ? kanina ko pa kasi siya hinahanap." mapangasar na tono na sambit niya saakin.
Nagtaka ako sa tanong niya saakin, Una. Bakit niya hinahanap si leo ngayon ? may usapan ba tong dalawa na magkikita sila? at Pangalawa. Hindi ako hanapan ng taong nawawala!
Nakakayamot kausap tong babae nato. Argh!
"hindi ko alam ko alam. Bakit hindi mo i-try hanapin sa faculty nila." Sarkastikong sambit ko.
Yung totoo yan. Alam ko naman talaga kung asan si leo sempre next professor namin yung lalaki na iyon kaya paano hindi ko malalaman saka imposibleng hindi ko malalaman, Ako pa basta pagdating kay leo updated ako hahaha.. kaya asa naman tong babae nato sasabihin ko sakanya. Duh!
"uy! Sef. andyan ka lang pala kanina pa kita hinahap gaga ka talaga, tara na late naman tayo yan mamayari talaga tayo kay sir albert nito." Sigaw ni suzy habang winawagay-wagay pa niya ang kamay niya palapit saakin.
sarap ilambitin patiwarik ng babae nato kainis!
Kung minamalas-malas ka nga naman, napa face-palm nalang ako sa ganiwang kagagahan ni suzy, sempre hindi ko din naman ito masisi kasi hindi niya alam, at itong babae na nakatayo sa harap ko ngayon napansin kong napangisi ito sa narinig niya kay suzy.
"uy? Sef.. ano na?" sabi ni suzy kasabay ng paghawak niya sa balikad ko.
"ah.. Si sir leo ba ang next prof. natin?" patay malisyang sagot ko.
Buset na babae nato. Laking pamahamak talaga. Aaah!!!
"mmm?? Nakalimutan mo agad? pero parang imposible naman ata iyon ah? eh, diba may copy --- adjhfk--.." hindi ko na pinatapos magsalita si suzy sa kung ano man ang sasabihin nito ng bigla ko nalang takpan yung bibig niya gamit ang kamay ko.
sigurado naman kasi ako na walang magandang lalabas sa bungang niya na maganda at mas sigurado ako na ipapahamak ko lang iyon.
Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong kaibigan na sobrang daldal.. aish!
"sige andrea. una kami may klase pa daw kami kay sir leo. Kung gusto mo makita puntahan mo nalang. Ge! Alis na kami."sabay hatak ko kay suzy..
( A/N: yung mga naka -italic po ibigsabihin lang po noon nasa flashback po tay noon bagong himatay si seferina. Magsasabi nalang po ako kung end of flashback na po.. ^_^ )
Fast forward. . . .
"bye bye.. sef. Una nakami ah.. alam namin na sinasabay kana ngayon ni sir albert umuwi ayyiieee" asar ng tatlo.
"magtigil nga kayo, may makarinig sainyo yan.."iritang sagot ko sakanila.
"asus! Kunwari lang yan, pero deep inside tuwang-tuwang yan." Sarkastikong sambit ni merriam.
napasimangot nalang akong humarap sa kanila. eh, sa lalakas nila mang trip ngayon at sa wala ako masabi kasi totoo naman talagang kinikilig ako. sobra pa, kasi sabay naman kami ulit ni leo ko nauuwi sa bahay NAMIN! haha.
pakiramdam ko nga na gusto na din ako ni leo ko ii.. *blush..blush*
"tignan mo oh.. nagd-day dreaming na agad. Hahaha" sabay singit naman ni suzy habang tuwang-tuwang mang asar.
patirin ko kaya to nang tumigil.. nakakadami na siya sa akin eh.
I gave her a killer LOOK....
"sef.." pagkuha ng atensyon ni anne saakin. Humarap ako sakanya at binigyan ko siya ng tingin na may pagtataka.
sobrang seryoso kasi yung pagtawag niya sa akin. eh, kanina lang nakikipag sa bayan pa ito makipagasaran.
"hmm?? bakit anne?" tanong ko sakanya na may kasabay na matamis na ngiti.
"sef. Kilala mo ba yung babae na iyon.?" Sabay turo nito sa direction kung saan ito nakatayo.
Sinundan ko lang ng tingin kung saan nakaturo yung hintuturo ni anne sa direction na tinutukoy niya. Laking gulat ko na ng makita ko naman ulit si andrea na pinagmamasdan kaming apat na palabas ng school habang siya naman ay nakatayo sa side ng kotse niya.
problema ba ng babae na yan? akala ko ba pupuntahan niya si leo ko at bakit ako yung hinihintay nito?
"kilala mo ba sef ? kanina ko pa kasi siya napapansin na nakatingin satin." Tanong ni anne
"oo.. ex- girlfriend ni leo." Tipid na sagot ko kay anne.
Tumingi lang saakin si anne nangseryoso na parang bang nagets na agad niya ang nangyayri.
"oy! Kayong dalawa tara na." sabi ni anne kayla merriam at suzy.
"ah? Pero anne ang aga pa ah? Uwing uwi kanaba?" sabi ni suzy sabay pout nito.
"may pinaluto akong pagkain kay manang Amelia., ayaw ba niyo tikman bagong recipe niya lang iyon."pagdadahilan ni anne.
"oh! talaga anne, sige tara na! bakit ngayon mo lang sinabi yan ah?" galak na sabi ni merriam.
"nagtatanong kaba?" inis na sambit ni anne.
"oo na. oo na..tsk!"
"paano ba yan sef. Mauna nakami sayo. magingat ka okay." May diin na sabi ni anne saakin.
Tumango nalang ako bilang sagot sakanya.. matalino si anne at alam ko na nakaramdam na agad ito sa kung bakit nandito si andrea ngayon. Kahit naman ako ramdam na ramdam ko na agad.
"eeeeeh!??????!!!! Hindi sasama si sef. Ah? bakit naman? Seferina naman sumama kana." Pagmamakaawa ni suzy.
"may lakad kasi kami ni leo ii.. pasensya na ah? bawe ako next time promise" pagdadahilan ko.
"huwag kana umepal suzy tarana't na at humayo na tayo huwag mo pakiealam ang love birds kung saan pupunta." Sabat ni merriam.
"sige sef. Una na kami byebye sayo hehe." Sabi ni merraim habang kumakaway kaway pa ito.
Ngumiti nalang ako bilang sagot sakanilang tatlo kasabay ng pagalis nila sa harap ko...
"pde ba tayo magusap sef? Yung tayong dalawa lang." sabi ng babae na nasa likod ko.
Humarap ako sakanya na may ngiting nakaukit sa labi ko kasabay ng pagtango ko bilang pagsaangayon sa gusto niya. Sa totoo lang kinakabahan ako sakanya hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang mangyari, pero malakas ang kutob ko na iisa lang ang gusto niya...
Ang bumalik ulit si leo sakanya....
****
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...