Four
"Teka! Saglit lang naman. Ano ba yang ginagawa mo?" Nabigla ako ng hawakan ako ni leo. "Malamig na sa labas at marami din akong bitbit, leo naman nagugutom na din ako." Pag pupumiglas ko. "Wait lang kasi, pwede tympers lang!" Iritang giit ko habang pilit na pumapasok sa loob.
"Walang pagkain dito, at pwede ba umuwi ka nalang sainyo kung maraming kang dalahin ni hindi mo nga alam kung pumapayag ako na dito ka mag stay saakin.--" Hindi naman kasi ako nagayos nito si nana kainis! Bakit ba siya nagagalit saakin. Pagdadahilan ko sa utak ko. "Para sabihin ko sayo. Hindi pa ako nasisiran ng ulo para patuluyin ka dito kaya kung ako sayo umuwi ka nalang." Alam ako inis na inis na siya saakin kahit pa pilit niya pinapakalma ang boses nito.
Hindi naman kasi ako may gusto nito hello!
"Bukasan mo to grabe ka naman!" Sigaw ko sa kanya kasabay ng pagkatok ko sa pinto.
Poor seferina poor.
Hindi ko naman siya masisi kung bakit ganyan niya ako pakitunguhan at naiintindihan ko naman, pero sana maintindihan din niya ako kasi parehas lang kami walang idea sa mga nangyayari!
Kainis!
Saan ba nagmana to?
AAAGGGRRR!!
Ang dami ko pa naman dalang gamit gusto ko na kumain at magpahinga pero heto ako parang pusang pinalabas sa bahay dahil may ginawang kalokohan. "Sige. Matira matibay tayo ngayon."
***
Albert LeoNakakaubos ng pasensya wala ba siyang balak tumigil kaka doorbell sumasakit na ang tenga ko, pati si tanda ang lakas mang gaslight parehas silang problema ko talaga. Bakit hindi nila i-try gumamit ng utak para malaman nila kung bakit ayaw ko siya patirahin talaga dito.
Tsk! Mga abnormal talaga!
Naiinis ako kay seferina hindi ba siya nagiisip babae siya at lalaki ako at pwedeng may gawin ako sakanya, ganun ba talaga siya ka komportable at kalaki ng tiwala na wala ako gagawin saakanya? Hindi porque kapatid siya ni selestina pero- tsk! Ano ba tong pinagiisip ko, wala naman ako plano at malaki ang respeto kay selestina at sakanya kahit puro sakit ng ulo ang binigay nito simula magkrus ang landas namin dalawa.
Bwisit! Silang magkaibigan ang punot dulo nito eh.
Andito ako ngayon sa sala nakaupo at nagiisip kung ano dapat bang gawin ko sa abnormal na iyon quater to ten, tama siya malamig na sa labas kahit hallway pa iyon. Natawagan ko na si tanda about dito kaso wala din nangyari wala din daw siya magagawa dahil ang may gusto nito ay yung lalo nila mismo ni selestina.
Meaning responsibiladad ko pa siya ngayon si seferina at ang nakakainis pa talaga yung mga bilin ni tanda saakin na alagaan ko daw ito at magbehave daw ako, napailing nalang ako habang naguusap kaming dalawa sa phone dahil alam ko na din naman ang tinutukoy nito.
Kailangan ko magisip dahil kapag may nangyari sa babae na iyan cargo de conciencia ko pa at parehas lang kami ang mahihirapan.
Kung bakit naman kasi bigla nalang sumusulpot yan!
No choice.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumakad papunta sa may pinto para i-check si seferina finally! Mukhang nagsawa na din ito kakapindot sa doorbell. Nakaupo na nakadukmo lang siya nangmakaramdam ako ng guilty sa ginawa ko. "Hoy pumasok kana sa loob baka sipunin kapa dyan, de kasalanan ko pa." Tumingala naman ito at binigyan ako ng isang ngiti dahilan na mapatitig ako sakanya na mga 5 seconds.
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
Roman d'amourOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...