Lesson 50

18.2K 269 12
                                    

Albert leo

"seferina?" tawag ko sa kanya ng makapasok ako ng bahay.

"nandito ako sa sala." Dumiretso ako sa sala at bungad sa akin ang napakatamis na ngiti ni seferina.

Kung ganito naman ang lagi ko aabutan sa tuwing uuwi ako. Ako na ang magsasabi na sobrang swerte ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Hi." Ganting ngiti ko sa kanya kasabay ng paglapit ko. "sorry hindi kita na sundo, si tanda kasi eh." Ngumit lang sa akin si sef.

"ano ka ba ayos lang, saka kaya ko naman mag commute no." Sabi niya habang kumakain ito ng popcorn. Kinuha ko ang throw pillow na nasa likod ko at inilagay lap ni sef.

"pahiga ako dito ah? Dito mo na ako hanggang makatulog ako." Pagod na pagod ako. Not in physically but rather in emotionally. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga sinabi ni tanda saakin kanina lang.

Masyadong mahirap tanggapin ang pinagdadaan ng dela vega ngayon, lalo na si seferina sa oras nalaman na niya ang totoo tungkol sa lolo niya.

"leo may problema ba?" tanong niya habang hinahaplos haplos ang buhok ko.

"wala pagod lang ako. Masyadong madaming tao sa restau ni tanda, kaya napatulong na din ako." Hindi iyon sef. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin lahat ng nalalaman ko. Ayokong masaktan ka, at higit sa lahat natatakot akong makita kang umiiyak.

5 hours later...

"eclampsia?" takang tanong ko kay tanda.

"Yes. Her mother die after giving birth kay seferina. Tumaas ang dugo ni sophia habang sinasalinan ito ng dugo. Nabanggit na din naman ng doctor na hindi na kakayanin ng katawan ni sophia ang blood transfusion at hayaan nalang ito magpahinga habang kasama ang bunsong anak nito sa tabi ni sophia, but samuel refused it. kaya na tuloy ang pagsalin ng dugo." Mataimtim na nakikinig lang ako kay tanda habang nagkukwento ito. Bakit hindi ko alam na may ganito pala nangyari sa mga dela vega. Ni hindi ko nakikita na malungkot si tina o kahit anong senyales kahit noong mga bata pa kami. "after 45mins bumigay na ang katawan nito at hindi na kinaya pa and she passed away." Napalunok ako ng banggitin ni tanda yung salitang 'passed away' naka-kakilibot. Hindi ko magawang ma-imagine, paano kung may isip na si seferina noong mga oras na iyon? Paano niya haharapin ang ganun sitwasyon. I know, kilala ko si seferina. Oo, masiyahin siya, optimistic at higit sa lahat pala ngiti na parang hindi nagkakaproblema ito. Pero masyado siyang fragile, crying baby. Kaya kapag nakikita ko siyang umiiyak palang; ako ang nasasaktan.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon