Lesson 24

20.4K 334 0
                                    

Twenty-four 

Hindi ko na talaga nagugustuhan yung nakikita ko ngayon para siyang kabute na bigla nalang sumusulpot. Una sa parking lot, pangalawa sa hospital at pangatlo nasa school naman namin ito.

Tsk! Dami dami doctor siya pa talaga! Magpapansin lang yan kay leo eh.

"Layo ng tinginan natin dyan." walang ganang napalingon ako kay ynah.

"Bakit parang hindi ata maganda mood mo?" tanong nito kasabay ng pagupo niya sa tabi ko. "wala. gutom lang ako." sagot ko kasabay ng pagdukmo ko sa lamesa.

Andito kami ngayon sa may gymnasium ng school kung saan ginagawa yung medical at physical examination sa amin kasabay na din ng practicum ng mga nursing student.

Wala naman kaso sa akin kung dito nila napili magpracticum ang tanging kinaiinisan ko lang kung bakit sa dinami dami ng doctor sa ibang school o sa pilipinas eh, bakit si andrea pa ang kasama nila para mag-guide sa ganyan.

Kairita!

"Alam mo, kita mo ba yung doktora na iyon? Doon sa may bandang kaliwa." inangat ko ang ulo ko at sinudan yung hintuturo ni ynah na nakaturo kay andrea ngayon.

Hindi ko maiwasan mapakunot ang noo ko at lumingon kay ynah. "Bakit? Ano meron sakanya?"

"Ang ganda niya nuh, kaso sablay naman sa ugali." walang ganang sagot nito sa akin sabay ang inom niya sa coke.

"Paano mo naman nasabi?" takang tanong ko ulit sa kanya na ngayon kapwa kami nakatingin kay andrea habang may kinakausap itong student nurse na may hawak na clipboard. "magta- tatlong araw na sila dito, ewan ko kung nagkakataon lang talaga o baka sinasadya nalang."

"Anong ibigsabihin mo?" taas na kilay na lumingon saakin si ynah bago ito sumagot. "Aigooo seferina! Basta hindi ko gusto ugali ng babae na yan, naturingan doctor pa siya." ano ba pinuputok ng buchi nang babae nato.

"Ex-girlfriend ni sir leo yan." walang ganang sagot ko at binalik ko nalang yung tingin ko kay andrea ulit na ngayon nakangiting ina-assist yung mga students na dadaan sa physical examination.

"WEEEE??!!" kita ko ang gulat na mukha ni ynah habang ako naman ay tawang tawa sa itsura nito. "Seryoso ba yan? Ex ni sir albert yan, Wait! Hindi ko ma-imagine, paano natagalan ni sir yung ugali yan."

"Ang hard mo naman masyado. Tara na nga hanapin nalang natin sila suzy at anne." sabi ko sa kanya kasabay ng pagtayo namin dalawa sa upuan.

"Simple lang naman inutos ko sayo pero paulit- ulit tayo!" napahinto kami ni ynah ng marinig namin yung galit na boses at  sigurado ako na boses ito ni andrea.

"Pasensya na po doc na-nakalimutan ko po." utal at  kabadong sagot naman nito.  Ano naman problema kaya ng babae nato at  kung makasigaw sigaw nalang sa interm niya akala mo naman sobrang layo nila isa't isa.

"Pang apat na siguro siya sa mga nasisigawan ng doctor na yan, halatang masama ang araw kaya iba ang pinagbubuntungan-" patay malisyang untag ni ynah kasabay ng pagtingin ko sa kanya. "kawawang mga intern. Well wala naman tayo alam sa medesina siguro ganyan lang talaga kahigpit. Ano tara na? Nagugutom na din ako. " dugtong nito at tumango naman ako bilang sagot kasabay ng paglakad namin papalayo sa tent kung saan sila nakapwesto.

"Ano?! Kanina pa namin kayo hinihintay dalawa." sigaw ni suzy habang papalapit kami ni ynah sakanila. "Ang bagal kasi maglakad ni seferina." ang gaga ako pa talaga tinuro.

"Mukhang may iba sa mood mo sef." chismesora ng taon talaga tong si suzy.  "Ay nako! Nomomoblema sa ex." duktong na asar ni ynah.

"tigilan ninyo ako dalawa?" sabay ang smirk ko sa kanila, itong dalawa akala mo wala ako sa harap nila kung pagchichismisan nila ako.

"sef okay ka lang?" mahinahon na tanong sa akin ni anne. "Oo naman, malakas lang talaga sapak ni ynah." ngiting sagot ko sa kanya, aww buti  pa si anne naalala ako pero itong dalawa kainis sarap pagbuhulin.

Naka order na kami lahat lahat  itong dalawa nato panay ang dinaldal pa din akala ata nila sila lang ang magkasama." hep hep! Baka gusto naman ninyo itigil yan bunganga ninyong dalawa parang wala kayong kasama." pagpuna ko sa dalawa. "sus! Huwag kami sef, mamoblema ka nalang sa ex ng boyfriend mo." banat saakin ni ynah sabay ang halakhak nila ni suzy. Hays! Nagsama ang dalawang itlog!

Padabog ko kinuha yung coke in can sa lamesa senyales na pipikon na ako sa kanila dalawa pero knowing of them hanggang napipikon ka mas nag e-enjoy silang pikunin ka pa, kaya wala ka din choice. Bahagyang inikot ko yung paningin ko sa buong canteen at nagbabakasakali na baka makita ko si leo alam ko lunch break na din sila.

Na mi- miss ko na baby ko.

Napatigil yung paningin sa may entrance ng makita ko yung sobrang familiar na babae na nakatayo doon. Teka! Bakit andito yan? Bakit hindi ko alam na uuwi siya? Kailan pa?

Dahan dahan ko na ibaba yung coke in can sa lamesa kasabay ng pagtayo. "Ate tina!"  tawag ko sa kanya nang makuha ko ang atensyon nito.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon