"asaan kana ba kasi sef? Alam mo kanina pa kita anatay mula sa parking lot."
"sorry leo nakalimutan ko na nagsabi pala ako sayo na sasabay ako. Sorry talaga," napabuntong hinanga nalang ako sa narinig ko sa kanya.
Seferina naman! Hindi na talaga siya nagsawa na inisin ako. Siguro kung ibabalik yung dati na wala ako nararamdaman sa kanya malamang sa malamang nasigawan ko na siya dahil sa ginagawa niya sa akin.
Kaso hindi eh, mahal ko na!
"haay.. Seferina, sige na. Huwag kana aalis dyan sa bahay hintayin mo ako. Bye."malumalay na sabi ko sa kanya.
Wala na rin ako sa mood mangsermon, siguro naubos nalang talaga ang lahat ng inis at galit ko kay andrea.
"sige bye bye ingat ka sa pagmamaneho I...iloveyou."napangiti ako dahil sa narinig ko at tuluyan ng naputol ang linya.
~*~
"leeeoooo!!!" salubong sa akin ni seferina nang makapasok sa unit ko.
"hmp.. Maka-Leo ka. Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka saakin." Sabi ko sa kanya kasabay ng pagpitik ko sa noo niya.
"ARAY!! Ang sakit nun ah." Sabi nito habang hinihimas himas niya yung kanyang noo.
"bagay lang sayo ya- " hindi ko natapos yung sasabihin ko ng mapansin ko yung mga papel na nakalat sa lamesa sa may sala.
"seferina ano naman tong mga kalat mo ah?"
"ah..eh.. Yan ba?! Wala lang yan! Diba leo maglilinis ka pa ng katawan mo? Dali dali umakyat kana sa kwarto mo." Sabi niya habang itinutulak niya ako papunta sa hagdanan.
Bakit ang weird niya ata?
"oo sige na. Aakyat na ako, ilabas mo nalang yung manok sa freezer para lumabot na iyon mamaya magluluto na din ako pagkababa ko."
"hah?!! Huwag na leo." Tarantang sabi niya dahilan mapakunot ang noo ko.
"bakit naman? Lulutuin ko pa naman yung favorite mo." Bakit ba ang wierd niya ngayon? Tapos yung dalawang kamay niya hindi din mapakali.
"a..ano ano kasi may pagkain na dyan. Tama! Oo! May pagkain na sa lamesa hehehe." Napabuntong hininga nalang ako at ginulo nalang yung buhok niya.
"sige na magpapalit muna ako."tuluyan ko na siyang tinalikuran para na din makapagpalit ng pangbahay.
Ano kaya problema ng babae na iyon? Ang weird niya sobra ngayon.
Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko hindi ko inaasahan yung nakikita ko sa ibabaw ng kama ko. Isang stuff toys na babae at lalaki. Kung titignan mo yung itsura nito, para silang 'chibi' kung hindi ako nagkakamali. Meron itong malaking ulo at malit na katawan.Kapwa silang magkaabay. Nang nakalapit ako sa kama ko doon ko lang na pansin na may nakasulat pala sa damit nila na 'she is my girlfriend' at sa isa 'he is my boyfriend'. Ewan ko pero para akong gagong nakangiti sa kawalan ng makita Ito.
Alam ko parang nakakabakla pero hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa ginawa ni seferina at mas lalo pa akong kinilig ng may mapansin pa ako isang unan na may nakasulat mismo doon.
"So far, every moment we've spent together has been awesome. But I promise you, that the best is not yet to come. I love you Albert Leo Celedonio."
Love Seferina Dela VegaHindi ko alam kung paano ako magrereact. Ewan ko ba! Para akong na mental block at hindi ko maitindihan yung sarili ko. Siguro nabigla ako, dahil hindi ako sanay na babae ang gumawa ng effort. Dahil sa totoo lang sa taon namin na pagsasama ni andrea ni minsan hindi niya nagawan ako ng ganitong klaseng effort.
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...