Albert Leo.
Tatlong araw. Tatlong araw na ako hindi mapakali.
Kung dati araw araw ako sinasalubong ni seferina sa bahay sa tuwing nauuna ito umuwi o' di kaya nagagawa na din niyang sumabay sa akin umuwi.
Pero ngayon. May nagbago. Alam ko iyon na raramdaman ko. Sa tuwing umuuwi ako pagkatapos ng klase ko wala nang seferina na sumasalubong sa akin.
Noong isang araw sinubukan ko siyang katukin sa kwarto niya pero hindi naman ito sumasagot.
Argh!
Ano ba ang nangyayari?
"leo. Ang lalim ng iniisip mo ata? Kape oh." tanong ni jc sa akin kasabay ng paglapag nito sa lamesa ko ng kape.
"thanks." tipid na sabi ko sa kanya.
"problema? Wala ka sa mood. Nagaway ba kayo?"
Bahagyang tumango ako."pero hindi naman kami nagaway." pagbawi ko.
"hmm.. So, ano ang problema?"
Kinuha ko ang kapeng ibinigay niya sa akin at dahan dahan itong ininom bago ko siyang sagutin."hindi ko din alam. Tatlong araw na kaming hindi nagpapansinan- i mean siya pala. I try to talk to her but, wala eh. Mukhang sadyang iniiwasan talaga niya ako." walang ganang sabi ko sa kanya kasabay ng malalim na paghinga ko.
"nomomoblema kana a? Mukhang magandang sign iyan. Mahal mo na." lumingon ako kay jc na ngayon ay nakaharap na ito sa akin.
"hindi ko alam. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko."
"leo hindi na tayo bata para sa ganyan. Siguro maiintindihan ko pa yan kung kay seferina ko iyan narinig. Pero sayo, mukha tanga lang." mahabang paliwanag nito sa akin habang pinapaikot ikot niya yung ball pen sa kamay nito.
Gusto ko sanang sagutin at batuhin siya ng lesson plan na ginagawa ko pero na paisip din ako na tama siya. Tama siya kasi totoo naman na hindi na ako bata para hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko.
Alam ko naman. Pero natatkot akong aminin sa sarili ko.
Natatakot ako na sa oras umamin ako. O may ipakita ako. baka may biglang mawala.
"leo. Marami na kayong pinagdaanan. Alam ko iyon. Nakita ko, yung paano ka magalala para sa kanya. Oo malaki talaga ang age gap ninyo pero hindi naman mahalaga iyon kung alam mo talaga na doon ka sasaya sa kanya."
Hindi ko magawang makasagot sa mga sinasabi niya. Para bang may bumara sa lalamuna ko.
"natatakot ka ba dahil sa sabihin ng iba? O natatakot ka para kay andrea? Mahal mo pa ba?"
"No! Hindi. Matagal na kaming tapos." mabilis na sagot ko.
Nagsmirk lang ito sa akin. " O' de kung ganun, natatakot sa sabihin ng iba? Alam mo. Simpleng bagay nalang masyado mo pa pinalalaki. Kaya hindi na unlad ang pilipinas tsk!
Ganito nalang, isipin mo nalang. Kung uunahin mo isipin yung sasabihin ng ibang tao bago si seferina. You think magiging masaya ka bago mo pa mapagtanto kung kailan wala na. Payong kaibagan lang pre, sundin mo yung kung ano yung nararamdaman mo at kung saan ka magiging masaya. Kasi kung masasaktan ka bandang huli- dadamayan ka ba nila kapag nasaktan kana?" naramdaman ko na tumayo si jc sa upuan niya. "o paano mauna na ako sayo may klase pa ako. Albert leo. Alam ko na mahal mo na si seferina. Pero konting tapang naman dyan! Hindi yung ikaw pa yung babae. Tsk!"
Tumango nalang ako bilang sagot.
Aaah! Nakakainis!
Hindi dahil kay jc, kung di dahil sa sarili ko! Bwisit!
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...